You are on page 1of 1

PAGPILI NG KARAPAT-DAPAT SA ARAW NG HALALAN –

SANAYSAY

Tuwing nalalapit ang halalan, iba't ibang mga mukha ng mga politiko ang ating
nakakasalamuha. Madalas silang makita sa mga poster, tarpulin at maging sa telebisyon. Sa mga
ganitong pagkakataon, mahalaga na hindi tayo magpadala sa kung ano lamang ang nakikita natin. Bawat
isa sa atin ay kinakailangang maging mapagmasid sapagkat sa ating mga boto nakasalalay ang
kinabukasan ng ating bansa. Kung gayon, anong katangian nga ba dapat mayroon ang isang politikong
ihahalal natin?

Sa pagpili ng taong karapat-dapat para mamuno sa ating bansa, mahalaga na mayroon


siyang takot sa Diyos, may malasakit at pagmamahal sa ating bayan at higit sa lahat ay hindi makasarili.
Kapag ang isang politiko ay may takot sa Diyos, hindi siya gagawa ng isang bagay na labag sa kaniyang
utos. Magiging matuwid ang lahat ng kaniyang mga gagawin sapagkat naaayon ang kaniyang buhay sa
pagsunod sa Diyos at hindi niya hahayaan na makagawa siya ng isang bagay na makakasama para sa
kaniyang kapwa. Ang politikong may malasakit naman at pagmamahal sa ating bayan ay marunong
tumingin at makinig sa hinaing ng mga kaniyang nasasakupan. Inuuna niya ang mga mas
nangangailangan at gumagawa siya ng mga hakbang upang sila ay mapabuti at hindi niya sila
hinahayaang mahirapan. Ang pinakahuli na dapat taglayin ng isang politiko ay dapat na hindi siya
makasarili. Bilang isang pinuno, mahalaga na alam nya kung ano ang makabubuti para sa lahat.
Nararapat na gawin nya kung ano ang siyang tama at hindi niya iniisip ang pansariling interes lamang.
Handa dapat siyang magsakripisyo para sa taong bayan.

Bawat boto na mayroon tayo ay mahalaga. Ibigay lamang dapat natin ito sa totoong may
malasakit sa bayan. Huwag dapat tayong magpadala sa mga mababangong salita ng mga politiko. Mas
pagtuunan dapat natin ng pansin kung sino ang may mabuting hangarin at kung sino ang tunay na may
magagawa.

You might also like