You are on page 1of 1

Bersalidad ng Wikang Filipino

Fairyssa Bianca Orbeta


Una nang sinuportahan ng yumaong Manuel L. Quezon ang pagsisikap na pag-isahin ang
sambayanang Pilipino sa iisang wikang—ang wikang Filipino. Ang wika ay komunikasyon. Ito ay
parte ng pakikipagtalastasan ng tao sa isang particular na lugar. Ang wika ay natatangi sapagkat
binabahagi nito ang kultura ng isang lipunan. Dagdag pa rito, ang wika ay ginagamit sa
pagpapahayag ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pag-awit, pagsalita, pagsulat at
maging sa pagpinta. Katulad ng maraming wika ang wikang Filipino ay magagamit natin sa
maraming aspekto ng ating pang araw-araw na gawain. Hindi lamang ito nalilimita sa pakikipag
talastasan kundi maging sa ating trabaho, pahayagan, pagpapakatao, at pagtuturo.
Malaki ang ugnayan ng wika at lipunan at kung paano nakatutulong ang lipunan sa
pagpapaunlad ng wika. Pinapagtibay ng akademya ang paggamit ng ating pangunahing wika. Sa
pamamagitan ng pag gamit nito sa pagtuturo ay napapaunlad natin ang kalidad ng wikang
Filipino. Mahalaga na ang bawat Pilipino ay may saktong karanasan sa wikang ito upang
mapadali ang kanyang komunikasyon sa ibat’ibang sulok ng bansa. Ang wikang Filipino ay
nakatutulong rin sa pagtataguyod ng pagkapantay-pantay sa lipunan at kasarian. Pinapag
buklod-buklod nito ang magkaka ibang kultura at paniniwala ng mga Pilipino. Mahalaga rin ang
naidudulot ng ating wika sa pagpuno ng magagandang asal sa mga kabataan. Sa pamamagitan
nito, nahihikayat ang mga Pilipino na umunawa sa mga karapatan ng iba. Ang wikang Filipino ay
nagagamit rin sa paggiging pagkamalikhain ng isang tao. Nabibigyang daan nito ang pagtuklas
ng talento sa pagsusulat, pag-awit, pag-sayaw, at pag-pinta. Ang pakikipag usap sa social media
at pagsulat ng mga lathalain ay may malaking ambag sa pagpapabuti ng kalagayan ng tao sa
panahon natin ngayon lalo na at nasa pandemya tayo kaya mas maigi na may nakakausap tayo
tungkol sa mga kaganapan ng ating pang araw-araw na ginagawa kahit man nasa malayo. May
malawak na saklaw rin ang wika sa komukisayong pangmasa. Sa ating henerasyon ngayon na
umiikot sa teknolohiya ay naiimpluwensyahan tayo sa mga balitang pinapahayag sa telebisyon,
radyo, magasin, at maging sa mga pelikula. Dahil dito an gating pagpapasya ay natutulungan rin
ng wikang Filipino upang mapabuti ito.
Iilan lamang ang mga ito sa mga listahan ng kahalagahan ng wikang Filipino sa iba’t
ibang sangay ng ating mga gawain. Kung sa gayon, nararapat pa na ating pahalagahan ang ating
wika. Naipapakita ang pagpapahalaga sa wika sa maraming aspeto kabilang na ang
pagpapaunlad sa kasanayan ng paggamit nito katulad ng pagsulat ng mga sanaysay, tula, at
artikulo. Mabibigyang halaga rin ito sa paggunita ng Filipino Month kung saan ay pinagdiriwang
natin ang pagkabuo nito sa kasaysayan. Maging sa simpleng pakikipag-usap sa kapwa gamit ang
katutubong wika ay isa na ring paraan ng pagpapahalaga. Marami tayong pwedeng gawin dahil
marami din naman tayong pwedeng gamitan ng wikang Filipino. Patuloy nating linangin ang
ating mga sarili sa kasanayan sa paggamit ng sariling atin.

You might also like