You are on page 1of 33

WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG PILIPINO

JENNIFOR AGUILAR

Hinuhubog, Binubuo, nilililok


Bansang sa panahon ay sinubok Binabansot, nililimot, unti-unting naglalaho
Napakaraming dayuhan ang sa ati’y Wikang banyaga’y, lumalaki’t lumalago
sumakop Ikinikintal sa utak ng mga Pilipino
Niyurakan, nilapastangan, Wika ng Bayan ko, saan kaya
tayo’y inilugmok magtatagpo?

Namangha sa kagandahang binubuo ng Linangin, payabungin, pagyamanin ang


mga pulo wikang Filipino
Sa angkin nating yamang puro’t dalisay Ibatay sa mga Wikang umiiral sa bayan
na ginto ko
Maging sa mga wikang iba-iba at Mga wikang angkin, mga wikang katutubo
katutubo Tungo sa pagtataguyod ng isang bansang
Taglay ng mamamayang matitikas at Pilipino
tribo-tribo
Paunlarin at suportahan MTB-MLE
Hinati-hati, pinagwatak-watak, ginrupo- sa bawat baryo
grupo Wikang katutubo ang gamitin sa pagtuturo
Nagsipangalat mga katutubong Pilipno Buwagin at ibasura CMO-20 sa Kolehiyo
Itinaguyod kani-kaniyang tribo Ibalik ang mga asignaturang Filipino
Nalimot ang pagkalahing iisang dugong
Pilipino Patatagin ang bansa sa pamamagitan ng
wika
Nilapastangan ng mga dayuhan, binihisan Wikang gamit sa komunikasyon at pag-
ng pagbabago unawa
Relihiyon at edukasyon pilit sa Wikang nakaugat pagkalahi nati’t kultura
ating pinasubo Upang mapag-isa minamahal nating
Niyurakan ang kultura’t winasak ang bansa
pagkatao
Nilihis ang landas ng lahing Pilipino Mga wikang katutubong maliliit man
at iba-iba
Ivatan, Itneg, Ibanag, Ilocano Hitik naman sa yaman ng gawi nati’t
Tagalog, Bicolano, Waray at Cebuano kultura
Ilan sa mga katutubong wikang bumubuo Kung bibigyang pansin at pahahalagahan
sa Filipino ng madla
Pinipigil, sinusupil, pinapatay ng Mabisang kasangkapan upang maging
pagbabago isang Pilipinong Bansa
FILIPINO, WIKA NG SALIKSIK
Jennifor L. Aguilar

Nagpupumilit, naggugumiit, nagsusumiksik


Pinipilit, ginigiit, sinisiksik
Wikang Filipino’y ihanay sa mga wika ng daigdig
Makamit ang antas maigng wika ng saliksik

Hindi mararating ni hindi maihahambing


Maging higanteng wika’y suntok lamang sa dilim
Hangga’t walang bait, buti at panalanging taimtim
Na gamitin sa saliksik ang wika nating angkin

Sa mga paaralan, hindi siya pinapansin


Mga guro’t administrador, napakababa kung tinuturing
Sa matatalinong usapin, debate’t mga sulatin
Hindi maipilit na gamitin lang man din

Sa larang-medikal, naririnig ba natin?


Mga terminolohiya ng sakit at gamot na generik
Hindi nga mabigkas ng pasyenteng namimilipit
Kasama na niyang namatay hanggang sa mailibing

Maging sa hudikatura, may puwang bang nakalaan?


Pobreng Pilipinong nasasakdal, sa Ingles pinagtatalunan
Nakulong na’t lahat, nabulok sa bilangguan
Hindi man lamang nakapagtanggol sa wika niyang alam.

Hindi magtatagumpay at walang mararating


Wikang mahal natin kung ganito itinuturing
Tuluyan siyang masasadlak, mananatiling alipin
Mabibilanggo’t magkakasakit hanggang tayo’y lisanin

Simulang pahalagahan, gamitin nang gamitin


Talastasan sa tahanan at komunidad natin
Sa simbahan, paaralan, ospital o hukuman
Senado at Kongreso, hanggang sa Malakanyang

Itakda itong wika ng aklat at kasaysayan


Agham, Matematika at diskursong pangkaunlaran
Itanim ito sa dila ng mga kabataan
Hanggang sa tumubo’t magbunga sa henerasyong dadaan

Pagka’t Filipino’y wikang mabalasik


Kung magpupumilit ay may makakamit
Kung maggugumiit, tuluyang makasasapit

Kung magsusumiksik, magiging wika ng saliksik

Mekanisno & Krayterya


para sa patimpalak ng
Buwan ng Wika 2018
URDANETA CITY UNIVERSITY·SATURDAY, AUGUST 25, 2018·READING
TIME: 14 MINUTES

Patimpalak : “Spoken Word Poetry”

Paghango

Ang patimpalak na ito’y hinango sa salin na Spoken Word


Poetry. Ito ay isa pasalitang uri ng sining at nakapokus ito sa
aestetiko o arte ng mga piyesa, mga pagbigkas ng salita, mga
punto, at boses. Ito ay tulang pabigkas at maaari ring samahan
ng komedya o mga prosang monologo.

Layunin

Layon nitong paganahin ang kasanayan sa pagbigkas at


matalinong paghahabi ng mga ideya sa isang paksa.

Tuntunin

1. Ang paligsahan ay bukas para sa lahat ng mga estudyante ng


Urdaneta City University, anuman ang kurso at taon ay
maaaring sumali sa patimpalak na ito.

2. Ang kasali sa paligsahan ay isahan lamang. Ang


pagpapatala ng kalahok ay sa mga komite.

3. Ang paksa ay "Ako Bilang Isang Milenyal". Maari itong


iugnay sa anumang bagay o larangan at haluan ng ibang
timpla.

4. Wikang Filipino ang opisyal na lenggwahe na gagamitin sa


naturang patimpalak, maaaring haluan ng wikang banyaga
dahil sa milenyal ang binibigayang-diin ngunit limitado
lamang.
5. Ang kalahok ay maaaring sumulat at bumigkas ng malayang
taludturan (free verse) o may tugma (rhyme).

6. Sariling akda ang dapat itanghal. Bawal kumuha sa


elektronikong referensya o internet.

7. Ang oras ng pagtatanghal ay hindi dapat kukulang sa tatlong


(3) minuto at sosobra sa limang (5) minuto kung hindi ay
ibabawas sa puntos ng mga hurado at kailangang isaulo ang
ginawa. Bawal basahin sa oras ng patimpalak.

8. Ang akdang naisulat ay dapat ipasa sa mga komite bago


isagawa ang patimpalak.

9. Ang mga kasali na nagpatala bago ang aktwal na paligsahan


at hindi ito dumating sa takdang oras ay hindi na mabibigyan
ng pagkakataon upang ipamalas ang kanyang kakayahan.

10. Nasa ibaba ang krayterya na magiging sanligan ng


kalahok:

KRAYTERYA

Pamantayan Puntos

Pagsasaulo 10%
Ekspresyon ng Mukha at Galaw 15%

Atikulasyon 25%

Prodyeksyon ng boses 25%

Nilalaman 25%

Kabuoan 100%

11. Ang magwawagi ay nasa:

Unang Pwesto

Ikalawang Pwesto

Ikatlong Pwesto

12. Anumang pasya o resulta na napagkasunduan ng mga


hurado ay rerespetuhin at hindi na maaring mabago pa.

Patimpalak : “Pautakan at husay sa Filipino”


Paghango

Ang patimpalak na ito’y hinango sa karaniwang tawag sa


Tagisan ng Talino. Maaasahang ang patimpalak na ito’y
mangangailangan ng matinding pagsasaliksik sa mundo ng
wika at panitikan.

Layunin

Sa pamamagitan ng kaisahan ng isipan ng bawat pangkat na


lalahok, maipapamalas ang angking husay at talas ng memorya
sa mga sinaliksik na mga paksa.

Tuntunin

1. Ang patimpalak na ito’y bukas para sa pangkatang


paglahok. Ang pangkat na kakatawan sa bawat Kolehiyo o
Departamento ng Universidad ay bubuuin ng mga kalahok na
may bilang na lima.

2. Ang mga paksang pagkukunan ng mga katanungan na


nangangailangan ng masidhing pananaliksik ay ang mga
sumusunod;

• Batas Pangwika
• Panitikan at Kasaysayan

• Mga tanyag na ngalan

• Retorika at Gramatika

• Pagsasaling-Wika

• Palaisipan o Bugtungan

3. Ang uri ng pagsusulit sa patimpalak na Digmaan sa


Pautakan ay maramihang pagpipilian o multiple choice.

4. Pagkatapos basahin ng tagapangasiwa ng patimpalak ang


katanungan at mga pagpipilian ng dalawang beses doon
lamang mag-uupisa ang hudyat para magbreynstorming ang
bawat pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng sampung
segundo para mapagdesisyunan ang isasagot. Isusulat lamang
ang letra o titik ng tamang sagot sa isang piraso ng kardbord.

5. Lahat ng katanungan ay manggagaling sa iba’t ibang


kategoryang nakahanay sa itaas at mahahati sa tatlong lebel o
antas;

• Unang lebel: Haruhay - isang salitang galing sa dayalektong


Cebuano na ang salin sa wikang Filipino ay “madali.”
• Ikalawang lebel: Promedyo - isang salitang galing sa
dayalektong Pangasinan na ang salin sa wikang Filipino ay
“katamtaman.”

• Ikatlong lebel: Narigat - isang salitang galing sa dayalektong


Ilokano na ang salin sa wikang Filipino ay “mahirap.”

6. Para naman sa paglikom ng puntos;

Antas o Lebel Aytems Puntos

Haruhay sampu Isa

Promedyo labinlima dalawa

Narigat dalawampu tatlo

Kabuuan animnapu sandaan

7. Sa pagkakataong magkaroon man ng pagkakapatas ng


puntos ang pangkat na nakakuha ng pinakamataas na puntos
na nalikom, mayroong nakahandang sampung katanungan na
ang uri ay pagkilala o aydentifikasyon upang baliin ang
pagkakapatas o tie breaker.

8. Sa mga magwawagi sa patimpalak; ikatlo, ikalawa at ang


pinakamaraming nalikom na puntos ang gagawaran.
Patimpalak : “Dikit-Diwa”

Paghango

Ang patimpalak na ito ay galing sa pansilid na gawain na kung


tawagin ay collage-making o sa wikang Filipino ay paglikha
ng kolahe. Sa pagkakataong ito, hindi lamang simpleng
pagdidikit ang hinihingi sa gawaing ito kundi malalimang
pagbuo ng konsepto ang magiging batayan sa paglikha nito.

Layunin

Sa bisa ng saliksik at sining maipaparating ang kakaibang uri


ng obra-maestra na magpapagalaw ng malaya at malikhaing
imahinasyon. Isa rin itong paraan ng pagsulong at pag-ambag
sa muling paggamit ng mga patapong materyales na ikabubuti
ng mamamayang Pilipino.

Tuntunin

1. Ang patimpalak na ito’y bukas para sa indibidwal na


paglahok. Ito’y walang limitasyon sa bilang ng kakatawan sa
bawat Kolehiyo o Departamento ng Universidad.
2. Para sa gagamiting materyales, maghanda o magdala ng
mga sumusunod;

• Panulat katulad ng bolpen, lapis, marker at iba pa.

• Panukat o ruler

• Pandikit o glue

• Pangkulay (Opsyunal)

• Pira-pirasong materyales

• Kalahating sukat ng Illustration Board

3. Ang patimpalak na ito ay isasagawa lamang sa naitalagang


lugar, araw at oras.

4. Anumang bagay, uri, kulay, at hugis ng mga pira-pirasong


materyales na gagamitin sa gagawing kolahe o collage ay
pinahihintulutan.

5. Upang lubusang maibigay ang konsepto sa gagawing obra,


sa ibabang bahagi ng Illustration board kailangang maglahad
ng isang maikling talata para sa magiging caption o paliwanag
nito. Bubuuin ang maikling talata ng tatlo hanggang limang
pangungusap.
6. Bawat kalahok ay bibigyan lamang ng isa’t kalahating oras
para matapos ang kabuoan ng kolahe o collage.

7. Ang tema para sa gagawing kolahe o collage alinsunod sa


tema ng Buwan ng Wika 2018 ay, “Sariling wika’y duyan ng
karunungan, ating pagningasin tungo sa Kaunlaran.”

8. Sa mga magwawagi sa patimpalak; ikatlo, ikalawa at ang


una ay gagawaran.

9. Ang magiging desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi


mapapalitan o mababawi.

Krayterya Pormat

Pamantayan Puntos

Kaugnayan sa tema 20%

Kalinisan sa paggawa 10%

Kaangkupan sa maikling paliwanag 10%

Orihinalidad at kakaibang materyales 25%

Malikhaing konsepto 35%

Kabuuan 100%
Patimpalak : “LitraTula”

Paghango

Ang patimpalak na ito’y hinango sa dalawang salitang Litrato


at Tula. Sa gawaing ito, pagsasamahin ang isang tradisyunal
na paraan ng pagpapahayag na kung tawagin ay tula at isang
modernong paraan sa pagkuha ng mga iba’t ibang anggulo o
sitwasyon ng buhay na kung tawagin ay potograpiya o
photography. Sa pagkakataong mapagsama sa iisang midyum
ang dalawang masining na pagpapahayag ay makakabuo ng
isang LitraTula.

Layunin

Maipapahayag ang makabagong paraan ng katha na pinagtibay


ng pagsasaliksik sa mga ideolohiya ng potograpiya at pagsulat
ng tula.

Tuntunin
1. Ang patimpalak na ito’y bukas para sa indibidwal na
paglahok. Ito’y walang limitasyon sa bilang ng kakatawan sa
bawat Kolehiyo o Departamento ng Universidad.

2. Para sa gagamiting materyales, maghanda o magdala ng


mga sumusunod;

• Bolpen (itim lamang)

• Litrato o Larawan

• Pandikit o glue

• Isang kapat (1/4) na sukat ng Ilustration Board

3. Ang patimpalak na ito ay isasagawa lamang sa naitalagang


lugar, araw at oras. Liban lamang sa larawan o litrato na
dadalhing naka-imprinta sa sukat na 4r sa araw ng
kompetisyon.

4. Sa araw ng paggawa ng nasabing kompetisyon, ididikit na


lamang ang larawan sa itaas na bahagi ng Ilustration Board at
ang natirang blankong bahagi sa ibaba ay ang espasyo naman
para sa isusulat na tula.
5. Ipinagbabawal ang kinopyang piyesa at larawan sa internet
o anumang sanggunian.

6. Pinapahintulutan ang anumang istilo ng pagsulat (cursive o


print).

7. Ang susulating tula ay bubuuin lamang sumusunod;

• Pamagat

• Ngalan ng may-akda sa ibaba ng Pamagat

• Anim na saknong na binubuo ng tig-aapat na taludtod

8. Bawat kalahok ay bibigyan lamang ng isang oras para


matapos ang kabuuan ng LitraTula.

9. Sa mga magwawagi sa patimpalak; ikatlo, ikalawa at ang


una ay gagawaran.

10. Ang magiging desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi


mapapalitan o mababawi.

Krayterya Pormat

Pamantayan Puntos

Kagalingan sa pagkuha ng larawan 20%


Kalinisan ng buong paggawa 10%

Orihinalidad at konsepto 15%

Nilalaman ng tula 25%

Kaugnayan ng larawan sa tula 30%

Kabuuan 100%

Patimpalak : “Eh ‘di toryal”

Paghango

Ang patimpalak na ito’y hinango sa editorial o pangulong


tudling sa wikang Filipino. Ito ay isang mapanuring
pagpapakahulugan ng isang napapanahong pangyayari na
matatagpuan sa bahagi ng isang pahayagan o diyaryo.

Layunin

Bunga ng pananaliksik sa mga isyu o usapin, layon nitong


magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-
puri, manlibang at magpahalaga sa mga opinyon.
Tuntunin

1. Ang patimpalak na ito’y bukas para sa indibidwal na


paglahok. Ito’y walang limitasyon sa bilang ng kakatawan sa
bawat Kolehiyo o Departamento ng Universidad.

2. Para sa gagamiting materyales, maghanda o magdala ng


mga sumusunod;

• Bolpen (itim lamang) , lapis at pambura

• Panukat o ruler

• Pangmarka o Marker

• Kalahating sukat ng Ilustration Board

3. Ang patimpalak na ito ay isasagawa lamang sa naitalagang


lugar, araw at oras. Gayundin ang pagbibigay ng paksa o
isyung panggagalingan ng nasabing patimpalak.

4. Hindi pinapahintulutan ang pagdadala ng sariling kodigo ng


susulating editoryal sa araw ng kompetisyon.

5. Sa gagawing editoryal, kailangang isaalang-alang ang


dalawa nitong paraan.
• Una ay ang pasulat na kapapalooban ng simula, katawan at
wakas o ang kabuuan ng bubuuing pahayag.

• Ikalawa ay ang pagguhit sa paraang karikatura o tinatawag


ding drawing o sketch.

Ang dalawang paraan ay dapat na magkaugnay upang


maipabatid ang diwa ng editoryal.

6. Pinapahintulutan ang anumang istilo ng pagsulat (cursive o


print). Para naman sa pormat, ang karikatura ay nakapuwesto
sa itaas na kanang bahagi ng Illustration board samantalang
ang bubuuing pahayag ay isusulat sa natitirang blankong
bahagi na kapapalooban ng mga pangungusap na hindi bababa
sa isang-daang bilang.

7. Bawat kalahok ay bibigyan lamang ng isa’t kalahating oras


para matapos ang kabuuan ng editoryal.

8. Ipinagbabawal ang kinopyang piyesa at karikatura sa


internet o anumang sanggunian.

9. Sa mga magwawagi sa patimpalak; ikatlo, ikalawa at ang


una ay gagawaran.
10. Ang magiging desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi
mapapalitan o mababawi.

Krayterya Pormat

Pamantayan Puntos

Kagalingan sa paghanay ng kaisipan 15%

Kaalaman sa wika at paksa 25%

Kahusayan sa pagguhit 20%

Kawastuhan sa pagsulat at kalinisan 10%

Kaugnayan ng karikatura sa pahayag 30%

Kabuuan 100%

Patimpalak : “Sabayang Pagbigkas”

Paghango

Ang patimpalak na ito ay isang masining na


pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng
panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa nang
malakas ng isang koro o pangkat.

Layunin

Layon ng patimpalak na ito ay ang mapalawak ang pagiging


malikhain nang may kaisahan sa pagbibigkas at epektibong
paghahatid ng mensahe ng piyesa sa mga manonood.

Tuntunin

1. Bukas ang paligsahan para sa mga may asignaturang


Filipino lamang..

2. Ang magkaibang klase ay pwedeng pagsamahin upang


maging kalahok ng kanilang departamento.

3. Ang bawat grupo ay binubuo ng 25-30 na miyembro


kasama na ang mga props menn

4. Isang piyesa lamang ang gagamitin sa sabayang pagbigkas


ang “DIPLOMANG MAY PAKPAK” ni Dr. Gerdalitz G.
Mingarine.

5. Pinahihintulutan ang paglalapat ng himig, tunog, o awitin at


ang pagkakaroon ng koryograpi.
6. Maglapat ng sariling sining.

7. Pito (7) hanggang sampung (10) minuto lamang ang


nakalaang oras para sa presentasyon at tatlong (3) minuto para
sa paghahanda.

KRAYTERYA

I. Interpretasyon 60%

• Organisasyon ng tinig 15%

• Koryograpiya 15%

• Kaangkupan ng ekspresyon ng mukha o galaw at kumpas


20%

• Pagpapalutang ng damdamin 10%

II. Pagbigkas 20%

• Hikayat sa madla o dating sa manonood 10%

• Kaangkupan ng piyesa sa okasyon, kalahok, kasuotan, at


props 10%

III. Pagsasatao 15%


• Pagganap 5%

• Personalidad 5%

• Tindig 5%

IV. Sangkap Teknikal 5%

• Kaangkupan ng tunog, musika, at ilaw 5%

KABUOAN 100%

Ang piyesang ito ay eksklusibong sinulat para sa patimpalak


na sabayang pagbigkas. Ito ay kinatha nang may tusok sa puso
at may makabuluhang mensahe na nais iparating.

“DIPLOMANG MAY PAKPAK”

Orihinal na katha ni:

Dr Gerdalitz G. Mingarine

Hmm hmm hmmm (iyak)

May naririnig ba kayong mga ingay?

Hmm hmm hmm (iyak)

Oh kayo ay nagbibingihan?
Paghihignapis bakit tila kayo ay nakapikit?

Nagbubulag-bulagan!!!

Aaaahhhhhhh!!!!!

Aming mga daing.... bakit tila di maramdaman???

Edukasyon ay talagang susi nga ba?

Sa nararanasang karalitaan.

Paano ko makakamtan?

Sabihin mo sa akin , anong dapat gawin???

Oh kami'y sadyang hibang lamang.

Bunga ng guniguning di mawariy pagtantuin

Pagtakas sa tunay na buhay na di maiwalay!

Kayo ba minsan ay sinabihan? Totoy ikaw ay mag-aral? Wika


ni Itay
Anak….. , Gagawin ko ang lahat !! makapagtapos ka lamang
...

Kayo ba ay nangako?

Opo. pangako kayo ay diko kayo bibiguin.

At pangako niyo rin ba ay napako?

Paano ko bibiguin???

Pangarap nila sa akin?? Edukasyon kayhirap ko yatang


tuparin;

Oh, Ano ang ang aking gagawin?

Sakripisyo, ng magulang ay di dapat biguin !!!

Pag aaral !! Sadyang mahalaga sa akin.

Ngunit ginawa ko ang lahat???

Pagod...Luha....Pawis... pakiusap at sakripisyo..


Edukasyon!!!!

Makuha ka lamang!!!

Upang diploma ay maialay kay Inay at Itay.

At ngayon ikaw ay abot kamay na

aking hihigpitan sayo'y pagkahawak

Di kita susukuan sapagkat dugo at pawis ng

Magulang sayo'y pinuhunan..

Pangako!!! Edukasyon aming makakamit!!!

Edukasyong !!! magbibigay hugis ng buhay.

Kay inay at itay ,pangarap niyong Edukasyon!!

Ngayon! ay Akin nang inaalay

Patimpalak : “Binibeking Tatas-Dunong”


Paghango

Ang patimpalak na ito’y hinango sa sikat na “Miss Q and A”


ng It’s Showtime. Bilang pagsunod sa Tema ng Buwan ng
Wika 2018, ito ay isasalin sa Wikang Filipino at maging ang
mga tanong at sagot ay masusing sasaliksin.

Layunin

Layon ng patimpalak na ito ay mabigyang boses ang mga nasa


ikatlong kasarian tungkol sa mga katanungang susukat sa
kanilang intelektwal na aspeto. Layunin ding maglatag ng
advokasiya ang mga kalahok kaugnay sa ipinagdiriwang na
Buwan ng wikang Filipino.

Tuntunin

9. Ang patimpalak na ito ay bukas para sa lahat ng mga mag-


aaral na nasa ikatlong kasarian o third sex (GBTQ). Inaasahan
na ang lahat ng Kolehiyo o Departamento ng Universidad ay
magkakaroon ng kani-kaniyang kinatawan.

10. Ang mga kalahok ay kinakailangang mahusay sa pagsagot


sa mga katanungang nangangailangan ng malaman at
matalinong sagutan. Sapagkat ang patimapalak na ito’y iikot
lamang sa tanong at sagot.

11. Alinsunod sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino,


ang midyum ng pagpapahayag at komunikasyon ay nasasalita
sa Filipino.

12. Upang magkaroon ng tulong-pinansiyal ang mga lalahok,


napagdesisyunan ng pangasiwaan na magsasagawa ng
canvassing. Bawat kalahok ay gagawa ng isang kahon na
magsisilbing paglalagyan ng suportang-pinansiyal.
Uumpisahan ang pag-iikot ng kahon, isang linggo bago ang
araw ng canvassing. Ang malilikom ng mga kalahok sa kani-
kanilang kahon ay hahatiin sa kalahati. Limampung porsyento
ang mapupunta sa kalahok bilang pangsuporta para sa mga
guguguling bagay sa kompetiyon at ang natitirang limampung
porsyento ay mapupunta sa pangasiwaan ng programa para sa
mga panghinaharap na aktibidad.

13. Maliban sa haylayt ng patimpalak na Tanungan at Sagutan,


sa araw ng kompetisyon ang mga kalahok ay magbibihis ng
kasuutang yari sa recycled materials na angkop sa pamumuhay
o kultura ng mga lalawigan at probinsya ng bansa. Ang
distribyusyon o desiminasyon ng kani-kaniyang probinsiya o
lalawigan ay isasagawa sa pamamagitan ng pagbubunutan.
Ang layon nito ay upang saliksikin ng bawat kalahok ang
mayamang kultura at pamumuhay ng pilipino sa iba’t ibang
panig ng bansa.

14. Ang mga katanungang sasagutin ng mga kalahok sa araw


ng kompetisyon ay masusing sinaliksik at pinag-aralan.

15. Ang patimpalak ay bubuuin ng tatlong set.

• Una - Dugtungan mo! : Lahat ng kalahok ay sasagot sa


paraang dudugtungan ang mabubunot na parirala. Dito
magsisimula ang eliminasyon at ang mapipili ng mga hurado
ay walo para umabante sa susunod na rawnd. (Walang
limitasyon sa oras ng pagsagot)

• Ikalawa - Piliin mo, Patunayan mo! : Papipiliin ang mga


kalahok kung ano ang mabubunot na katanungan at kanila
itong papatunayan. Dito isasagawa ang ikalawang eliminasyon
at ang mapipili ng hurado ay lima para umabante sa
panghuling rawnd. (Tatlumpung segundo ang limitasyon sa
pagsagot)
• Ikatlo - Ipaglaban mo! : Ito na ang panghuling pagsagot ng
mga kalahok kung saan bibigyan ng mapaghamong mga
katanungan na susukat sa talas ng isipan at kakayahang
ipaglaban ang kanilang kasagutan. (Animnapung segundo ang
limitasyon sa oras ng pagsagot)

Sa huling rawnd na ito, pipiliin na ng hurado ang mga


sumusunod:

Ikalawang gantimpala - “Binibeking Talino”

Unang gantimpala - “Binibeking Talas-Isip”

Pinakamataas na gantimpala - “Binibeking Tatas-Dunong”

16. Bukod sa pangunahing gantimpala, ang mga kalahok ay


maaaring mag-uwi ng maynor na gantimpala, ito ay ang mga
sumusunod:

• Binibeking Ibig ng Madla - Para sa kalahok na sinuportahan


ng madla sa canvassing.

• Binibeking Kutis-Marikit - Para sa kalahok na kaakit-akit


ang ganda sa larawan.
• Binibeking Tanggol-Wika - Para sa kalahok na may
pinakamakabuluhang adbokasiya.

• Binibeking Sulyap-Kultura - Para sa kalahok na nagsuot ng


makakalikasan at kakikitaan ng kultura ng kaniyang lalawigan
o probinsya.

• Binibeking Sikap-Agap - Para sa kalahok na nagpakita ng


kawilihan at kasipagan na mapagtagumpayan ang mga gawain
sa patimpalak.

17. Ang magiging desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi


mapapalitan o mababawi.

Ang mga Krayterya

Tanungan at Sagutan (Para sa tatlong set o rawnd)

Pamantayan Puntos

Kagalingan sa pagsasalita 20%

Dating sa manonood 10%

Kaugnayan ng kasagutan sa katanungan 30%

Katalinuhan sa pagsagot 40%


Kabuuan 100%

Binibeking Sulyap-Kultura

Pamantayan Puntos

Kaugnayan sa Kultura ng Lalawigan o Probinsiya 35%

Husay sa pagdadala ng kasuutan 15%

Orihinalidad at konsepto 20%

Kakaibang ni-risaykel na materyales 30%

Kabuuan 100%

Binibeking Tanggol-Wika

Pamantayan Puntos

Kahusayan sa pananalita 15%

Dating sa manonood 20%

Kaugnayan ng adbokasiya sa tema 35%

Kahalagahan ng adbokasiya 30%


Kabuuan 100%

KRAYTERYA SA KATUTUBONG
SAYAW (FOLK DANCE)
August 12, 2013 at 12:22 AM

PAG-INDAK NG KATUTUBONG SAYAW

PANUNTUNA:
1. Ang timpalak ay bukas sa mga mag-aaral sa Baitang 7
hanggang Ikaapat na Taon
2. Ang bawat kalahok ay bubuuin ng lima(5) hanggang walong
(8) miyembro/ pares
3. Ang kasuotan ay angkop sa katutubong sayaw na napili.
4. Ang lahat ng kalahok ay kailangang dumating bago sumapit
ang ika-11:00 n.u., Agosto 23, 2013 Sa Multi-
Purpose Hall ng Bo. Puso.
5. Lahat ng nagnanais na lumahok ay maaaring magpatala kay
Bb. Camille Cindy Quilala. Ang hindi nagpatala ay
hindi papayagang sumali sa oras ng Timpalak.
6. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi magbabago.

KRAYTERYA
A. Props......................................... 15% B.
Kasuotan.................................... 20% C. Pagkapanabay
.......(synchronism) 25% D. Masining na pag-indayog.............
30% E. Kaaliwan.................................... 10%
_____________
KABUUAN 100%

You might also like