You are on page 1of 1

PANGARAP

Bawat kabataan ay mayroong pangarap. Ang mga pangarap na ito ang


siyang nagsisilbi mismong gabay upang tayo ay magsumikap at direksyon natin tungo sa
tagumpay. Kapag tayo ay mayroong pangarap, nakakayanan natin ang lahat lalo na sa panahon
na mayroong kinakaharap na pagsubok at suliranin. Hindi masamang mangarap nang mataas,
sa halip, ang mamuhay nang walang nais marating sa buhay ang siyang maituturing na masama.
Gayunpaman, paano kung tayo'y nasa punto ng ating buhay kung saan kinakailangan nating
mamili sa pagitan ng pag-ibig at pangarap, ano kaya ang ating pipiliin? Kung tayo kaya ang nasa
kalagayan ng pangunahing tauhan sa pelikulang "Pangarap", gagawin rin kaya natin ang
desisyon na kaniyang ginawa?

Tayong mga kabataan ay sadyang mapusok. Marami sa atin ang madalas na


nagkakamali ng interpretastsyon sa ating nararamdaman. Hindi maipagkakailang napakasarap
sa pakiramdam ang magmahal at mahalin tulad na lamang ng ipinakita ng dalawang
pangunahing tauhan sa pelikula. Gayunpaman, hindi nangangahulugan na kapag mahal nyo ang
isa't isa'y nararapat nang magsama hanggang sa huli. Tulad nga ng linyang makikita sa simula pa
lamang ng pelikula, "No matter how long it takes, true love is always worth the wait." Ang pag-
ibig ay hindi dapat minamadali. Mahalagang maunawaan natin na ang tunay na pag-ibig ay
handang maghintay gaano man katagal. Nararapat lamang na antayin ng isa't isa na maabot
muna ang kanilang mga pangarap. Sa punto ng ating buhay ngayon, mahalaga ang bawat
desisyon na ating gagawin. Isang maling galaw lamang natin ay maaaring magbago ang takbo ng
ating buhay. Hindi natin tiyak ang mangyayari at maaaring ating nararamdaman ay lumipas
pagdating ng panahon nang hindi natin namamalayan. Marami pa tayong pagdaraanan sa
buhay na mas kinakailangan nating pagtuunan ng pansin. Sa desisyong ipinakita at ginawa ng
pangunahing tauhan, pinapatunayan lamang na hindi masamang unahin ang ating sariling mga
pangarap. Dapat muna nating isipin ang ating kinabukasan bago ang ibang mga bagay.

"When the right time comes, Everything will fall into places." Mayroong
itinakdang panahon para sa lahat ng bagay. Huwag dapat tayong magmadali lalo na pagdating
sa pag-ibig. Lahat ng bagay ay dumaraan sa proseso. Darating rin ang panahon para gawin ang
isang bagay na alam nating makapagpapaligaya sa atin. Sa ngayon, gawin nating prayoridad ang
ating mga pangarap,adhikain at mga mithiin nang sa ganun ay wala tayong pagsisihan sa huli.

You might also like