You are on page 1of 6

Buwan ng Wika Script 2022

Introduksyon: Naimbag nga bigat! maayong buntag! mayad nga aga! mapiya mapita! mapiya bulli!
Magandang umaga sa ating lahat!

Bry: Ayun nga sa isang salawikain, “Anumang tibay ng isang piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-
iisa.” Katulad ng isang wika, pagkakaisa at pagkakaunawaan ang susi ng pag-unlad nating mga Pilipino
sapagkat ito ang pundasyong nilikha ng kasaysayan, handang paunlarin hanggang sa kasalukuyan at mas
lalong paiigtingin para sa kinabukasan ng isang matatag at hindi patitinag na mamamayan.

Mai: Tama dahil mababakas nito ang bawat kanlungang bukas sa bawat Pilipinong handang umunlad
ang buhay sa kabila ng iba’t ibang inobasyon o modernisasyon ng mundo. Ayon nga sa isang kasabihan,
“Today’s Science will be tommorrow’s Technology” Katulad ng wika, bawat mumunting tuklas ay daan
lamang sa pag-usbong ng higit pang dakilang imbensyon na sa kalaunay bumabago sa kaligiran ng
pamumuhay ng mga tao saan mang sulok ng mundo.

Bry: Pagkakataon din natin ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika
ay hindi lamang para sa komunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang
indibidwal at bilang isang bansa.

Mai: Bilang pagtangkilik ng ating buwan ng wika, ay uumpisahan natin ang pagpupugay sa Wikang
Filipino ngayong Buwan ng Wika na may temang:

Bry & Mai: “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha.”

A. PANALANGIN
B. PAMBANSANG AWIT AT BARMM HYMN

Bry: Sa ganang ito, ating alalahaning tayo ay sa kabanal-banalang presensya ng Panginoon. Upang
pormal nating buksan ang palatuntunan ay sisimulan natin ito sa “Panalangin” sa pangunguna ni
Ginoong Mohamad Abdulgani ng Mababang Paaralan ng Memoryal Datu Embak Mangansing.

Mai: Ito’y susundan ng Pambansang awit ng Pilipinas at BARMM HYMN sa kumpas ni Ginang Hazel Mae
P. Lano ng Mababang Paaralan ng Kibayao.
C. PAMBUNGAD NA PANANALITA

Bry: Sa taong ito, matibay na binabantayog ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na nakaatas sa
kanilang hanay ang maglungsad ng pandinig pampubliko, komprihensiya, seminar at iba pang
pangkatang pagtalakay batay sa pagpapabatid at paglulutas kaugnay sa mga suliranin at kaugnay ng
pagpapaunlad, pagpapalaganap, preserbasyon ng Filipino at iba pang katutubong wika ng Pilipinas.

Mai: Upang bigyan tayo ng isang pambungad na pananalita, siya ang punong tagaganap ng Tanggapan
ng Implementasyong Pangkurikulum (Acting CID Chief) tinagurian ko siyang Ilaw ng kurikulum dahil siya
ay naglalayong magbigay ng pag-asa at pagbabago para sa isang dekalidad na edukasyon at naglalayong
walang batang Bangsamorong maiiwan. Walang iba kundi si Ginoong Abdulsamad Maisalat, Bigyan natin
siya ng isang masigabong palakpakan.

D. PAGPAPAKILALA SA MGA KALAHOK

Bry: Bilang sa pagtugon ng pagdiriwang na ito, sa kabila ng patuloy na paghamon ng pandemya ay


magsasakatuparan ng paligsahang lilinang, magpapayaman at magpapaunlad sa ating pambansang wika
at sa mga katutubong wika sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng mga paligsahang lalahokan ng mga
guro. Para sa pormal na pagpapakilala ng ating mga kalahok ngayong umaga ay hinihiling ko si Ginang
Dolores M. Vicente ng mababang paaralan ng Manarapan. Bigyan natin siya ng isang masigabong
palakpakan.

E. PAGPAPAHAYAG NG LAYUNIN NG PROGRAMA

Mai: Panahon na ng tag-ulan, siyang tunay ang papel ng wika ay maging bahagi ng Pagtuklas at Paglikha
kasabay rito ang pagpapaunlad at paglinang ng mga katutubong wika ng ating bansa. Para sa
Pagpapahayag ng Layunin ng Programa, tinagurian ko siyang bundok at kapatagan dahil kasing-taas ng
bundok ang kanyang layunin at pangarap para sa departamento ng Filipino at kasinglapad ng kapatagan
ang pagmamahal niya sa amin bilang isang anak, ina, kapatid at kaibigan. Walang iba, kundi si Ginoong
Musanip Adzal, Ang tagapagmasid ng Programang Pang-edukasyon sa Filipino (Education Program
Supervisor(EPS) ) Bigyan natin siya ng isang masigabong palakpakan.

F. PAMUKAW-SIGLANG PANANALITA

Bry: Hindi maikakailang na mayaman tayo sa kasaysayan kung paano mapapatibay ang ating wikang
Pambansa sapagkat ang pagkakaroon ng wikang Pambansa ay naglalayong ugnayin ang mamamayan ng
ating bayan. Sa oras na ito ay ating tunghayan ang isang pamukaw na pananalita, sa pangunguna ng
ating kagalang-galang na Kawaksing Tagapamanihala ng Sangay, Ginang Noria G. Mandigan. Bigyan natin
sya ng isang masigabong palakpakan!
G. INSPIRASYUNAL NA MENSAHE

Mai: Ngayong umaga ay ating matutunghayan ang isang maalab at mga butil ng inspirasyon mula sa
isang mensahe,magalang ko pong tinatawagan sa entablado ang Alkalde ng Pikit, Ginoong Sumilong K.
Sultan, ito’y susundan ng ating Punong-Barangay ng Nunguan Ginang Duila D. Sultan, at susundan ng
ating Tagapamanihala ng Sangay, Ginoong Edgar S. Sumapal. Bigyan po natin sila ng isang masigabong
palakpakan!

H. PAGBASA NG MGA ALITUNTUNIN SA LAHAT NG PATIMPALAK

Bry: Upang bigyan tayo ng kaalaman sa mga patimpalak ng Buwan ng Wikang Pambansa, dalawampung
libo dalawampu’t dalawa, ating tawagin ang nanunungkulang guro ng mababang paaralan ng Datu
Tumindeg Sultan Island upang basahin ang mga Alituntunin sa lahat ng Patimpalak, Ginoong Rafael H.
Tagi. Bigyan natin siya ng isang masigabong palakpakan!

I. PAGPAPAKILALA SA MGA KASAPI NG LUPON

Mai: Maraming Salamat po Ginoong Rafael sa paglalahad ng mga alituntunin sa lahat ng patimpalak
ngayong umaga. Ngayon, ay tinatawagan po natin ang ating Pangulo ng Kapisanan ng mga guro sa
Filipino ng Sangay ng Natatanging Hiyograpikong Lugar, Ginoong Nasser S. Kayaga upang ipakilala ang
ating mga hurado para sa patimpalak na ito. Bigyan po natin siya ng isang masigabong palakpakan!

III-MGA PATIMPALAK/PALIGSAHAN
INTRO:

Bry: Isang paraan ng pagdiriwang sa araw na ito ay ang iba’t ibang patimpalak na kung saan
maipapabatid ang layunin ng nasabing tema ng buong Buwan ng Wika. Ang pangunahing patimpalak na
isasagawa ngayong araw ay ang “Kundiman”, kaakibat nito ang “Pagsasayaw ng Dulang” at “Sabayang
Awit ng Himno ng BARMM”

Mai: Ito’y nagmumula sa mga piling mga punong-guro, ulong-guro, at mga guro mula sa iba’t ibang
paaralan ng bawat klaster ng mababang paaralan at mataas na paaralan. Naniniwala akong sila ay lubos
na nag-ensayo sapagkat ngayong umaga ay ipapamalas nila ang kani-kanilang mga nakatagong talento.

I- PALIGSAHAN SA KUNDIMAN

Bry: Handa na ba kayo? Batid kong ang lahat ay handa na para sa pagsisimula ng ating paligsahan
ngayong umaga!

Mai: At ngayon, hayaan nyong, epresenta ko sa inyo ang isang kapana-panabik na paligsahang inihanda
ng bawat klaster.
Bry: Sisimulan natin ito sa isang awitin ng pag-ibig ng mga Pilipino. Kaya’t ang tanong, Sino ba sa atin
dito ang nakaranas ng mabigo, masaktan, umaasa, at patuloy na iniinda ang kirot sa hirap man at sa
ginhawa?

1.Mai: Huwag na nating patagalin pa partner ! Salubungin natin sa bulwagang ito ang unang kalahok na
nagmula sa ___________________ sa paghahandog ng kanyang awitin. Bigyan natin siya ng isang
masigabong palakpakan!

2.Bry: Maraming Salamat Ginoo/Binibini/Ginang sa isang napakamaantig na awitin na iyong ibinahagi sa


aming lahat batid kong ang lahat sa atin ditto ay tunay na nabighani sa kaniyang awitin. At ngayon para
sa ating ikalawang kalahok, na nagmumula sa _________ating salubungin sa entabladong ito
si_______________ Bigyan natin siya ng isang masigabong palakpakan!

3.Mai

4.Bry

5.Mai

6.Bry

B: Maraming mga bagay o katangian ang Pilipinas na nagsisilbing kahanga-hanga sa lahat ng mga taong
nakakasalamuha nating mga Pilipino. Kung kaya’t ang mga presentasyong ating napanood at
napakinggan ngayong umaga ay isa lamang sa patunay na tayong mga Pilipino ay hindi lamang mayaman
sa kultura. Tayo rin ay mayaman sa talento!

II-PALIGSAHAN SA PAGSASAYAW NG DULANG

A: Kung kaya’t hindi pa ditto nagtatapos ang ating paligsahan ngayong umaga dahil ipapamalas rin ng
mga guro ang kani-kanilang husay sa pagsasayaw. Sa pamamagitan nito ay ipapakita nila ang kanilang
mga kultura na sumisimbolo ng kanilang mga tradisyon o paniniwala. Ang sayaw na ito ay kung tawagin
ay pagsasayaw ng Dulang.

1B:Upang tayo’y handugan ng isang makabuluhang sayawan, tinatawagan naming ang mga gurong
panlaban, hindi lamang sa talino maging sa indakan.Salubungin natin ang _______________. Bigyan
natin sila ng isang masigabong palakpakan!

2A: Maraming Salamat ______ sa isang napakagandang presentasyon. Ngayon, magpapahuli ba ang mga
pambato ng _______________? Huwag na nating patagalin pa. Para sa pagsisimula ng kanilang sayaw ng
Dulang ay bigyan natin sila ng isang masigabong palakpakan!
3B:

4A:

5B:

6A:

III- SABAYANG PAG-AWIT NG HIMNO NG BARMM

B: Ayon kay Marisol Mapula, “Ang wika ay susi ng pusot’t diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa.”

Naniniwala ako na ang pagkakaunawaan at pagkakaisa nating mga Pilipino ay hindi lamang makikinita sa
ating pakikipagkomunikasyon. Naniniwala akong isa ang mga awitin sa pagpapahayag ng ating
pagmamahal ng ating sariling wika.

A: Tama ka diyan partner, dahil sa mismong araw na ito ay hindi na lamang natin matutunghayan ang
sabayang pag-awit o Choir sa Youtube o telebisyon. Dahil sa araw na ito ay ating matutunghayan ang
isang malapandaigdigang boses! Mala-anghel na tinig! At isang makatindig balahibong presentasyon na
hinding-hindi natin malilimutan.

1B: Huwag na nating patagalin pa! Para sa pag-awit ng Himno ng BARMM ay hinihiling ko sa entablado
ang mga gurong nanggaling sa ________. Bigyan natin sila ng isang masigabong palakpakan!

2A: Maraming Salamat ….

3B:

4A:

5B:

6A:

IV-PAGGAWAD NG PARANGAL

Bry: 😊 (Pagbibigay ng mga sertipiko sa mga hurado, ang mga komite ng paaralan ng Ganasi,punong
pampurok/cluster heads at mga partisipante na mananalo sa patimpalak.)

MGA LUPON NG DIGNITARYO

-Dr. Edgard s. Sumapal (SDS)

-Noria G. Mandigan (ASDS)

-Abdulsamad Maisalat (Acting CID Chief)

-Musanip S. Adzal (EPS-Filipino)

-Hon. Dulia D. Sultan (Punong Baranggay ng Nunguan)


-Nasser S. Kayaga (Pansangay na Pangulo ng kapisanan ng mga guro sa Filipino)

-Nasrudin B. Pandulo (Tagapamahala ng klister, Pikit 1-A)

- Sawal I. Sapal (Ulong-guro ng Ganasi ES)

V-PANGWAKAS NA PANANALITA

Mai: Para sa pagtatapos ng ating palatuntunan, tinatawagan po naming si Ginoong Nasrudin B. Pandulo.
Ang ating Tagapamahala ng Klaster, Pikit 1-A. Bigyan po natin sya ng isang masigabong palakpakan!

PAGTATAPOS

Bry: Tayo ay may kanya-kanyang bakuran, sa kung papaano natin tutuklasin ang ating kaalaman. Kasama
sa mga bagay na ito ang makrong kasanayan na may malaking epekto sa ating paglikha.

Mai: Isang makabuluhan at makahulugang Buwan ng Wikang Pambansa. Sama-sama tayong magpatuloy
na paunlarin ang wikang Pambansa at ang mga katutubong wika.

Bry: Ako si Bryan S. Ligsay, ang gurong tagapagdaloy ng palatuntunan

Mai: At ako naman si Bb. Mailyn I Tagactac, ang gurong tagapagdaloy ng palatuntunan.

Bry: Mabuhay ang WIkang Pambansa!

Mai: Mabuhay ang Wikang Filipino!

Bry & Mai: Mabuhay ang Pilipinas!

You might also like