You are on page 1of 13

PAGPAPABUHAY NG WIKA:

PROGRAMA NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG

MUNTINLUPA SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO.

ABM 1101

Espiritu, Charles

Magpayo, Nikolai

Basco, Rhina Mae

Billones. Kristine Dy

Entima Christine Angela

Maneclang, Rhaiza

Martos, Juliana Martina

Roquero, Izzabella

January 30, 2020


KABANATA 1

Kaligiran ng Pag-aaral

1.1 Panimula/Rasyunal

Sa pagiging Lungsod at sibilisado ng ilang mga lugar ay paano kaya nila

napapanatili ang paggamit ng Wikang Filipino. Tulad na lamang ng Lungsod ng Muntinlupa

na may 504,509 na populasyon ay paano nila nagagawang panatilihin ang paggamit ng

Wikang Filipino sa Lungsod ng Muntinlupa?

Ika nga ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal, "Ang hindi mag mahal sa

sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda ,gaya ng inang sa atin ay nagpala". Isa

lamang ito sa mga katagang madalas natin na marinig tuwing buwan ng Agosto. Katagang

patuloy na inuukit sa ating puso’t isipan mula sa ating mga bayanin na nag buwis ng buhay

upang maipaglaban at mapanatili lamang ang wikang atin. Sa panahong ito, ito ay patuloy

pang pinagyayabong sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programa, at hindi lamang

presensya ng pagpapahalaga sa ating pambansang wikang Filipino, kundi pati na rin ang

makulay na kultura, sining, panitikan at iba pang pagkakakilanlang may pagka-Filipino.

Mayroon rin ang nagsasabi na ang "Wika ay Kakambal ng Kapayapaan sa Pagtahak sa

Tuwid na Landas.”

Sa paggamit ng ating sariling wika at sa pagmamahal nito ay mas madaling

magkakaintindihan at magkakaunawaan ang bawat Filipino sapagkat kung mayroon tayong

kapayapaan ay ibig sabihin nito na pwede natin sabihin ang lahat ng saloobin natin sa
pamamagitan ng Wika. Makakapag sabi tayo ng sarili nating opinyon para na lamang sa

ikabubuti ng ating kapwa.

Ang pagpapabuhay o ang pagpapanatili ng Wika ay ang pagsisikap upang pigilan ang

pagkawala ng wikang itinuturing na yaman ng isang bansa. Masasabing nasa peligro ang

isang wika kung ito’y tuluyan ng mawawala at mababaon sa limot ng madla.

Ang Wika ay isang mahalagang bahagi ng anumang lipunan sapagkat nagbibigay ito ng

kakayahan sa mga tao na makipag-usap at ipahayag ang kanilang mga sarili. Kapag namatay

ang isang Wika, mawawalan ang mga henerasyon sa hinaharap ng isang mahahalagang

bahagi ng kultura na kinakailangan upang lubusang maunawaan ito.

“Ayon kay Hutch (1991), Ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang

sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.”

“Ayon naman kay Bouman (1990), Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa

pagitan ng mga tao.”

Samakatuwid, tama si Brown (1980) sa pagsasabing kung pagsasamahin ang

kahulugan ng wika sa isang depinisyon, ang wika ay masasabing sistematiko, set ng

simbolong arbitraryo, pagsasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo sa lahat ng

tao.
Ayon sa United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization

(UNESCO), mula sa mga katotohanan na inilathala sa kanilang "Atlas of Languages in

Danger of Disappearing [Atlas ng Mga Wika sa Panganib na Mawala]", tinatayang 7,000

ang wika na sinasalita sa buong mundo ngayon at nagsasalita ang kalahati ng populasyon ng

mundo ng walo sa pinakakaraniwan nito. Higit sa 3,000 wika ang sinasabing sinasalita ng

mas kaunti sa 10,000 katao kada wika. Nakapagtala ang Ethnologue, isang reperensiyang

akda na inilathala ng SIL International, ng mga kilalang wikang buhay ng mundo, at

tinatantya nito na 417 ang wika na malapit nang mapuksa.

Sa paglipas ng maraming taon iba’t ibang paraan ng paggamit ,pagsasabuhay at

pagpapanatili ng wika ang pumukaw sa ating atensyon. Nariyan ang pagbuo ng mga batas,

pagpapatibay ng mga proklamasyon at panukala at paggawa ng ibat ibang programa.

Ang Lungsod ng Muntinlupa ay 1st class highly urbanized city in Metro Manila. Ang

Muntinlupa ay kilala bilang Emerald City o Munti na may motto na Lakas, Talino at Buhay.

Ang Lungsod ng Muntinlupa ay may sukat na 46.7 km^2 na may populasyon na 504,509.

Sa Lungsod na ito iba’t ibang paraan o program ang ginagawa ng Pamahalaang

Lungsod ng Muntinlupa upang patuloy na buhayin ang paggamit ng Wikang Filipino. Ang

Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ay patuloy na ipinagdiriwang ang buwan ng wika o

ang proklamasyonn blg.1041 na ipinatupad ng pangulong Fidel V Ramos na nagpapakita ng

paggalang at patuloy na pagsasabuhay ng paggamit ng wikang Filipino. Taong 2015 naman

nang Agosto hinirang ng Komisyon ng Wikang Filipino(KWF) ang Lungsod ng Muntinlupa


bilang kaunaunahang Lungsod na kampeon ng wika. Ginawaran ang Muntinlupa dahil sa

aktibo nitong pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa iba’t ibang aspektong pamumuhay

mula pa nang maitatag itong lungsod noong 1995. Patunay nga na ang Lungsod ng

Muntinlupa ay patuloy na sinasabuhay ang paggamit ng Wikang Filipino kahit ito ay

sibilisado na.

Hindi lamang sa programa ng pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang

nagpapapanatili ng Wikang Filipino bagama't pati narin sa mga eskwelahan ng Lungsod. Ang

buwan ng wika ay isa sa pinaka nakakatulong upang mas pag yabungin pa at mas dumami pa

ang ating kaalaman sa ating wika. Ito ay ipinag diriwang tuwing buwang ng agosto na kung

saan ang mga paaralan sa muntinlupa ay nagkakaroon ng iba't ibang programa upang mas

mag mukhang kasiya siya ito. Tulad na lamang dito ang kilalang "Muntinlupa National High

School Main" ang eskwelahang ito ay isa rin sa dahilan kung bakit ang lungsod ng

Muntinlupa ay napapanatili ang paggamit ng Wikang Filipino.

Sapagkat gumagawa rin ang mga paaralan ng iba't ibang programa sa kanilang

paaralan tulad na lamang noong nakaraang Buwan ng wika ay nagkaraon sila ng isang Mr.

and Ms. Katutubo kung saan ay nilahukan ng iba't ibang strand para mag presinta ng kanilang

pambato. Nagwagi nga rito ang STEM na kung saan ay nakuha nila ang Mr. and Ms.

Katutubo. Hindi lang iyan at mayroon pa tulad na lamang ng sabayang pagbigkas na isa sa

mga programang ipanatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na nilahhukan ng iba't

ibang paaralan sa Muntinlupa katulad na lamabg ng Muntinlupa National High School na

lumaban ng buomg husay at buong puso. Bagamat hindi nanalo ay talaga namang

kahangahanga ang ipinakita nilang dedikasyon ,pagmamahal at pagtangkilik sa wikang


Filipino sa pamamagitan nito. Kasabay pa ng mga ito ang pag dadaos ng pagsasagawa ng

tula, kantahan at marami pang iba. kaya napapanatili ang Wikang Filipino dahil narin sa mga

paaralan nito.

Ang Lungsod ng Muntinlupa ay napapanatili ang paggamit ng Wikang Filipino

sapagkat ito'y kanilang binubuhay sa pamamagitan ng kanilang iba't ibang programa sa

pagsasabuhay at paggamit ng Wikang Filipino. Gumagawa ng mga iba't ibang programa ang

Lungsod ng Muntinlupa upang mapanatili ang Wikang Filipino katulad na lamang noong

Agosto 2017 na may tema na "Pambansang Buwan ng Wika" sabayang pagbigkas isang siglo

na may Lakas, Talino at Buhay. Isang patunay na hindi binabalewala ng Muntinlupa ang

paggamit ng Wikang Filipino kahit na ito ay isang Lungsod na.


1.2 Layunin ng Pag-aaral

1. Malaman ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa paggamit ng

Wikang Filipino.

2. Makabuo ng makabuluhang hakbang sa pagpapalaganap ng Programa ng Pamahalaang

Lungsod ng Muntinlupa sa paggamit ng Wikang Filipino.

3. Maibahagi ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pag-gamit ng

Wikang Filipino.

1.3 Paglalahad ng Suliranin

1. Ano-ano ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa paggamit ng

Wikang Filipino?

2. Iba't ibang paraan sa pag-papalaganap ng programa ng Pamahalaang Lungsod ng

Muntinlupa sa pag-gamit ng Wikang Filipino.

3. Mga naitulong ng mga programa ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa paggamit ng

Wikang Filipino.
1.4 Teoretikal na Balangkas

Ang pinanghahawakang teorya ng pag-aaral na ito ay ang mga teorya patungkol sa

Pagpapabuhay ng Wika sa pamamagitan ng Programa ng Pamahalaang Lungsod ng

Muntinlupa sa pag-gamit ng Wikang Filipino.

Ayon sa Teoryang Makatao kailangang malinang ng bawat isa sa atin ang pag-

papahalaga sa sarili. Mangyayari lamang ang pagkatuto kung ang ating kaligiran ay

angkop,may kawilihan ang mga mag-aaral at may magandang saloobin sa wikang kanilang

pinag-aaralan,sa mga gumagamit ng wika at sa mga guro ng wika. Tungkulin ng bawat guro

na maglaan at lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa silid-aralan upang ang pakiramdam

ng bawat mag-aaral ay maging maginhawa. Dagdag pa rito ay mas mabilis nating

matututunan ang wika,malayang maipahahayag ang sariling saloobin at magagamit natin ito

ng walang pag-aalinlangan. Batay sa teoryang ito, mayroong mga guro na handang magturo o

gumabay sa mga mag-aaral upang mas pagyabungin ang Wikang Filipino katulad na lamang

ng programa na ating ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto, Halimbawa ng programang

ito ay ang Buwan ng Wika na pinamamahalaan ng mga Guro.

Ayon naman sa Teoryang Innative, tayo ay may taglay na kakayahang matuto kahit

tayo ay bagong silang pa lamang,tayo ay may "likas na salik" sa pagkatuto ng wika. Ayon

naman kay Noam Chomsky, likas na sa mga tao ang pagkatuto mula pa lamang sa

pagkasilang at kusa itong lumalawak sa pamamagitan ng interaksiyong nagaganap sa ating

kapaligiran, iba't ibang kultura at paniniwala. Ipinakita ni Chomsky ang prosesong ito sa

pamamagitan ng language acquisition device o LAD. Ang LAD ang kumukuha ng


impormasyon galing sa ating kapaligiran sa anyo ng wika.Ipinapahayag ng teoryang innative

na likas na sa tao ang kaalaman sa wika at mas mahahasa pa ang kaalamang ito sa

pamamagitan ng pakikisalamuha sa kapwa. Dito maiuugnay ang programang nilikha ng

Lungsod ng Muntinlupa para sa mga Muntinlupeños na kung saan ay madaragdagan ang

kaalaman ng bawat isa ukol sa wika.


1.5 Konseptwal na Balangkas

Ang daloy ng pag-aaral tungkol sa Pagpapabuhay ng Wika: Programa ng Pamahalaang

Lungsod ng Muntinlupa sa pag-gamit ng Wikang Filipino.

PROSESO NG

INPUT PAGSASAGAWA AWTPUT

 Sa paanong paraan  Pagbibigay ng survey  Natuklasan ang iba’t

maipapakita ng mga sa mga piling ibang opinyon at

Muntinlupeño ang mamamayan sa saloobin ng mga

pagtangkilik sa Lungsod ng mamamayan ng

Wikang Filipino? Muntinlupa Muntinlupa tungkol

 Binibigyan ba ng  Pag interbyu sa mga sa mga programa ng

respeto at piling mamamayan sa Pamahalaan sa

kahalagahan ng mga Lungsod ng Pagpapabuhay ng

Muntinlupeño ang Muntinlupa Wikang Filipino.

Wikang Filipino?  Paggamit ng ibang

 Gaano kabihasa ang literature o aralin

mga Muntinlupeño sa upang makakuha ng

pagbabasa at sa ibang impormasyon.

pagsusulat ng Wikang

Filipino?
Batay sa Input, nakapaloob dito ang mga suliranin o mga problemang dapat

binibigyang pansin ng mga mamamayan ng Muntinlupa ang wastong paggamit ng Wikang

Filipino.

Batay sa Proseso ng Pag-gawa, ipinapakita dito ang paraan kung paano makakalap ang

mga impormasyon, Ito ay isinagawa upang malaman ang iba’t ibang opinyon ng mga

mamamayan ng Muntinlupa.

Batay sa Awtput, ipiniababatid nito ang mga resulta na nakalap mula sa mga respondente

ng Muntinlupa, inilathala dito ang kabuuang resulta o tugon ng indibidwal sa mga kwestyon

na nakapaloob.

1.6 Saklaw at Limitasyon

Ang sakop ng pag-aaral na ito ay nakatuon sa pananaw at saloobin ng piling

mamamayan sa Lungsod ng Muntinlupa. Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagkuha ng mga

baryabol tulad ng preperensya, saloobin, pananaw at iba pang mga kaugnay sa paksa.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mamamayan ng Muntinlupa. Mas lalo pang

nililimitahan sa pamamagitan ng pagkuha ng piling respondente mula sa Lungsod ng

Muntinlupa.

Ninanais namin na ipahatid sa inyo na ang aming pananaliksik na may paksang

"Pagpapabuhay ng Wika: Programa ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa paggamit ng

Wikang Filipino" sa pag-aaral ng mga estudyante sa Larang ng Accountancy, Business and

Management (ABM) sa Muntinlupa National High School (SHS) Taong 2019-2020.


1.7 Kahalagahan ng Pag-aaral

Para sa mga mag-aaral; Mahalagang malaman ng bawat mag-aaral ang pag-aaral o

saliksik na ito upang malaman ang kalagahan ng paggamit ng Wikang Filipino. Sa paanong

paraan pangangalagaan ang Wikang Filipino.

Para sa Administrasyon ng paaralan: Mahalagang malaman ng administrasyon ng

paaralan ang iba’t ibang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa upang bigyang

pansin at suportahan ang paggamit at pagpanatili ng Wikang Filipino.

Para sa mga susunod na mananaliksik; Makadaragdag ito sa kanilang kaalaman kung

anu-ano nga ba ang mga programang meron ang Muntinlupa upang pangalagaan at

pagyamanin ang Wikang Filipino. Magkakaroon din sila ng gabay patungkol sa pag-aaral na

ito.
1.8 Terminilohiya

1. Arbitraryo - hindi pagtunton sa katuwiran maging sa anumang batas o sistema ng

pagpapasya.

2. Baryabol - pabagu-bago o nag-iiba

3. Ginawaran - binigyan

4. Matatamo - malalaman / makukuha

5. Muntinlupeños - mamamayan ng Muntinlupa

6. Panukala - mungkahi

7. Peligro- kapahamakan

8. Preperensya – pili o hirang

9. Pumukaw – kumuha ng atensyon

You might also like