You are on page 1of 2

QUILANTANG, MAHALALEEL P

GED115 – SEC 25

FA1

1. Magbahagi ng isa sa mga konseptong tinalakay sa bidyo.

Ayon kay Ginoong, Felicisimo Gallates Jr sa kanyang bidyo kung saan siya’y nagbibigay ng
pagpapaliwanag ng mga ideya tungkol sa Wika at Kultura. Sinasabing ang pag-aaral ng Wika ay
kakambal rin nang pag-aaral ng Kultura kung saan ay hindi kailanman mawawala ang pagkaka-
konekta ng dalawang ito sapagkat sinasabi nya rito na ang pagkamatay ng Wika ng isang bansa ay
nagpapakita na maaari ring maglaho ang kanilang kultura. Bukod pa rito, nalaman rin natin na
ang wika ay instrumento ng isang komunikasyon na ating ginagamit sa pang araw-araw na siyang
nagiging tulay upang tayo ay magkaintindihan. Isa sa mga konseptong kaniyang natalakay sa
bidyo ay tungkol sa pagbibigay ng paliwanag sa mga salitang ating ginagamit na mayroong
kakaibang pagbigkas o diyalekto na ginagamit ng ilan sa ating mga mamamayan na naninirahan
sa ibang parte ng Pilipinas. Pinapakita rito na likas na mayaman ang Pilipinas sa mga diyalektong
ginagamit natin sa pang araw-araw na diskusyon. Alinsunod nito nalalaman rin natin na may mga
salita tayo na mayroong pagkakapareho at parehong kahulugan sa ibang diyalekto katulad na
lamang ng Ilong na kadalasan na ginagamit rin ng Hiligaynon at Bisaya at mayroon ring mga
salita na mayroong kaparehong kahulugan ngunit nagkakaiba sa pagbigkas. Dahil rito talagang
bukod tangi ang Pilipinas pagdating sa mga salita o wika na ginagamit ng mga Pilipino sapagkat
pinapakita rito na talagang napupuno tayo ng kaalaman na nag-uugat sa ating kultura.

2. Maglahad ng sariling karanasan na malinaw na nagpapakita ng ugnayan ng wika at


kultura sa iyong komunidad mula sa konseptong iyong napili. (Tandaan: No two stories
are the same)

Sa ilang taon kung pamumuhay sa Pilipinas ay hindi ko maitatanggi na mayroon na rin akong
mga karanasan na nagpapakita ng pakikipag ugnayan sa mga kapwa Pilipino na tumutugon sa
Wika at Kultura. Ilan sa mga ito ay ang pakikipag diskusyon ko sa mga kapwa mag-aaral na aking
nakikilala nung ako’y baguhan pa lamang sa kolehiyo. Nalaman ko na karamihan sa aking mga
kamag-aral ay nanggagaling pa sa mga malalayong probinsya kung saan sila ay nakikipag
sapalaran rito sa Maynila upang makapag aral sa Paaralang Malayong Silangang Unibersidad
sapagkat marami sa mga kapwa ko estudyante na nangangarap na magkaroon ng magandang
kinabukasan kung kaya’t tinitiis nila ang hirap upang makapagtapos lamang ng pagaaral. Sa
pakikipag-ugnayan ko sa mga ito ay nalaman ko ang ilan sa mga kultura na aking nakagisnan ay
may pagkakaiba sa kultura na kanilang nakagisnan. Kung kaya’t maingat ako sa mga salitang
aking binibigkas sapagkat iniiwasan ko na mainsulto ang aking mga kapwa magaaral. Sa ganitong
paraan ay napagyayabong ko pa ang pakikisama sa mga ito at nawiwili rin akong malaman ang
mga kultura ng mga ito marahil ay nakapag bibigay kaalaman rin sakin kung anong kultura na
kanilang nakalakihan na isang pribilehiyo hindi lang sakin kundi sakanila rin na irespeto at
hangaan ang isa’t isa dahil tayo lamang mga kapwa Pilipino ang mag-aangat sa atin.

3. Magbigay ng makabuluhang komento sa awput ng dalara o digit pang mga kamag-aral

Ang pagaaral ng wika ay pagaaral na rin ng ating kultura sapagkat ang pagaaral nito ay siyang
nagbibigay sa atin ng ideya upang tayo ay magkaroon pa ng mas malalim na kaalaman rito.
Bukod pa roon ay mas nabibigyan na’tin ng pansin ang kultura na ating nakagisnan na siyang
tinaguyod ng ating mga ninuno noong unang panahon. Kung kaya’t marapatin lamang na ating
mahalin at itaguyod ang wika at kultur ana sariling atin.

Sanggunian:

ACERON (2019, August 7). UP TALKS | Wika At Kultura. YouTube.


https://www.youtube.com/watch?v=dj6R04h3lq4.

Philippine Languages Comparison | Tagalog, Bisaya, Kapampangan, Ilocano, Waray, Bikol,


Hiligaynon. (2021, March 4). YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=5CeeA6A4BCE&t=527s.

You might also like