Ni Armando A. RayosAng mabuhay sa daigdig ay batbat ng pakikipagsapalaran. Bawat
pangyayaringnagaganap ay may kakambal: tagumpay sa kabiguan; halakhak sa luha; luwalhati sapagtitiis; ginhawa sa pagpapagod at marami pang iba. Ang lahat ng iyan ay bahagi ngpagiging nilalang. Sapagkat batas ng kalikasan sa daigdig na kung may araw ay may gabi,kung may lupa ay may langit, kung may dagat ay may bundok at kaparangan.Mapapalad ang mga taong sa kabila ng paglasap ng mga walang awang dagok ngkabiguan ay nananatiling buhay ang pag-asa. Nakukuhang maging masigla at lumalagingbuhay ang pananalig na ang minimithing tagumpay malao't madali ay magkaroon ngkatuparan. Sila ang mga taong naniniwalang paglipas ng unos ay may maayang panahondaratal, pagkaraan ng gabi ay may darating na ginuntuang silahis ng umaga. Sila ang mgataong ang suliranin at iwinawaksi hindi sa pagpapatangay sa ispiritu ng akal, manapa, aypaghahanap ng wastong paraan upang ang nalasap na kabiguan ay maging isangtanglaw at mapag-aralan ang mabisang paraan upang ito ay maiwasan.Sa isa mang dukhang dampa ay maaari ring mamayani ang kaligayahan sapamamagitan ng mabuting pagtitinginan, pagsusunuran at higit sa lahat ay pag-ibig at
pamamahalan. Kapag ang haligi ay mananatiling matibay at matatag na hindi makayangmaigupo ng
bagyo man o daluyong at ang ilaw, sa kabila man ng nag-aalimpuyonghangin ay patuloy pa rin sa pagsasabog ng liwanag, maaasahang ang isa mang dampa aymagsusupling ng mga hinlog na hindi karaka-rakang magpapatangay sa agos ng buhay.Ang tunay na kaligayahan ay maaari ring matagpuan hindi lamang sa kayamanan,mararangyang kasangkapan at kagamitan. Sa anumang pagsubok, marahil, angtagumpay ng mga hated ng tunay na kaligayahan ay atin ding makakamit.