You are on page 1of 2

*nag lakaw lakaw*

Oy pare! Musta kana?

Ako? Aah ok naman.

Huh? Kami ng kasintahan ko?

Sus. Lumang balita na yun.

Matagal na kami naghiwalay

hahahahhaah

Alam mo pare, ang swerte talaga ng babaeng nagging kasintahan ko.

Di dahil sa gwapo ko,

O kaya ay sa talino ko.

Kundi dahil, since mahal ko sya palagi ko syang hinahabol

Aakyatin ko ang bawat bundok

at tatawid ng bawat karagatan

makasama ko lang siya.

Napakaswerte talaga niya.

Di naman siya mukhang buto pero

Nagmistulang aso na nga ako sa kakahabol sa kanya

Parang sa mga fairy tails lang diba?

Sarap sabihin, ako’y maging prince charming mo,

Sana naman ikaw ay maging prinsesa ko.

Cheesy ba? Pero yun talaga ang narandaman ko para sa kanya

Na kahit anong sakit dinudulot niya,

Anong mga salitang binabato niya,

Sasaluhin ko.

Di lang siya mawala sa buhay ko.


Kaya nung Nakita ko siya sa restaurant kung saan ko siya sininta

Suot pa ang damit na bagong bili ko lang mula Lazada

Pasimple na sana akong lalapit

At yayakapin ang kanyang likuran

Nang may biglang dumating

Naalala ko pa yun.

You might also like