You are on page 1of 2

Ika-11 ng Hulyo, 2019

Mahal na Ginoong Cubacub, ,

Naglalayon ang Liga ng Kabataang Propagandista at Sining Bugkos, kasama


ang Ugnayan ng Talino at Kagalingan, na mailunsad ang BAWIIN: Bayan at
Wika, Ipaglaban Natin! Ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng libreng mga
workshop sa malikhaing pagsulat at talakayan sa kahalagahan ng wika sa ating
bayan. Kami ay nakikipagugnayan sa iba’t ibang paaralan upang maisakatuparan
ang hangaring ito.

Ngayong darating na ika-15 ng Hulyo sa ganap na 8n.u. – 5n.h., ang palihan na


gaganapin ay idaraos sa CAL AVR, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta
Mesa, Manila.

8:00 AM - 8:15 AM Pagpaparehistro


8:15 AM - 8:20 AM Pambungad na Pananalita
8:20 AM - 8:25 AM Pagpapakilala ng Pangunahing Instruktor
8:25 AM - 8:30 AM Pagtatanghal mula sa Sining Bugkos
8:30 AM - 12 :00 PM Palihan
12:00 PM - 12:30 PM Presentasyon ng mga Akda
12:30 PM -12:40 PM Pangwakas na Pananalita

Kaugnay nito, nais ka naming maanyayahan bilang pangunahing instruktor sa


nasabing palihan.

Lubos na gumagalang,

G. Maximo B. Santiago
Kinatawan ng Sining Bugkos

Bb. Zaira Camama


Tagapangulo ng Liga ng Kabataang Propagandista

G. Renzy C. Seangoy
Presidente ng UTAK
Wika ang pangunahing salamin at pagkakakilanlan ng kultura ng bawat lahi. Walang
anumang wika ang makapagpapa-unlad sa ating bayan kundi ang sarili nitong wika. Dapat
hubugin at linangin ang kaalamang makabayan, at magpakadalubhasa sa ating wika at
gamitin ito sa paglinang sa ating isipan para ikauunlad ng bayan.

Isang malaking atake sa kultura ang CHED MEMO 20 at desisyon ng Korte Suprema sa
pagbibigay nito ng biyaya para ipagpatuloy ang tuluyang pagpaalis Filipino sa kolehiyo.
Isang malaking kasinungalingan ang na paulit-ulit na lamang ang pagtuturo ng Filipino mula
elemtarya hanggang hayskul. Sapagkat kapag itinuturo na ito sa kolehiyo mas lumalawak at
lumalalim ang talakay sa mga panitikan at usaping pangwika’t kultura sa mga mag-aaral.

Malaking suliranin ang kakaharapin ng mga kabataan kung tuluyang mawawala ang
pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Hindi maiuugat at mapapahalagahan ang kanilang sarili
wika kundi makikita na lamang nila ito bilang isang wikang ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon. Hindi na maitataas ang antas ng wikang Filipino at Panitikang
Filipino kung hindi igigiit ang kahalagahan nito.

Hindi lamang ito usapin ng wika’t panitikan kundi ito’y usapin ng identidad ng ating lipi’t susi
sa tulungan pagkakaisa para sa ating bayan upang makamit ang makatarungang lipunan.
Dagdag pa rito ang samu’t saring pag-atake sa soberanya ng ating bansa at pang-aalipin sa
napakaraming mamamayan ng ating bayan. Nariyan ang hindi pa rin malutas na suliranin ng
mga magsasaka na magkaroon ng sarili lupa, ang mga manggagawang kontraktwal na
walang sapat na sahod, mga kababaihang patuloy na iniaalipin, mga kabataang
pinagkakaitang makapag-aral, mga Pilipinong napipilitang mangibang bayan, at mga
katutubong pinapaalis sa kanilang lupang ninuno.

Kung hahayaan natin na tuluyan na mawala ang pagtuturo ng wikang Filipino at Panitikan sa
kolehiyo paano natin mapagkakaisa ang mamamayan? Paano natin mapapalaya ang ating
bayan sa labis nitong paghihirap?

Layunin ng programang ito na makapanghamig pa ng maraming mamamayan upang


makiisa at lumaban upang igiit ang pananatili ng Filipino sa kolehiyo. Ito ay isa lamang sa
maraming sandata upang maprotektahan ang ating kultura’t identidad.

Ang BAWIIN: BAYAN AT WIKA, IPAGLABAN NATIN! porum ay isang lamang sa mga
napakaraming paraan upang maipabatid at maipalaganap ang kalahagan ng wika sa ating
bayan. Sinisipat nito na makapaglunsad ng porum sa iba’t ibang paaralan sa metro manila.
Pangunahing magiging mukha nito’y magkakaroon ng dalawang o hanggang tatlong mga
lecturer mula sa iba’t ibang institusyon upang talakayin ang mga esensyal na punto sa tema
ng programa. Magkakaroon ng mga pangkulturang pagtatanghal mula sa iba’t ibang mga
pangkulturang organisasyon mula sa paaralan na pagdarausan ng programa.

You might also like