You are on page 1of 4

Panimula:

ANGEL : Magandang hapon po sa ating lahat! Ako po si Bb.


Angel Gentugao at ako ay kasama ni Ginoong Jay Papellero at
kami ay inyong mga tagapag-ugnay sa espesyal na pagdiriwang
ngayon.

JAY: Tunay nga namang napakahalaga ng pagkakaroon ng sapat


na pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling wika. Ito ay
hindi lamang simpleng mga salita kundi isang yaman ng kultura,
kasaysayan, at pagkakakilanlan ng bawat isa sa atin.

I. Panalangin:
JAY: Inaanyayahan ko ang lahat na magsitayo para sa ating
panalangin, kasunod naman nito ay ang pag-awit ng
Nationalistic Song.
II. Pagbubukas:
ANGEL: Sa temang "Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng
Kapayapaan, Seguridad at Inklusibong Pagpapatupad ng
Katarungang Panlipunan" tayo ay magkakasama upang
ipagdiwang ang kahalagahan ng ating wika at kultura. Layunin
natin na maging instrumento ng pagkakaisa at pag-unlad sa
pamamagitan ng pagsusulong ng ating wika. Bago natin simulan
ang programa natin ngayong hapon, inaanyayahan ko dito sa
harap ang taga-payo sa Asignaturang Filipino, ng Mayana
National High School – Senior High si Ginoong Romeo A. Robiso
Jr. para sa kanyang pambungad na mensahe, bigyan natin ng
masigarbong palakpakan.
JAY: Maraming Salamat Ginoong Robiso.
Upang simulan ang ating programa, pakiabangan ang masayang
sayaw mula sa mga mag-aaral ng Ika-pitong baiting ng Mayana
National High School – Junior High.

ANGEL; Maraming Salamat, isunod naman nating ang


presentasyon ng Ika-walong baitang
__________________________
ANGEL: Ngayon, tayo'y makinig sa mga inspiradong salita mula
sa ilan sa ating mga mag-aaral. Sila ay magbabahagi ng kanilang
mga saloobin ukol sa kahalagahan ng wika sa pag-unlad ng
ating bansa.

[Magpapatalumpati ang mga mag-aaral.]


IV. Sayaw
JAY : Ang pagpapalaganap ng kultura ay hindi mawawala sa
pamamagitan ng sayaw at awit. Narito ang ating mga
talentadong mag-aaral na magpapasaya sa atin sa
pamamagitan ng kanilang sayaw mula sa mga mag-aaral ng
Mayana National High School – Senior High.

[Magpapasayaw at aawit ang mga mag-aaral.]

V. Palaro o Tribya:
ANGEL : Dahil sa ating pagdiriwang, tayo'y magkakaroon din ng
mga paligsahan na magpapakita ng ating kaalaman sa ating
kultura at wika. Ang mga mananalo ay tatanggap ng mga
premyo mula sa ating pinakaminamahal na guro, walang iba
kundi si Ginoong Romeo Robiso.

VII. Paggawad ng Parangal:

JAY: Ngayon naman ay ibibigay natin ang ating papremyo sa


mga nanalo sa mga paligsahan natin kanina. Nawa'y maging
inspirasyon sila sa iba na patuloy na mahalin at alagaan ang
ating wika.

VIII. Pagwawakas:

ANGEL : Sa ating pagtatapos, nais naming magbigay-pugay at


pasasalamat sa lahat ng mga naging bahagi ng ating programa.
Sa ating pagkakaisa at pagmamahal sa ating wika, tiyak na
patuloy tayong magkakaroon ng pag-unlad at tagumpay.

JAY: Maraming salamat sa inyong lahat at sana'y magpatuloy


tayong maging sandigan sa pagpapalaganap ng wika ng
karunungan, kaunlaran, at kultura.

ANGEL: Maligayang pagdiriwang sa buwan ng wika at Mabuhay


tayong lahat, magandang hapon!

You might also like