Professional Documents
Culture Documents
Ang ating wika ay maraming nagagawang pakinabang sa ating minamahal na bansa, ito ay
nakatutulong sa epektibong pagsasaliksik. Ang pagsasaliksik ay napakaimportante sa pag
unlad ng isang bansa. Mas higit na mapapabuti ang pagsasaliksik kung gagamitin ang sariling
wika, sa pamamagitan nito ay mas maipapahayag ng malinaw ang mga nakalap na
impormasyon. Sa panahon ngayon mainam ng gamitin ang sariling atin upang mas marami
ang makainti ng bawat importanteng impormasyon na nais ipahiwatig. Isa sa mga sikat na
halimbawa ng isang saliksik o research sa ingles ay ang paggawa ng thesis o masusing pag-
aaral. Bawat estudyante bago makapagtapos ay kailangan gumawa ng isang thesis. Sa
paggawa ng thesis mas mainam na gamitin ang ating sariling wika sa kadahilanang mas
magiging epektibo at mas mauunawan ng mas nakararami ang nilalaman nito. Isa sa mga
hakbang sa paggawa ng isang thesis ay ang pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng
mga respondents o yung mga sasagot ng ilang mga mahahalagang katanungan. Kung ang
wikang Filipino ang siyang gagamiting dito, higit ng mauunawaan at mas makapagbibigay ng
magandang sagot ang mga napiling respondents. Hindi lamang sa thesis nagkakaroon ng
masusing pagsasaliksik sa mababang paaralan at maging sa sekondarya ay marami naring
mga pagsasaliksik.
Ang wikang Filipino ang siyang nagsisilbing pagkakakilanlan sa ating mga Filipino. Ito ay
kailangang linangin at pakahalagahang upang ng may magamit ang mga susunod pang mga
henerasyon.
Kahalagahan ng katutubong wika: Ayon kay Almario, ang bawat wika ay may
sariling buhay, at nakapaloob sa buhay nito ang tradisyon ng maraming henerasyon ng
mga Pilipino.
“Kung hindi natin ito aalagaan, manganganib ito; at kung pababayaan, maaari pang
maglaho nang tuluyan. Kapag naglalaho ang isang wika, tila may isang tahanan o
kamalig ng ating alaala at tradisyon ang mawawala at di na mababawi kailanman,” sabi
ni Almario.
“Kayâ ang ating mga katutubong wika – mulang Ivatan hanggang Mandaya gaya ng
nakita ninyo sa video kanina – ay niyayakap natin, niyayakap ng wikang pambansa
upang matupad ang ating hangarin na makabuo ng isang wikang pambansa na tunay
na ingklusibo,” dagdag ni Almario.
"Ang kanilang mga lupain ang lungga ng mga samu't saring magkatunggaling
armadong grupo. Kadalasan ang mga katutubo ay napapagitna at naiipit sa mga
tunggaling ito. Ang sitwasyong ito ay malaking banta sa seguridad at pananatili sa mga
lupaing ninuno o pamayanan," ika ni Quintayo.
Bagama't payapang mga tao ang mga katutubo, sila ang naaagrabyado sa tuwing may
sagupaan sa pagitan ng mga armadong grupo, sabi ni Quintayo.
Dagdag niya, mga katutubo rin ang pumapasan ng mga masasamang epekto ng mga
sagupaan, at sa tuwing titindi ang mga ito, napipilitan ang mga katutubong lisanin ang
kanilang mga lupa.
"Ang paglisan na ito ay hindi lang paglisan sa mga kalupaan, kundi paglisan din ng mga
kultura at wika na walang tiyak na patutunguhan."