You are on page 1of 2

“Filipino: Wikang Mapagbago”

WIKANG FILIPINO PATULOY NA MAGBABAGO


ni Rose Angelene Obando Saga

Sabi nila, ang sanggol ay hindi mananatiling sanggol


Ang binhi ay hindi mananatiling binhi
Ang panahon ay hindi mananatiling panahon
Katulad lang din ng oras patuloy na nagbabago

Sa patuloy na pagyabong at pag-ikot ng mundo


Natutuklasan ang talino ng bawat Pilipino
Nakakalikha ng bagay, salita at kung anu-ano
Pati ang wika nating Filipino patuloy na binabago.

Charot , keme, chenes, echos o kung ano pa man


Uy! Hindi ko kayo minamasama, bagkus akin lang kayong pinapaalalahanan
Na ang bawat salita na namumutawi sa inyong bibig ay mahalaga
Dahil ang simpleng pantig ay kayang baguhin ang bawat isa

Impluwensya rin ng mga karatig bansa


Doon tayo sa uso dahil yun ay kakaiba
“Anyeonghaseyo oppa” sa Korea, sa Japan nama’y “Konichiwa”
“Sawadika” naman sa Thailand, sa China nama’y “Nihaoma”

Teknolohiya at social media ang daan sa pagpapauso


Ng mga bagong salita, “Ano nga ba ang dulot nito?”
Noon, bata ang hindi makaintindi sa lalim ng salita
Ngayon, matanda ang hindi makaintindi sa sinasabi ng bata

Sa bawat pagdaan ng oras at panahon, tignan natin ang buong mundo


Tila bang isang halaman na namunga na’t naging isang puno
Ang bunga nito ay ang pag asa ng bayan at yun ay tayong mga Pilipino
Tayo ang dahilan kung bakit lahat ay patuloy na nagbabago.

Nagbago nga ba tayo sa tama? O para lamang sa wala?


Tila ba napakalaking tanong sa isip ng bawat isa
Ano nga ba ang dahilan? Patungo nga ba tayo sa kaunlaran?
O wala na ba talagang pag-asa ang ating bayan?

Katulad ni Gat. Jose Rizal na siya nating tinitingala


Patuloy nating mahalin ang sariling bayan, ang ating mga tula at ang literatura
Dahil ang wika ang magpapayaman sa isip ng bawat isa
Sabay-sabay nating ipagmalaking Filipino ang ating wikang pambansa

Muli, ang sanggol ay natuto ng maglakad


Ang binhi ay sumibol na’t namukadkad
Sa pagdaan ng panahon, marami man ang magbago
Ang wika ay mananatiling wika at tayong Pilipino ay mananatiling Pilipino

You might also like