You are on page 1of 5

Sabayang Pagbigkas

Wikang Filipino

Tagalungsod, tagalalawigan,ang iba’y nagbalikbayan


Isang lahing kinamulatan, sa isang bansa isinilang,
May sariling wika na sa puso at isipa’y nakapunla
Liping hindi ikahihiya dahil sa Pilipinas tayo nagmula.

Wikang Filipino,hatid sa madla’y karunungan


Sumasalamin sa kalinangan at damdaming makabayan,
Tulay na nag-uugnay sa pagpapahayag ng kaisipan
Nagsisilbing kawing tugon sa pag-uunawaan.

Wika’y pundasyon sa karunungang pantao


Tagapaghatid ng kaalaman at katangian ng Pilipino,
Mahalaga sa usapan at pangangatwirang totoo
Marapat na pahalagahan para sa kaunlaran at pagbabago

Matagal ng usapin pagpapaunlad sa wika ng bayan


Dahil lubos na niyakap,wikang nagmula sa dayuhan,
Dayuhang dumusta, ginulo ang isipan
Kaya ng tayo’y lumaya, nawala sariling pagkakakilanlan.

Sa ganitong kalagayan, dalubwika may mithiin


Masusing pinag-aaralan pag-unlad ng wika natin
Para matutunton ang kaganapan ng lahat ng naisin
Ang mapayabong pa ang lahat ng mga wikain.

Upang matugunan ang suliranin ng sambayanan


Wikang magbibigkis, siya nating kailangan
Kung wikang Filipino ang gagamitin sa araw-araw
Tiyak itong epektibo , mga gawa’y makabuluhan.

Wika nati’y yayabong kung tatanggapin ang pagbabago


Na gamitin ang diyalekto at salitang hiram sa kausap mo,
May batas na nagpapahintulot na pag-aralan ang mga ito
Huwag lang kalilimutan ang wika nati’y Filipino.

Sagana ang Pilipinas sa mga katutubong wikain


Iba-iba ang bigkas at diin ngunit ito’y Filipino pa rin,
Saanman dako ng bansa malaya nating gamitin
Ilokano, Sambal, Ivatan, Ifugao na sariling atin

Kilos na kababayan, wika natin ipagmalaki


Ito na ang panahon ng ating pagbubunyi.
Ngayon ay buwan ng mga wikang tatak ng ating lahi.
Wikang Filipino... wika ng liping kayumanggi.
Panuntunan:

1) Bukas ang paligsahan mula ika-apat hanggang ika-anim na baiting.


2) Inaasahang ang bawat batang ay may 10-25 kalahok
3) Isang pyesa lamang ang gagamitin sa madulang sabayang pagbigkas
4) Pinahihintulutan ang paglalapat ng himig,tunog, o awitin at ang pagkakaroon ng
koryograpi.
5) Mahalaga sa madulang sabayang pagbigkas ang tinig,bigkas, pormasyon ,blaking
,ekspresyon imahinansyon interpretasyon damdamin,tamng pagbigkas at larawang-
diwa.
6) Maglapat ng sariling sining
7) Pito hanggang sampung minuto lamang ang oras ng pagtatanghal ng Sabayang
Pagbigkas.
8) Bawat lalabis na minuto ay kabawasang isa 1 puntos na tatamuhin mula sa hurado.
9) Tatanggapin ang anumang kasuotang angkop sa pyesa ng Madulang Sabayang
Pagbigkas.
10)Pinal ang desisyon ng Hurado.

Krayterya:

Interpretasyon……………………………………………………………………….25%
Orkestrasyon ng tinig ……………………………………………………………...25%
(Pagkakahalu-halo ,pagkakasabay-sabay,pagbuo,lakas,taginting,
tempo,uri ng tinig at kaangkupan sa diwa ng pyesa..)
Koryograpi(kilos,galaw,kumpas,blaking)……………………………………....15%
Sangkap na Teknikal…………………………………………………………….….10%
Panghikayat sa madla………………………………………………….………….5%
Katauhan/personalidad…………………………………………………………..15%
Kasuotan/Props……………………………………………………………….……..5%
_________

100%
PAMANTAYAN SA PAGHATOL (SABAYANG PAGBIGKAS)

GRADE 4 GRADE 5 GRADE 6


Interpretasyon (30%)
Orkestrasyon ng tinig (25%)
Koryograpi (kilos,galaw,kumpas,blaking) (15%)
Sangkap na Teknikal (5%)
Panghikayat sa madla (5%)
Katauhan
/personalidad (15%)
Kasuotan/Props (5%)
KABUUAN

PAMANTAYAN SA PAGHATOL (SABAYANG PAGBIGKAS)

GRADE 4 GRADE 5 GRADE 6


Interpretasyon (30%)
Orkestrasyon ng tinig (25%)
Koryograpi (kilos,galaw,kumpas,blaking) (15%)
Sangkap na Teknikal (5%)
Panghikayat sa madla (5%)
Katauhan
/personalidad (15%)
Kasuotan/Props (5%)
KABUUAN

PAMANTAYAN SA PAGHATOL (SABAYANG PAGBIGKAS)

GRADE 4 GRADE 5 GRADE 6


Interpretasyon (30%)
Orkestrasyon ng tinig (25%)
Koryograpi (kilos,galaw,kumpas,blaking) (15%)
Sangkap na Teknikal (5%)
Panghikayat sa madla (5%)
Katauhan
/personalidad (15%)
Kasuotan/Props (5%)
KABUUAN
Piyesa para sa Sabayang Pagbigkas
FILIPINO, WIKA NG SALIKSIK

Nagpupumilit, naggugumiit, nagsusumiksik


Pinipilit, ginigiit, sinisiksik
Wikang Filipino’y ihanay sa mga wika ng daigdig
Makamit ang antas maging wika ng saliksik
Hindi mararating ni hindi maihahambing
Maging higanteng wika’y suntok lamang sa dilim
Hangga’t walang bait, buti at panalanging taimtim
Na gamitin sa saliksik ang wika nating angkin
Sa mga paaralan, ni hindi nga pinapansin
Mga guro’t administrador, napakababa siyang tinuturing
Matatalinong usapin, debate’t mga sulatin
Ni hindi maipilit na gamitin lang man din
Sa larang-medikal, naririnig ba natin?
Mga terminolohiya ng sakit at gamot na generik
Hindi nga mabigkas ng pasyenteng namimilipit
Kasama na niyang namatay hanggang sa makremeyt
Maging sa hudikatura, may puwang bang nakalaan?
Pobreng Pilipinong nasasakdal, sa Ingles pinagtatalunan
Nakulong na’t lahat, nabulok sa bilangguan
Hindi man lamang nakapagtanggol sa wika niyang alam.
Hindi magtatagumpay at walang mararating
Wikang mahal natin kung ganito itinuturing
Tuluyan siyang masasadlak, mananatiling alipin
Mabibilanggo’t magkakasakit hanggang tayo’y lisanin
Simulang pahalagahan, gamitin nang gamitin
Talastasan sa tahanan at komunidad natin
Sa simbahan, paaralan, ospital o hukuman
Senado at Kongreso, hanggang sa Malakanyang
Itakda itong wika ng aklat at kasaysayan
Agham, matematika at diskursong pangkaunlaran
Itanim ito sa dila at mga kabataan
Hanggang sa tumubo’t magbunga sa henerasyong dadaan
Pagka’t Filipino’y wikang mabalasik
Kung magpupumilit ay may makakamit
Kung maggugumiit, tuluyang makasasapit
Kung magsusumiksik, magiging wika ng saliksik

You might also like