You are on page 1of 3

Pangalan: Danica S.

Domugho
Kurso: BSA-1

TEMA: Filipino at mga Katutubong wika sa Dekolonisasyon ng


Pag-iisip ng mga Pilipino

1. Anong mga bagay o kaalaman ang iyong natutuhan sa nasabing


webinar?

Ang webinar sa pagbibigay pugay sa buwan ng Wikang


Pambansa ay ginanap noong ika-17 ng Setyembre taong 2021 na
may temang “Filipino at mga Katutubong wika sa Dekolonisasyon
ng Pag-iisip ng mga Pilipino.” Ang webinar na ito ay
patungkol sa pagdiriwang ng buwan ng Wikang Pambansa na
nagpahayag ng maraming impormasyon at mga katutubong aral sa
mga manonood. Gayunpaman, sa kabila ng pandemya ay
naisakatuparan ang pagbabantayog ng ating Wikang Pambansa na
lubos na nagpapaalala sa kahalagahan ng wika at kultura.

 Ang webinar nagpapakita ng kahalagahan sa ating mga


katutubo at mga tradisyon.
 Ang wika ay isang instrumento sa pagbabago at dapat na
kinikilala at tinatangkilik bilang mga Pilipino
 Ang wika ay may kaakibat na kahulugan simula pa noong
nagdaang panahon at kung paano nabago magpasahanggang
ngayon.
 Ang pagpapahalaga ay hindi lamang sa panlabas na kaanyuan
kung kaya’t kailangan tanggapin at mahalin ang wika sa
bawat puso ng mga Pilipino.
 Ang wika ang nagbibigay pagkilala sa mga Pilipino at
nagpapanatili sa ating pagka- Pilipino.

2. Anong bahagi nang programa ang iyong naibigan  na nag papa


alala sa iyo bilang Pilipino?

Ang naganap na webinar ay nagpakita ng ibang pamamaraan


sa pagpapaalala sa atin bilang mga Pilipino. Sa bawat
presentasyon ay may kaakibat na mensahe kung saan mapupulutan
ng aral at repleksiyon. Ang mga bahagi ng pograma na lubos
kong nabatid ay ang mga sumusunod:

A. Ang Pagbibigay pugay sa ating Pambansang Awit sa


pamamagitan ng pagpapakita ng ating watawat sa isang
bidyo. Sa simula pa lang ng bidyo ay makikita ang
kahinahunan at kagandahan ng kanta na sumisimbolo sa ating
mga Pilipino at ating pinagmulan.
B. Ang pambungad na pananalita ni G. Mark Steve Mansano na
isang estudyane na nag-iiwan ng mensahe na ituring ang
wika bilang isang anak para magamit sa mga susunod na
henerasyon.
C. Ang pagpapakita ng bidyo galing sa youtube na patungkol sa
kagandahan ng kultura kung saan ito ay isang bukal na
kagalingang pandaigdig.
D. Sa bawat presentasyon ng sining at katutubong sayaw ay
nakitaan na ng pagka-Pilipino. Makikita sa bawat
presentasyon ang pag-aalay ng sarili at puso sa kanilang
ginawa na nagpapahayag ng pagmamahal sa wika at bansa.
Buong tapang na hinarap ng mge estudyante ang hamon,
datapwa’t napahayag nila ang pag alala sa wika sa
pamamagitan ng kanilang ginawa na lubos kong ikinagalak.
E. Ang panghuling mensahe ni Gng. Josephine Manuel na
sinasabi na ang wika ay hindi mamatay at mawawala, maaring
tahimik ito ngunit habang tumatagal ay lalong sumasarap at
ito ay magsisilbing kayamanan ng ating bansa.

3. Anong kahalagahan para sa iyo ang ginawang programa?

Sa bawat programa ay may kaakibat na mensahe at


kahalagahan kung saan mag-iiwan ng alala sa bawat manonood.
Ako ay napabilang sa paghahanda ng programang ito, kung
kaya’t ito ay binigyan ng oras at lakas upang mabuo at maging
matagumpay. Marami akong mga nabatid na kahalagahan sa
programang ito, kabilang na ang mga sumusunod.

 Kooperasyon at paniniwala sa isa’t isa. Bilang kabilang sa


paghahanda sa programang ito ay nakitaan ko ng kahalagahan
ang kooperasyon at paniniwala sa isa’t isa upang maging
matagumpay ang programa. Ang lahat ay nagtulong-tulong at
nag bigay ng parte upang mas mapaganda ito. Ang
kooperasyon ay isa sa mga napakahalaga sa pagbuo ng
programang ito.
 Sa pamamagitan ng diskusyon sa huling bahagi ng programa
ay aking nabatid na ang wika ay isang instrumento ng pag-
uugnay ugnay ng bawat kultura at tradisyon ng ibat ibang
rehiyon sa ating bansa.
 Sa pagtunghay ng programang ito ay aking napatunayan na
hindi tyao maaring makalimot sa ating pinagsimulan. Sa
ating kasaysayan na hinubog ng kolonisasyon ng ibat ibang
banyaga.

4.Isulat ang mga pangalan ,antasvat kurso ng kamag-aralo


kaibigan na iyong inmibtia at nakapanood ng ating
programa.hingan ng puna at
komento.
Ako ay nataasan bilang isang host kasama ang isa ko
pangkaklase at ako ay nasiyahan sa aking mga nabasang komento
mula sa mga estudyante ng Santa Isabel gamit ang makabagong
teknolohiya kagaya ng facebook at messenger. Karamihan sa
kanila ay nagpahayag ng mga pagbati at pasasalamat gamit ang
messenger. Nakita ko na lubos nilang ikinagalak ang programa
sa kabila ng pandemya at natunghayan nila ang mga
presentasyon na nagbigay-aliw sa kanilang mga puso. Mga
kaalaman na madadala nila sa mga susunod na panahon at mga
ala-ala ng pagpupugay sa ating mga katutubo at pagka-
Pilipino.

Kaming limang estudyante kasama ang aming butihing guro


ay nagsumikap upang mabuo ang programa na mag-iiwan ng
mensahe sa mga manonood. Ang bawat isa sa amin ay may kanya-
kanyang parte na gagawin upang mas mapaganda ito. Naniniwala
ako na ang lahat ng bagay ay magagawa kapag pinagtutulungan.

5.Ano ang mabibigay mong puna sa kabuuan ng ating programa.

Ang isang programa ay matatagumpayan sa tulong ng mga


taong bumuo rito. Ang programa ay nagbigay kahalagahan hindi
lamang sa mga taong naghanda rito pati na rin sa mga
manonood. Datapwa’t ito ay nakitaan ng kaayusan ng mga
nakapanood dito.

 Ang imbitasyon ay makulay at maaliwalas kung kaya ay


madali itong mabasa. At ang background music ay may
mabilis ang tempo upang mas maramdaman ito.
 Ang mga host ay nakasout ng pormal na damit na naayon sa
pagdiriwang. Malinaw ang pagkakasabi ngunit medyo mahiyain
sa kadahilanang unang karanasan pa nila ito sa paaralan ng
Santa Isabel.
 Maayos ang pagpapakita ng presentasyon ngunit may mga
bahagi na hindi napakilala ang speaker sa kadahilanang may
mga binago dito. Subalit maayos naman ang programa.
 Maayos ang pagpapakita sa presentasyon ng mga sining
ngunit ang pagbibigay kaalaman ay nasa bandang huli kung
kaya’t ang mga manonood ay kalimitang magbigay ng
attention dahil nauna na ang presentasyon.
 Ang mga speaker ay nagbigay ng maayos na kaalaman sa
pagbibigay-pugay sa Buwan ng Wikang Pambansa na may
kaakibat na mga kahalagahan.
 Sa pangkalahatan ay maayos at maganda ang programa.
Malugod kong binabati ang mga taong bumuo rito.

You might also like