You are on page 1of 3

Pagsasaliksik tungkol sa Pag-init ng daigdig

Ang Pag-init ng Daigdig o Global Warming sa Ingles) ay tumutukoy sa naranasang


pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong
mga nakaraang dekada. Tumaas ng 0.6 ± 0.2 °Celsius (1.1 ± 0.4 °Fahrenheit) ang
temperatura sa loob ng ika-20 siglo ang katamtamang pandaidigang temperatura. Ayon sa
siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”.
Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng
pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at
iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo.
Sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking
pagbabago kasama rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng
mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng
mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat
waves), bagyo at buhawi. Sinasabing ang pag-init ay makaaapekto sa bilang at tindi ng
mga ito, Mahirap na iakibat ito sa partikular na kalagayan ng panahon sa pag-init ng
mundo.
Mga Kadahilanan
Ang carbon dioxide sa loob ng 400,000 taon at ang mabilis na pagtaas nito mula noong
Rebolusyong Industriyal; sinasabing ang pag-ikot ng mundo sa araw na tinatawag na
Milankovitch cycles ay pinaniniwalaang pintig ng Edad Yelo bawat 100,000 taon.
Ang klima ay patago-tago sa pamamagitan ng mga prosesong “pangloob” gayundin sa
tugon sa pabago-bagong panglabas na pwersang gawa at di-gawa ng tao kasama ang
pagkilos ng araw, pagputok ng mga bulkan, at ng greenhouse gases. Tanggap ng
maraming klimatologo na kamakailan lamang uminit ang mundo ngunit ang sanhi ng
pagbabagong ito ay kontrobersiyal lalo na sa labas ng komunidad ng mga siyentipiko.

Ang pagdaragdag ng carbon dioxide (CO2) o methane (CH4) sa himpapawid ng mundo


nang walang ibang pagbabago ay makapagpapainit sa balat ng ating planeta. Lumilikha
ang mga greenhouse gases ng likas na greenhouse effect na kung wala nito tinatayang
ang temperatura sa mundo ay mas ng 30 °C at hindi matitirahan. Kaya sinasabing hindi
tama na may debate sa pagitan ng “naniniwala” at “laban” sa hinua na ang pagdaragdang
ng carbon dioxide o CH4 sa himpapawid ng mundo ay magbubunga ng mainit na
temperatura sa balat ng lupa kung walang magpapabuti ng epekto nito. Ang debate ay
tungkol sa netong epekto sa pagdaragdag pa ng carbon dioxide at CH4 sa himpapawid.
Ang mga greenhouse gases ay lagos-lagusan sa short wave radiation (maiksing ondang
radyasyon) na mula sa araw. Subalit, sinisipsip nito ang ilang mahahabang onda ng
radyasyong infra-red mula sa lupa na lubhang na nagpapahirap sa mundo na mapalamig
ito.
Epekto sa Sistema ng Paligid
Ang ebidensiya ng pag-init ng mundo tulad ng pag-konti ng niyebe (snow), pagtaas ng
pantay laot, pagbabago ng panahon ay nagpapakita ng kahihinatnan na aapekto sa galaw
ng tao gayundin sa sistema ng ating kapaligiran. Ang pag-init ng mundo ay
nangangahulugan ng pagbabago sa ating paligid. May ilang halaman at hayop ang
mapipilitang lumikas sa kanilang likas ng tahanan o kaya’y maglaho dahil sa
pagbabagong nangyayari. Ang ibang may buhay naman ay maaring dumami.

Mga Hulang Magiging Dulot


Marami at iba’t-iba ang hulang magiging dulot ng pag-init ng mundo sa kapaligiran at sa
buhay ng tao. Kasama rito ang pagtaas ng katamtamang pantay laot, dulot sa sakahan,
paghupa ng ozone layer, pagtindi at pagdalas ng mga matitinding klima (extreme weather
events), at pagkalat ng sakit. Sa ilang kaso, ang epekto ay maaring naririto na ngunit
imposibleng ituro ang ugat nito sa isang tiyak na likas na kababalaghan na sanhi sa pag-
init ng mundo. Isa rito na pinagdedebatihan ay ang relasyon sa pagitan ng pag-init ng
mundo sa mga bagyo. [Paksa ng mainit na kontrobersiya ang lawak at katunayan na mga
mangyayari. Ang listahan ng mga posibleng epekto at pag-unawa ay matatagpuan sa
report ng IPCC Working Group II [24]. Ilang siyentipiko ang naniniwala na ang pag-init
ng mundo ay magdudulot ng kamatayan at sakit sa mundo mula sa pagbaha, pagkasira ng
paligid, lubhang init at iba pang matinding mga pagbabago sa panahon.

Isinumite Ni: Cody C. Lipata

___________________________________
Parents Signature

You might also like