You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

CAVITE STATE UNIVERSITY


Silang Campus
Biga 1, Silang, Cavite

TEACHER EDUCATION DEPARTMENT

PERA, JOHN CARLO T.


BSED ENG 1-A

WIKA: PUNDASYON SA PAGKAKAISA

“Ang wika ang pag-iisip ng bayan” – Jose Rizal (“A quote from El Filibusterismo,” 2020)

Sa ganang akin, isa sa mga pinakamahalagang bagay sa isang bansa ang pag-mamahal,

pag-tangkilik at pag-preserba sa naka-likhan nitong wika. Hind ma-i-tatanggi na isa sa mga

kasangkapan tungo sa kaunlaran ng bansa ang pag-tangkilik sa sariling wika. Ang pag-gamit

ng wika ay naka-tutulong sa atin upang i-hayag at i-bahagi ang ating nararamdaman, mga

kaisipan, at mga kaalaman sa bawat isa. Masasabing kasangkapan ang wika sa kaunlaran ng

isang bansa dahil sa pamamagitan ng pag-gamit nito, nag-kakaroon ng pag-kakaisa. Alam

nating lahat na sa pamamagitan ng wika, tayo ay nag-ka-karoon ng pag-kakaisa sa mga

bagay-bagay, lalo na sa mga sensitibong usapin kagaya ng napanood na dokumentaryong

patungkol sa “K-12 program” at ang pag-tanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Nag-simula ang bidyo patungkol sa pag-kakaroon ng panibagong kurikulum (K-12) na

ngayo’y na-ipatupad na. Ako’y sang-ayon sa mga inilantad na impormasyon tungkol dito

dahil sa aking palagay ay maka-tutulong talaga ito sa pang-kalahatan, lalo na sa aming mga

kabataan sa pag-kakaroon ng trabaho hindi lang sa bansa, ngunit pati na rin sa ibang lupalop

ng mundo. Sa kabilang dako, ako’y mas nag-karoon ng atensyon patungkol sa pag-alis ng

CHED (Comission on Higher Education) sa asignaturang Filipino. Iba-ibang emosyon ang

aking naramdaman habang pina-nonood ang bidyo. Habang pina-nonood ang bidyo, napa-isip
ako--- “Bakit kaya ang asignaturang Filipino lang ang na-isipan nilang tanggalin?”, “Bakit

hindi nalang ang ibang asignatura?”, “Hindi ba nila alam ang kalagahan ng pag-aaral ng

asignaturang Filipino?”, “Tanging tagalog lang ba ang i-tinuturo sa asignaturang ito?” Ako’y

napa-isip na lamang at natulala sa sobrang daming katanungang na-buo sa aking isipan. Bakit

tila wala nang respeto sa pagkaka-kilanlan ng ating wika? Bakit tila hindi na nakikita ng

karamihan ang pag-aaral nito? Sa patuloy na panonood ng bidyo, nakita ko ang isang lalaking

may tunay na pag-mamahal sa asignaturang Filipino. Sa kanya ko nakita ang katangiang

dapat na tinataglay din ng kapwa ko Pilipino: ang tunay na pagiging makabayan. Lingid sa

kaalaman ng lahat na ang pagiging maka-bayan ay hindi lang tungkol sa pag-mamahal sa

ating bansa, ito rin ay ang pagpa-pahalaga sa kasaysayan at kultura nito, at sa ating wikang

kinagisnan. Galit ang nangingi-babaw sa akin sa pag-papatuloy na pag-nood sa bidyo. Hindi

ba’t ang layon nila’y mag-karoon ng kaunlaran sa persyento ng mga walang trabaho sa

bansa? Kung ganoo’y hindi ba nila na-isip na magiging malaking karagdagan sa porsyento ng

walang trabaho ang pag-tanggal ng asignaturang Filipino? Gaya nga ng isinaad sa bidyo,

maraming guro ng asignaturang Filipino ang maa-apektuhan sa pag-tanggal nito, kung kaya’t

sana’y bago ipanukala ang mga nais na gawin ng gobyerno ay sana ay magkaroon muna ng

pananaliksik sa pangkalahatang epekto nito, at hindi lang sa larangan ng edukasyon. Isinaad

din sa bidyo na magiging malaking epekto ang pag-tanggal ng asignaturang Filipino sa

intelekwalisasyon ng mga Pilipino sa ating wikang kinagisnan, at ito’y totoo. Dahil sa layong

tanggalin ang asignaturang Filipino, ako’y mas na-kumbinsi na hindi ito kailanman dapat

tanggalin. “Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong

kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang

wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at

ipagmalaki”(“Saint Mary’s University,” 2021). Dapat ay ma-isip ng ating gobyerno na ang

pag-aaral ng Filipino ay makatutulong sa pag-papalawig ng kaalaman ng mga estudyante na

isa lamang sa mga dayalekto ng wikang Filipino ang tagalog. "Ang wika ay susi ng puso at

diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa." – Marisul Mapula (Baloydi Lloydi, 2014). Maka-

tutulong ang pag-aaral ng asignaturang Filipino dahil matatalakay dito ang kalahagan ng ating
sariling wika, at ang kasaysayan nito. Sabi nga ng isa sa mga kinikilala nating bayani na si

Andres Bonifacio “Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagka-dalisay at pagka-dakila gaya

ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa? Aling pag-ibig pa. Wala na nga. Wala” (“ANDRES

BONIFACIO: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa,” 2011). Ngunit, paano natin mamahalin ang

sariling wika, kung hindi natin pahahalagahan ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa

kapwa ko kabataan? Hindi na mauunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng wikang

pambansa sa pag-kakaisa kung patuloy na isasakatuparan ang pagtanggal dito.

Sinasabing malaking impluwensya ang pagkakaroon ng pag-unawa sa isa’t isa sa pag-

taguyod ng maayos na pamahalaan at pamayanan, ngunit hindi ito matatagumpayan kung

walang maayos na pag-unawa sa ating wikang pambansa. Dapat na maisip at mapagtanto ng

ating pamahalaan ang kahalagahan ng asignaturang Filipino, at ilaan ang kanilang mga

renobasyon sa ibang larangan ng pamahalaan na sa tingin ko’y mas kailangan ng atensyon.


BIBLIOGRAPIYA:

A quote from El Filibusterismo. (2020). Retrieved September 22, 2021, from Goodreads.com

website: https://www.goodreads.com/quotes/435035-nalilimot-ng-bawat-isa-sa-inyo-

na-habang-napag-iingatan-ang

Course Hero. (2021). Retrieved September 22, 2021, from Coursehero.com website:

https://www.coursehero.com/u/file/6907736/Kahalagahan-ng-wika/#question

ANDRES BONIFACIO: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. (2021, September 22). Retrieved

September 22, 2021, from Blogspot.com website:

https://ludtohan.blogspot.com/2011/11/andres-bonifacio-pag-ibig-sa-tinubuang.html

Baloydi Lloydi. (2014). Mga Kasabihan Tungkol sa Wikang Filipino | Filipino Tagalog.

Retrieved September 22, 2021, from Blogspot.com website:

https://filipinotagalog.blogspot.com/2014/01/mga-kasabihan-tungkol-sa-wikang-

filipino.html#.YUqh0Lgza00

You might also like