You are on page 1of 1

"SA UGOY NG DUYAN":ANG AWIT PARA SA MGA DAKILANG INA

Ang mga ina:sila ang tinataguriang "superhero" ng ating mga buhay.Sila ang
nagpakatatag at nagpakasakripisyo para lang mabuhay tayo sa mundong
kinagagalawan natin sa kasalukuyan.Binuhos nila ang di matumbasang pagmamahal
saatin at sila ang naging ILAW natin sa mga pagsubok na dinaraanan natin saating
mga buhay.
Noong bata ka pa,naranasan mo na bang makantahan ng iyong ina para lang ika'y
makatulog?Iyon lamang ang isa sa mga halimbawa na mahal tayo ng ating mga
ina.Ang kantang itatampok natin sa araw na ito,Mayo 11,bisperas ng Araw ng mga
Ina ay isang kantang nagpapahiwatig sa pagkauhaw muli ng isang anak sa
pagmamahal ng kanyang ina.Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng ina sa
buong mundo!Ito na po ang artikulo ngayong araw na ito:Ang "Sa Ugoy ng
Duyan":Ang awit para sa mga dakilang ina!
Ang 'Sa Ugoy ng Duyan' ay isang Pilipinong lullaby (mahinhing kanta) na linikha ni
Lucio San Pedro habang si Levi Celerio ang nagsulat ng mga liriko.Pareho silang mga
Artistang Nasyonal ng Pilipinas at ang kanilang kanta ay naging sikat dahil sakanilang
kolaborasyon.Dahil sa kasikatan ng kantang ito sa Pilipinas,itinuring ito ng isang
manunulat ng Philippine Entertainment Portal bilang kasinpamilyar ng pambansang
awit ng Pilipinas.Ito ay inenterpreta ng iba't ibang mga artistang Pilipino.
Linikha ni Lucio San Pedro ang musika ng "Sa Ugoy ng Duyan";ito ay kinuha mula sa
ikaapat na piraso ng kanyang Suite pastorale.Kumuha ng inspirasyon si San Pedro sa
paglikha ng kanta mula sa melodiya ng kanyang ina na si Soledad Diestro na
kumanta sakanilang magkakapatid noong kabataan pa lamang nila upang makatulog
silang lahat.Ang kantang ito ay sanang entriya sa isang kompetisyon noong
1943,nong kasagsagan ng Okupasyong Hapones sa Pilipinas.Ngunit,dahil wala siyang
mahanap na kolaborador upang sumulat sa liriko ng kanta,hindi niya ito
naipasa.Noong 1947,nag-aral si San Pedro sa Paaralang Musika ng Juilliard sa
lungsod ng New York.Sumakay siya sa barkong SS Gordon noong 1948 upang
bumalik sa Pilipinas.Noong huminto muna ang barko sa Honolulu,nakilala niya si Levi
Celerio,at siya ang naging taga-sulat ng liriko ng kanta noong kasagsagan ng
kanilang paglalakbay.Natapos ang kanta noong panahong nakarating na sila sa
Maynila.Sina San Pedro at Celerio ay mamayang magiging Artistang Nasyonal ng
Pilipinas;at mamayang mamamatay noong 2002,dalawang araw lang ang lamang sa
isa't isa.Ito ang mga liriko ng kanta:

You might also like