You are on page 1of 1

PARABULA

Ang salitang PARABULA ay buhat sa salitang Griyego na “parabole”. Ito’y matandang salita na nangangahulugang
pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan
ng din ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas
ng buhay. Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang binibigyan ng diin ay aral sa
kuwento. Ang parabula ay isang uri ng maikling kuwento na ang karaniwang gumaganap ay mga tao. Ito ay naglalarawan
ng katutohan o tunay na nangyayari sa ating buhay. Ang parabula ay tulad din ng pabula na kinapapalooban ng aral.

Tumutulong ang Diyos


Ni Aesop
Isang mayamang Athenian, kasama ang iba pang pasahero, ang lumulan ng isang barko. Masaya ang lahat
hanggang sa isang masamang panahon ang dumating na nagpataob ng kanilang sasakyan. Isa-isang lumangoy ang mga
pasahero patungo sa baybayin maliban sa nasabing Athenian. "O mahal na Athena! Ipapangako kong ibibigay ang kalahati
ng yaman ko sa iyong templo! Ipinapangako kong araw-araw akong mag-aalay ng bulaklak sa iyo! Iligtas mo po ako!
Parang awa ninyo!" nakapikit ang nagmamakaawang sigaw ng Athenian habang itinataas ang kamay sa langit.

Isa sa mga pasahero ang pahiyaw na sumagot sa kanya, "Huwag mong iasa lahat kay Athena. Gamitin mo ang
iyong mga braso at kamay."

1. Sino ang pangunahing tauhan ng parabula? Magbigay ng dalwang katangian .


2. Ano ang nais makamit ng tauhan?
3. Ano ang ginagawa ng tauhan upang makamit ang kanyang nais?
4. Sa iyong palagay nagging matagumpay ba ang tauhan ? bakit?
5. Kung ikaw ang tauhan, ano ang iyong gagawin sa parehoong sitwasyon ? bakit?

PARABULA

Ang salitang PARABULA ay buhat sa salitang Griyego na “parabole”. Ito’y matandang salita na nangangahulugang
pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin. Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan
ng din ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas
ng buhay. Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang binibigyan ng diin ay aral sa
kuwento. Ang parabula ay isang uri ng maikling kuwento na ang karaniwang gumaganap ay mga tao. Ito ay naglalarawan
ng katutohan o tunay na nangyayari sa ating buhay. Ang parabula ay tulad din ng pabula na kinapapalooban ng aral.

Tumutulong ang Diyos


Ni Aesop
Isang mayamang Athenian, kasama ang iba pang pasahero, ang lumulan ng isang barko. Masaya ang lahat
hanggang sa isang masamang panahon ang dumating na nagpataob ng kanilang sasakyan. Isa-isang lumangoy ang mga
pasahero patungo sa baybayin maliban sa nasabing Athenian. "O mahal na Athena! Ipapangako kong ibibigay ang kalahati
ng yaman ko sa iyong templo! Ipinapangako kong araw-araw akong mag-aalay ng bulaklak sa iyo! Iligtas mo po ako!
Parang awa ninyo!" nakapikit ang nagmamakaawang sigaw ng Athenian habang itinataas ang kamay sa langit.

Isa sa mga pasahero ang pahiyaw na sumagot sa kanya, "Huwag mong iasa lahat kay Athena. Gamitin mo ang
iyong mga braso at kamay."

6. Sino ang pangunahing tauhan ng parabula? Magbigay ng dalwang katangian .


7. Ano ang nais makamit ng tauhan?
8. Ano ang ginagawa ng tauhan upang makamit ang kanyang nais?
9. Sa iyong palagay nagging matagumpay ba ang tauhan ? bakit?
10. Kung ikaw ang tauhan, ano ang iyong gagawin sa parehoong sitwasyon ? bakit?

You might also like