You are on page 1of 1

Tula Para sa Kalikasan

Matakot na, nasisira ang mundo


Dahil ito sa’yo, ikaw, at ako
Sarili lamang ang ating iniisip,
Kapag nasira, hindi na panaginip

Mundo noon ay kulay berde at asul,


Karagatan ay itim na’t lumilipol
Mga puno, walang awang pinuputol
Dahil sa mga taong pera ang habol

Hindi sigurado ang kinabukasan


Mga tao ay hindi nagtutulungan
Gobyerno, ekonomiya’y kalikasan
Tayo ay walang paki sa tinitirhan

May kaingin doon, may polusyon dito


Basura’y ‘di itinatapon nang wasto
Kung wala tayong gagawin at ibahin,
Ang lahat ng ‘to ay babalik sa atin

Puro lang tayo pag-ibig, pag-aaral,


Trabaho at tsismisan, mga sagabal
Walang gagawin para sa kalikasan?
At wala na bang ilaw sa kadiliman?

You might also like