You are on page 1of 3

"Babalik Karin"

Dalawang taon ng kasal sina Diego at Tessie. Sa matagl nilang pagsasama ay ni hindi
sila nagkaroon ng anak. Marami na silang sinubukang gamut para lamang mapadali
ang pagbubuntis ni Tessie ngunit sa kabila ng pagod at hirap na kanilang dinaranas ay
hindi parin ito nagbunga. Mabait at mapag-alagang asawa si Tessie. Lahat ay ginagawa
niya para lang mapaligaya ang asawa maliban na lamang sa kagustuhang magkaroon
ng
anak. Ito ang kaisa-isang bagay na hindi kayang ibigay ni Tessie kay Diego, ang
magkaroon gng anak. Ang akala ni Tessie ay masaya na si Diego at kontento na sa
kanyang piling ngunit hindi, siya'y nagkamali. Nalaman niyang si Diego ay may
kinakasamang iba at ngakaroon pa ito ng mga anak sa babae. Ang masaklap, ang
kinakasama ng kanyang asawa ay ang matalik niyang kaibigan.

"Ano bang mali ang ginawa ko sayo? Bakit mo ako ginaganito? Ha?" Ang
mangiyak
ngiyak na sabi ni Tessie kay Diego. "Wala! Wala! Pero may isang bagay na hindi mo
kayang ibigay sa akin na siyang makapagpapaligayn sa akin ng lubusan.
Gustong-gusto kong maging ama Tessie,. Gusto kong may tumawag saking papa.
Gusto kong tawagin
akong ama......... narinig mo yon? Narinig mo yon Tessie ha? Iyon ang tunay na
makapagpapaligaya sa akin Tessie, kaya patawad..... humihina ang boses ni Diego.
"Iiwan na kita Tesssie". Mahal kita Diego,...mahal na mahal, alam mo naming lahat ay
binibigay ko sayo mapaligaya kalang, pero alam mo naming parehas nating ginaw ang
lahat mabuntis lang ako! Pero hindi.........hindi!, parehas lang tayo Diego, parehas lang
tayo, gusto ko ring magkaanak. Gusto ko ring marinig na tawagin akong mama.
Gustong-gusto!, alam mo bang nadarama kong inggit sa tuwing nakakakita ako ng mga
kasama ng kanilang mga anak/ alam mo ba?? Ha? Mahirap rin para sa akin Diego,
napakahirap.........huh....huhuhuh.....huhuh.." Ang nanginginig na boses ni Tessie habang
umiiyak. "Sanay maintindihan mo ako Tessie". Nakapagdesisyon na ako........
iiwan na kita.......mas mabuting maghiwalay nalang tayo!" "Ha?" bakas sa mukha ni
Tessie ang pag-aalal at tumutulo ang luha sa kanyang mga mata......." Ganon nalang ba
kadali iyon Diego?.. ganon nalang ba?. Bali wala nalang ba sayo ang mga pinagdaanan
natin? Ha? Basta-basta mo nalan ba akong iiwan? Yon ba? Yon ba?........ ang pasigaw
- sigaw na sambit ni Tessie na pawing nababaliw at habang umiiyak,. "Hindi rin madali
ang desisyon kong ito Tessie, pero habang nagsasama tayo ay hinding-hindi ko
matatamasan ang kaligayahang hinahanap ko!" Ang mga salitang ito ang lumabas sa
bibig ni Diego habang nag-iimpaki ng mga gamit. "Iiwan na kita Tesssie, iiwan na kita
paalam........." Diego, diego, diego...........huh....huhuh........ huhuhuh......halos lumubog
na sa lupa si Tesssie habang umiiyak na parang bata at parang nasisisraan ng ulo.
Pero hindi parin lumingon sa Diego kay Tessie, sa halip ay nagpatuloy pa ito sa
paglakad.
Unti-unti nang bumagsak si Tessie sa lupa at nawalan ito ng malay.
Kinabukasan, naroon parin ang sakit na naramdaman ni Tessie naroon parin ang bigat
sa kanyang dibdib. Hinding-hindi niya makakalimutan ang sakit na dinulot ni iniwan ni
Diego sa kanya. Pero sa kabila ng pasakit na idinulot ni Diego kay Tessie ay hindi parin
niya maalis-alis ang pag-ibig niya kay Diego. Sa nangyari, ay wala paring nagbago,
mahal parin niya si lito at umaasa pari siya na baling araw ay babalikan siya ni Diego.

You might also like