You are on page 1of 4

Gawain II

1. Sang-ayon ako sa pahayag na ito, dahil kahit malupit ang pamamahala ng mga Hapon patuloy nilang isinusulong
ang paggamit ng sarili nating wika. Maaring mas napreserba pa natin ang ating kultura, dahil sa kahit
maapektohan ng modernisasyon ang Japan hindi pa din nila kinakalimutan ang mga kultura at wika nila.
2. Noong panahon ng mga Hapones, isinulong ang wikang Tagalog at Nihonggo upang burahin ang impluwensya ng
mga Amerikano at dahil nais nilang maitaguyod ang wikang pambasa.
3. N-oong panahon ng Ikalawang Digmaan
I-sinulong ang wikang Tagalog at Nihonggo
H-apon na mananakop ang nagtaguyod
O-rihinal na panitikan sa ating wika
N-abigyan ng pagkakataon makilala
Gawain II

1. Maitataguyod ko an gang ating wikang pambansa sa pamamagitan ng madalas na paggamit nito. Sa simpleng
paggamit dito araw-araw napapalawak natin ang ating kaalaman sa wikang pambansa. Mainam din na hikayatin
ang kapwa kong kabataan na mas gamitin ito kaysa sa ibang wika upang mas lalong mapayaman ito. Ang patuloy
na pagsasaliksik sa iba’t ibang panitikan ng ating wika ay nakakatulong din sa pagpapalago nito.
2. Kung bibigyan ako ng pagkakataon maging lider isusulong ko ang mga programa na may kaugnayan sa
pagpapayaman ng Wikang pambansa.

Gawain III

Wikang Pambansa sa Gitna ng Pandemya


Sa biglang pag-usbong ng pandemya maraming nahinto. Lahat tayo ay napilitan manatili sa tahanan upang
makaiwas sa mapanganib na sakit na COVID-19. Ngunit hindi ito naging hadlang sa pagkakaisa ng mga Pilipino gamit ang
wikang pambansa.

Tuwing buwan ng Agosto, taon-taon, ipinagdiriwang ang Buwan ng ating Wika. Ang tema noong nakaraang taon
ay, "Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika" Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra
Pandemya. Ipinapakita dito ang kahalagahan ng pagkilala at pagbabaliktanaw sa mga katutubong wika. Hinikayat nito
ang pagkakaisa at pagbabayanihan ng mga Pilipino. Hinikayat ang pagbibigay kamalayan at kaalaman tungkol sa
pandemya gamit ang ating wika. Ang paghahatid ng kaalaman gamit ng ating wika ay nakakatulong upang mas
maintidihan ng ating mga kababayan kung ang mga pangyayari sa kasalukuyan. Sa paggamit ng sariling wika, madali
natin maipaparating ang mga ideya sa isa't isa. Ngayong panahon ng pandemya, importante ang pagbibigay kaalaman at
kamalayan sa kapwa Pilipino. Ang pagbibigay kamalayan sa kapwa ay makakapagpabuti sa ating komunidad. Ito rin ang
maaring makapagbigay ng pag-asa, pagdamay at pagkakaisa.

Ang paggamit ng wikang pambansa o katutubong wika sa pagbibigay impormasyon ay malaking tulong sa ating
mga kababayan. Nagbibigay din ito ng pag-asa at kamalayan dahil mas naiintindihan ito ng lahat sapagkat ito ang wikang
ating kinagisnan. Naipapakita rin natin ang pagmamahal sa bansa sa patuloy na paggamit nito.

You might also like