You are on page 1of 31

TAMANG

PAGPAPASIYA AT
PANININDIGAN SA
ISYU NG
SEKSUWALIDAD
Ang Seksuwalidad
at ang mga
Kabataan
• Ang paglagong seksuwal ay isa sa
mga natural na bahagi ng pag –
unlad ng isang tao na pinagdaanan
ng lahat.
• Sa kabila ng pagiging normal ng
yugtong ito, nagbabago naman ang
kilos at pananaw ng mga kabataan
sa kasalukuyang tungkol sa
seksuwalidad.
■ Isa sa mga pagbabagong ito ay ang pagiging mas liberal
at ang paghahanap ng kalayaan ng bawat isa sa
pagpapahayag ng kanilang sariling seksuwalidad.
■ Ang mga isyung ito ay nagdadala ng mga problema at
isyu na maaring hindi naranasan ng mga kabataan
noon subalit naranasan ng mga kabataan ngayon.
■ Ang mga isyung ito ay nagpapakita ng kawalan ng
paggalang sa seksuwalidad ng tao at sa kaniyang
dignidad bilang tao.
■ Bilang bahagi ng pagkatao na nilikha ng Diyos, ang
seksuwalidad ng bawat isa ay dapat na iniingatan at
iginagalang.
Mga Isyung Seksuwal na Kinahaharap
ng mga Kabataan
■ Mahalagang magkaroon ng kamalayan
kung paano nakaaapekto ang mga ito sa
isang kabataan upang makagawa ng
tamang desisyon at maipahayag niya
ang kaniyang posisyon ukol dito.
■ Mahalaga na magkaroon ng isang
matibay na paninindigan sa mga isyung
ito upang mapangalagaan ang sarili
laban sa mga pang aabusong seksuwal.
IMPLUWENSIYA NG MEDIA AT
TEKNOLOHIYA SA SEKSUWALIDAD
■ Batay sa Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS)
na ginawa noong 2003, 79% ng mga kabataan na may
gulang 15 – 24 ang regular na nonood ng telebisyon.
■ 78% naman ang may cellphone, 59 % ang gumagamit ng
internet, 53% ang mga may social networking account.
■ Gayundin, sa sinabi ng pag – aaral na ang mga kabataang
ito ay nag – uukol ng hindi kakulangan sa anim na oras
bawat linggo sa paggamit ng internet, 31% sa kanila ay
may kaibigan sa kanilang online account, at 25% ang may
mga textmate na hindi pa nila nakikilala sa personal.
■ Ang pag – unlad at kaalaman
na dala ng media at
teknolohiya ay maganda para
sa lahat subalit dahil din sa
mga ito, naging normal, lalo na
para sa kabataan ang kaswal
na pakikipagtalik.
■ Ayon sa datos ng YAFS,
maraming mga kabataan ang
nagbabasa (35.6%), nanonood
(56.5%), at tumitingin ng mga
website ng pornograpiko.
Nakita nina Owens, Behun,
Manning, at Reid (2012} na
ang mga nagbabasa,
nanonood, o tumitingin ng
mga pornograpikong
materyal ay mas
nagkakaroon ng liberal na
kilos at pananaw ukol sa
seks, kasama na ang pag –
eeksperimento sa seks kaysa
sa mga kabataang hindi
gumagamit ng mga
pornograpikong materyal.
■ Ang social networking sites gaya ng Facebook
at Twitter ay popular sa mga kabataan.
■ Nagagamit naman ng social networking sites
para mag lagay ng video, larawan, o komento
na pornograpiko.
■ Gayundin, mayroong mga chat room na
napapasok ng mga kabataan kung saan
nahahantad sila sa mga taong nag hahanap
ng tinatawag na virtual sex / cyber sex
partner o kaya ay aktuwal na nakikipagtalik.
■ Sa datos ng YAFS, ipinakikita na isa sa bawat
apat na kabataang Pilipino ay nakapagpadala
o nakatanggap ng sex video sa pamamagitan
ng cellphone o internet.
■ Ang cellphone ay isang popular na
kagamitan ng mga kabataan para sa
pagtanggap at pagpasa ng mensahe sa
ibang tao.
■ Ang problema, nagagamit ang cell phone
para sa tinatawag na sexting o sa pag
papasa ng mga sex video.
■ Sa Amerika, naiulat na laganap ang
sexting kung saan 28% ng mga
kabataang kasali sa pag – aaral ang
nagpadala ng hubad nilang larawan sa
pamamagitan ng text o mail at 31%
naman ang humihingi sa iba ng hubad na
larawan sa pamamagitan ng text.
ANG MAAGANG
PAGBUBUNTIS

• Ang maagang pagbubuntis


ay isa sa mga pangunahing
suliranin para sa
kalusugan at kapakanan
ng mga kabataan sa
kasalukayan.
■ Ayon kay Dr. Josefina Natividad
sa kaniyang presentasyon sa
National Youth Commission
National Summit on Teen
Pregnancy (2014), ang mga
dahilan na nagtutulak sa mga
kabataan upang pumasok sa
sitwasyong ito ay ang pamimilit
ng barkada, pagkasira ng
relasyon sa pamilya , at kawalan
ng maayos na halimbawa sa
pamilya.
■ Sa datos ng National Demographic
and Health Survey (NDHS, 2014),
ipinakikita na isa sa bawat
sampung kabataan na may gulang
15 – 19 ay nabuntis. Ang bagay na
ito ay nakababahala dahil sa
maraming masamang epekto na
dulot ng maagang pagbubuntis
gaya ng sumusunod batay na rin
sa ulat ng United Nations
Population Fund (2015):
MALNUTRISYON
KAKULANGAN SA TAMANG
PANGANGALAGA
ABORSIYON
PAGHINTO SA PAG-
AARAL
KAHIRAPAN
PROBLEMA SA SANGGOL
PANG –
AABUSONG
SEKSUWAL
■ Ang pang- aabusong seksuwal ay
ang pamimilit sa isang tao na
gumawa ng isang seksuwal na
gawain nang walang pagsang-ayon
nito.
■ Ayon sa NDHS, may 7% o mahigit
sa 2000 kabataang babae na may
gulang 15-19 ang nakaranas ng
pang – aabusong seksuwal noong
2013.
■ Ayon sa artikulo ni Yap, noong unang
tatlong buwan ng 2016, may naitala
agad na 539 na kaso ng pang
aabusong seksuwal sa mga bata (PDI,
2016).
■ Child trafficking ito ay ang pagtakas o
pagpuslit ng bata mula sa isang lugar
nang labag sa kagustuhan ng taong
nasasangkot kung saan ang biktima ay
karaniwang ginagamit sa prostitusyon.
■ Sa tala ng Department of Justice
(2012), tinatayang mayroong 60,
000 – 100, 000 na kabataan ang
biktima ng prostitusyon,
karamihan dito ay mga babae na
may gulang 13 – 18 mula sa
mahihirap na bansa.
■ Marami sa mga kabataang
ipinuslit ay dinadala sa ibang
bansa gaya ng Japan, Malaysia,
Korea at Saudi Arabia.
■ Ayon kay Prof. Jill Astbury
(2013), ang mga bata at
kabataan na nakaranas ng
pang – aabusong seksuwal ay
nag kakaroon ng
pangmatagalang problema
tulad ng depresyon, sakit sa
pag-iisip, paggamit ng droga,
problema sa pagakain at pag
tulog, at pag kakaroon ng
posibilidad na mapatiwakal.
■ Maraming batas ang naglalayong
protektahan ang mga bata sa lahat
ng uri ng pang – aabuso lalo na
ang seksuwal na pang – aabuso.
■ Sa kabila nito, inaamin ng
sikolohista na ang bilang ng mga
naitalang kaso ng pang – aabuso
ay mababa kaysa sa totoong bilang
sapagkat marami ang hindi inuulat
ang mga pangyayaring ito.
Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Iniuulat
Ang Mga Pangyayaring Ito
■ Takot lalo na kung ang gumawa ng pang
– aabuso ay mas matanda o mas
makapangyarihan sa biktima at maari
silang maabusong muli.
■ Paniniwala na kapag ipinaalam nila ang
naranasang pang – aabuso, masisi sila o
kaya baka layuan ng iba.
■ Pag – aakala na sila ang may kasalanan
kung bakit nangyari ang pang – aabuso.
Nakahahawang Sakit na
Seksuwal
■ Ang karamihan ng mga sexually
transmitted disease (STD) ay walang
sintomas kung kaya’t hindi malalaman ng
taong mayroon nito na nakuha niya ang
sakit.
■ Kapag hindi nagamot kaagad, ito ay
maaring maging sanhi ng kanser,
pagkabaog, problema sa pagbubuntis,
pagkalat ng impeksiyon sa ibang bahagi
ng katawan o kaya ay kamatayan.
■ Sa datos ng Department of Health
(DOH), nakapagtala ng kabuoang
9,264 na kaso ng HIV sa bansa sa
taong 2016.
■ Ang HIV ay ang virus na siyang
nagiging sanhi ng AIDS at sumisira sa
kakayahan ng katawan na labanan
ang mga sakit.
■ Noon lamang Disyembre 2016, 750
bagong kaso ang naitala ng DOH,
221 dito ay mga kabataang nasa
edad 15 – 24.
■ Ang karamihan sa kaso ng HIV (97%)
ay lalaki at nakuha ang sakit sa
pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Tamang Pagpapasiya sa mga Isyu ukol
sa Seksuwalidad
■ Ang pag bibigay - diin sa matalino at malalim na pag
– iisip ng mga epekto ng anumang kilos ay
makatutulong upang mapili ng mga kabataan ang
higit na mabuti.
SALAMAT!!!

You might also like