You are on page 1of 1

Alisin ang mukha ng mga pulitiko, sa mga proyekto ng Gobyerno.

MADALAS nating makita ang mga pangalan at mukha ng pulitiko sa mga proyektong ipinapagawa ng
gobyerno. Mayroon sa basurahan, sa dingding ng pader na madalas ihian ng mga lasing. Mga
basketball court, hindi ka pa papayagang maglaro kung walang bayad. Waiting shed na imbes
pangalan ng lugar ang nakalagay mas malalaki pa ang pangalan ng mga pulitiko. Ngunit saan ba galing
ang perang ginagamit sa mga ito? Walang iba kung hindi sa mga mamamayan.

Sa buwis na ibinabayad ng taumbayan kinuha ang ipinagpagawa sa mga proyekto kaya hindi dapat
angkinin ng pulitiko ang proyekto. Ayudang galing sa gobyerno, mas madami pa ang printed na mukha
ni mayor kaysa sa laman nito. Kung pinangbili nalang sana ng bigas ang pinang-imprinta, edi mas
madami pa sanang nakinabang. Maski kape hindi pinatawad. Kung nakakabusog sana ang papel kung
saan nakasulat ang pangalan at mukha niyo, mas makakabuti pa sana iyon, ngunit hindi. Pera ng
taumbayan ang ipinagpagawa niyon kaya walang karapatan ang mga pulitiko na ilagay ang kanilang
pangalan doon.

Hindi naman araw-araw eleksyon ngunit bakit ka ganyan, kapitan. Buwis ni papa, ikaw ang
nakikinabang. Nilalagay umano ng pulitiko ang kanilang pangalan at mukha sa billboard na nakalagay
mismo sa loob ng proyekto. Maski umano ang mga kagamitan sa mga proyekto ay kinakabitan na rin
ng mga mukha at pangalan ng mga pulitiko. Aangkinin nila ang proyekto gayung ito ay mula sa buwis
ng taumbayan nanggaling. Hindi dapat hayaan ang mga pulitiko na gamitin ang proyekto ng gobyerno.

You might also like