You are on page 1of 4

Sa Madaling Salita- Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa

Zillovia Honey J. Magtolis, OBTEC-M-I-1


2GED-FIL01 FILIPINOLOHIYA
Prof. Fe A. Quisil
1. Ano ang nilalaman ng bidyu?

Ang wika natin ay "sumasalamin sa mahabang kasaysayan ng mga Pilipino." Ang


dokyumentaryong bidyu na pinamagatang "Sa Madaling Salita- Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang
Pambansa", ay produksyong hatid ng Sentro ng Wikang Filipino - Uniiversidad ng Pilipinas Diliman na
naglalaman ng kahalagahan ng wikang Filipino sa ating kultura, kasaysayan at pambansang
pagkakaisa. Ang dokumentaryong ito ay binubuo ng mga detalye at mahahalagang impormasyon sa
pamamagitan ng mga pakikinayam sa mga propesyunal at eksperto sa larangan ng wikang Filipino.
Isinasaad sa bidyung ito ang iba't ibang perspektibo sa pagbibigay kahulugan sa wikang Filipino, ang
Iba't ibang kagamitan at layunin nito, at maging ang epekto at katibayan sa paggamit ng wikang
Filipino para sa bayan. Dagdag pa, ito ay nagbibigay ng masaganang kaalaman at nakapag-uudyok
sa mga manonood sa pagpapahalaga sa wikang Filipino.
2. Magbigay ng inyong repleksiyon o komento tungkol dito.

"Ang wikang buhay ay ginagamit."


Ang dokyumentaryo ay tunay na malaman at labis na kamangha-mangha sapagka't sa loob
lamang ng mahigit labing-walong minuto ay naipapahayag dito ang kinakailangang makamtan na
impormasyon ng isang Pilipino upang siya ay makapagnilaynilay tungkol sa wikang Filipino. Dahil sa
bidyu, nabuksan ang aking kaisipan sa higit pang kahalagahan at kabuluhan ng ating wikang Filipino.
Napagtanto ko na tunay nga'ng ang wika ay bumubuklod sa mga Pilipino at nagtatatag ng
pambansang pagkakakilanlan. Sumasalamin ito sa ating kultura at kasaysayan kalakip di lamang
ang mga karanasan ng mga Pilipino kundi ang pag-unawa sa kanilang mga isip at damdamin.
Ngayong araw lang din, matapos ang unang araw ng aming Fellowship sa aming simbahan, ay
napatunayan ko ang isinasaad sa bidyu na ang wikang Filipino ay susi sa pagkakaisa at
pagpapayaman sa kalaaman at kultura. Ang aming mga kapatiran sa simbahan ay mangyaring
nanggaling pa sa iba't ibang sulok ng bansa mula sa Norte ng Luzon hanggang sa Timog Mindanao
ngunit kami ay nagkakaunawaan at napag-iisa dahil tulad nga nang nasabi sa bidyu, "nagsisilbing
tagpuan" ang wikang Filipino. Mayroon mang Pangasinense, Batangueno, Ifugao, Kapampangan,
Cebuano, Hiligaynon, o Manobo, at iba pa, sa pagmemensahe at pakikipag-ugnayan, ang wikang
Filipino ay tunay na epektibong instrumento. Sa ganitong paraan, lalo kong napagtanto na sa kabila
nang pagkakaiba-ibang kultura ng mga Pilipino, mayroon tayong pag-asang umunlad dahil mayroon
tayong iisang wika ng pagkakakilanlan at hamak na magiging epektibo ito kung pagbibigyan ng
malaking pansin sa pagtaguyod sa buong bansa. Masasabi ko ring totoo ang ibinahagi sa
dokumentaryo na ang wikang Filipino ay nagpapalawak ng kaalaman sapagkat naibabahagi nang
mainam ang konsepto kung ito ay naisulat sa wikang Filipino. Naalala ko ang akin ring mga kaklase
dati ay nakapagpapaliwanag nang husto at nakapag-iintindi ng leksyon maging ang mga
komplikadong mga konsepto at bagay-bagay ay nagiging komprehensibo kung naisasalin ito sa
Filipino o kaya ay Filipino ang mismong ginagamit sa talakayan. Kaya naman, ang mga masaganang
kaalaman na nakuha ko mula sa dokumentaryo ay nagsisilbing gabay upang mas lalo kong
pahalagahan ang ating wikang Filipino. Gayumpaman, ang kalakip ng pagpapahalaga sa wika ay ang
paggamit nito. Ayon pa nga sa bidyu, " Ang wikang buhay ay ginagamit". Datapuwa't kinakailangan
lamang na gamitin ko/natin ang wikang Filipino sa halip na itakwil ito o hayaang di mabigyan ng tuon
at tuluyang lumaho.

You might also like