You are on page 1of 1

NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE

Office of the Academic Affairs


Bangus St.,Corner Apahap St.,NBBS,City of Navotas

EFREN V. BINASBAS HUNYO 19, 2020


BSED FILIPINO 2A. PROF RICO C. TARECTECAN PhD.

ARAW NG KALAYAAN
Efren V. Binasbas

Maligayang araw ng kalayaan mga minamahal kong kababayan! Ang bawat paglipas ng panahon ay patuloy na
nag papa-alala sa kung saan man tayo nakarating ngayon ay dahil sa ating mga magigiting na mga bayani na silang
nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan at kaligtasan sa pananakop ng mga dayuhan, na nanggipit at nagmalupit,
pumatay ng maraming mga Pilipino para sa kanilang kagahaman at pagnanais nitong sakupin ang ating minamahal na
Bansa.

Sa araw na ito ay ginugunita natin ang pagka-proklama ng kalayaan ng bayang Pilipinas. Sa araw na ito ay tumatanaw
tayo sa nakaraan, kung kailan nagpakasakit ang mga bayani at mga tao ng Pilipinas, kung saan naranasan nila ang ibat-
ibang sakuna na idinulot ng pagsubok sa mundo. Kung noon ay pagsasagupaan ng mga bansa para sa kanilang kalayaan,
ngayon ay pagsasagupaan para sa kalayaan ng ating kaligtasan sa Pandemya, na tayo ay nakakulong sa loob ng sariling
bayan.

Tayo ay hindi makagalaw sa sariling bayan ayun sa ating kagustuhan, dahil sa paghadlang ng pandemya, mahigpit na
pagsakop sa atin ng gobyerno upang ipatupad ang quarantine na siyang lalong nangigipit sa pamumuhay ng mga tao.
Ngunit ganun paman ay mas mabuti na iyon para rin naman sa ating kaligtasan. Ngunit sana naman ay bigyan ng
pangaraw-araw na hanapbuhay ang mga tao, dahil marami ang namamatay sagutom ngunit hindi dahil sa sakit na
lumalaganap.

Sa paglipas ng panahon, pinapatunayan natin na ang ating kasarinlan ay susi ng ating pagkakabuklod -buklod sa
anumang hamon o sakuna. Tayo ay nahaharap ngayon sa isang pandaigdigang krisis dahil sa pandemyang COVID-19
ngunit hindi ito hadlang para ipakita ang diwa ng malayang sambayanan, ang patuloy na pagbibigay ng pag-asa. Nariyan
ang kwento ng mga medical workers na walang sawa at higit pa ang ibinibigay na paglilingkod mabigyan lamang ng
tamang aruga ang mga maysakit.

Kasama rin ang mga kwento ng katapangan mula sa mga response team at volunteer na tuloy ang pag-abot ng tulong sa
mga nangangailangan. At mula sa Kagawaran, ang ating mga bayaning guro na laging handang magbigay ng kanilang
serbisyo upang hindi mahinto ang pagkatuto ng bawat mga mag-aaral sa gitna ng pandemya. Ang mga makabagong
bayaning Pilipino ay patuloy na sumasagot sa hamon ng panahon. Ang nakararami ay handang tumulong sa kabila ng
mahirap na sitwasyon.

Nawa’y maging tanda ang araw na ito upang magpunyagi pa tayo sa pagkamit ng pagkakaisa at pagtutulungan ng
sambayanan tungo sa magandang bukas. Sa isip, sa salita, at sa gawa, itaguyod at ipagpatuloy natin ang pagbabayanihan
tungo sa malaya at ligtas na bansang Pilipinas. Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Mabuhay ang araw ng kalayaan
nating mga Fililipo. Maging malaya at mapayapa ito sa lahat ng oras at pagkakataon. At hindi lilimutin magpakailanman.

Maraming salamat po!.

You might also like