You are on page 1of 3

Christ the King College College Department

Gingoog City S.Y 2020-2021

GEFIL 1 - Wika, Kultura at Lipunan


PANGWAKAS NA PASULIT
Ika-17 ng Hulyo, 2020
Bb. Charlotte A. Dagoc,LPT

Pangalan:Andrea Florence G.Vidal


Kurso:BSA 2
Iskor:___________________

I. Sagutin ang mga sumusunod, magbigay lamang ng apat hanggang


limang pangungusap.

A. Ipaliwanag ang konsepto, kasaysayan, at halaga ng wikang


Filipino. (10 puntos)

Bilang isang Filipino ating tungkulin na pag-aralan ang


kasaysayan o ang nasimulan ng ating bansa at ang ating wikang
pambansa. Dahil ito ay sumisimbolo ng ating pagkatao, kung saan
tayo nanggagaling. Bago pa natawag ang wikang filipino na wikang
pambansa ay marami din itong mga proseso na dinaanan bago ito
naging opisyal na wikang pambansa. At ang wikang filipino ay
pinakamahalagang instrument sa komunikasyon, ito ay nagsisilbing
tulay para maipahatid natin ang ating mga mensahe para tayo ay
magka intindihan at magkaroon ng kapayapaan. Dahil ayon kay
Dr.Jose Rizal “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay
higit pa sa hayop at malansang isda.” Kaya mahalaga lamang na
tayo ay gumamit ng wikang filipino at wag natin itong kalimutan
kahit madami na tayong alam na lengguwahe.

B. Pagugnayin ang WIKA, KULTURA, AT LIPUNAN sa pagbuo/pagtatag


ng mapayapang lipunan gamit ang organizer na makikita sa
ibaba. (15 puntos)

WIKA
Ang wika ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe. Kaya ito ay ang pinaka importanteng
instrument para maayos nating maipahatid ang ating mga saloobin o mensahe sa sambayanan. At ang ating wika ang
sumisimbolo ng ating pagkatao kung saan tayo galing, at minsan ang wika natin ay unti-unti ng namamatay dahil atin na itong
nakakalimutan at nag a-adapt na tayo ng ibang wika kaya nalilimutan na natin kung sino ba talaga tayo. At ang pagpili ng wika
ay nakabatay rin kung saan tayo nabibilang, dahil ito ay nakabatay sa ating kultura.

KULTURA
Ang pilipinas ay isang arkipelago, kaya ito ay binubuo ng iba’t-ibang kultura o paniniwala. Kaya ang kultura ay isang paraan ng
pamumuhay na naglalarawan ng isang lipunan, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuohang gawain ng tao. Madaming
mga elemento na nauugnay sa kultura ito ay ang mga tradisyon, paniniwala at iba pa. kaya ano nga ba ang ugnayan ng wika
sa ating kultura? Ang wika ay Malaking bahagi ng kultura dahil hindi maibabahagi ang ating mga kultura kung wala ang wika
at gayundin sa kultura dahil walang wika kung wala ating kultur ana ating kinagisnan. Dahil ang ating wika ay nababase kung
anong kultura ang ating kinagisnan.

1|Pahina
LIPUNAN
Ayon kay Charles Cooley ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit
na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. At ang
mapayapang lipunan ay binubuo ng maayos na komunikasyon. Kaya dito nauugnay ang wika sa pagkakaroon ng mabisang
komunikasyon na ayon sa kanilang kultura para sila ay magkakaintindihan at magkaroon ng pagkakaisa.

C. Bigyang paliwanag ang mga Wikang Filipino sa Produksiyon ng


Kaalaman sa Iba’t Ibang Larang. (3 puntos bawat isa)

AKADEMIKO- Nakapaloob ditto ang Filipino bilang isang larangan.


Ang isang guro ng filipino ang nagtuturo kung ano ang ating
wikang pambansa at nagpapayabong ng wikang filipino.

MEDISINA- Ito ay importante sa larangan ng medisina dahil ang


wikang filipino ang ginagamit sa pagbibigay ng payo o
pagpapaliwanang sa mga pasyente, para mas lalo nila itong
maintindihan.

POLITIKA- Nakasaad sa ating saligang batas 1987 na filipino ang


ating gagamitin sa mga pangunahing ahensya ng bansa. At lahat ng
ating mga batas ay nakalimbag sa Filipino.

KUMERSYO- Ang wikang filipino ay ginagamit sa pag kalakalan ng


ating bansa, dahil ito ay mas madaling maintindihan ng mga tao.
Tulad na lamang ng talastas sa telebisyon, radio at iba pa.

TEKNOLOHIYA- Sa pagtuturo ng teknolohiya mas mainam na filipino


ang gagamiting wika sa pagtuturo para mas maintindihan at mabilis
na pagkatuto. At ang gamit sap ag chat o text ay filipino.

AGHAM- Hindi masyadong ginagamit ang filipino sa agham bagamat


ayon sa KWF marami naring salitang filipinona magagamit sa agham
upang mas mapanatili ang kayabungan ng ating salita.

MATEMATIKO- May mga terminolohiyang nililimbag narin sa filipino


upang mas lalo itong maintindihan katulad na lamang ng hipnayan,
dagdag at bawas. Kaya patuloy naring ginagamit ang wikang
filipino sa matematika.

2|Pahina
SINING- Ang filipino ay ginagamit sa pakikipag balagtasan, tula,
sayaw atbp. Kaya ang Pilipino ay ang pinaka sikat sa larangan ng
sining dahil sa pagiging malikhain. At kilala ditto sina Juan
Luna, Fernando Amorsolo atbp.

MUSIKA- Ang OPM (Original Pilipino Music)ang magandang halimbawa


ditto. Mga magagandang awitin na isinulat ng mga Pilipino.

“PAGPALAIN NAWA KAYO NG DIYOS!”

3|Pahina

You might also like