You are on page 1of 1

WIKANG PINAGMULAN TULA

“Eow, muzta ka nah?”


“Otw na ‘ko”, wika pa ng isa
Ilan lamang sa mga salitang maririnig sa masa
Mga salitang talaga namang kakaiba

Mga salitang dala ng panahon


Mga wikang umusbong sa bagong henerasyon
Ito’y nagsusulputan sa bawat taon
Sinasalita ng mga tao dito’t doon

“Jirirts”, “Imbyerna”, “Keri pa ba?”


Mga salitang hindi maintindihan ni lola
Dahil ang mga ito ay kakaiba
At hindi nakagisnan ng mga taong nauna

Ano na nga ba ang nangyari sa ating lipunan?


Tila lahat ay gusto ng mabilisan
Kung ikaw ay mabagal, ika’y mapag – iiwan
Kaya’t walang magawa kundi makipagsabayan

Jeje Language, Gay Lengwa, at iba pa


Mga nagsulputang lengwahe na naiiba
Mga makabagong wikang sinasalita nila
Ano ng aba ang mabuting naidudulot sa knaila?

Sa paglipas ng panahon, pagbabago ay kailangan


Maging sa wika na ating kinagisnan
Ngunit sana ay huwag nating kalimutan
WIkang Pilipino parin ang kanilang pinagmulan.

You might also like