You are on page 1of 2

Talumpati -MATATAG KURIKULUM para sa KABATAANG MATATAG

Karunungan, Kaalaman,Kahusayan, at Katatagan. Mga salitang nagbibigay inspirasyon sa puso't


isipan ng bawat guro, magulang, at kabataan ng ating bayan. Sa harap ng maraming hamon at pagsubok
nariyan ang mahalagang tungkulin ng ating Kagawaran ng Edukasyon na itaguyod ang isang matatag na
kurikulum para sa ikauunlad ng bawat kabataang Pilipino.

Sa pagbubukas ng araw na ito, kapwa ko Pilipino magandang araw sa inyo. Bilang isang mag
aaral na pinagyaman ng mga benepisyong buhat sa edukasyong may kalidad ng Kagawaran ng
Edukasyon ako’y nasa inyong harapan upang bigyan-linaw ang pagpapatupad ng MATATAG kurikulum

Mula sa hindi mabilang na Gawain, Proyekto, Pagsusulit, hanggang sa pilit na pakikibagsabayan


ng mga mag aaral, sa tambak na aralin, nilalamang binubuklat sa mag aaral, proyektong kumakain ng
mahahalagang oras para lamang sa mga pagsusulit na naka akma sa pamantayan. Ito ay nagreresulta sa
pagsasakripisyo ng oras para sa sarili at sa pamilya, Sa mga paksang ipinepresenta sa pang araw araw,
makakaya mo pa rin bang makipagsabayan? MATATAG kurikulum papatatagin nga ba ang mga
Kabataang Pilipino?

Ang Matatag na Kurikulum ng K to 12 ay siyang pundasyon na nakatuon sa paglinang ng isang


buo at ganap na Pilipino na naglalayong magsilbing tanglaw sa landas tungo sa kaalaman at kasanayan.
Ito rin ay buhay na halimbawa ng pagkakamit ng adhikain para sa lahat at naglalayong makahubog ng
holistikong Pilipinong mag-aaral na mayroong ika-21 siglong kasanayan. Kaakibat ng ganap na
pagkahubog ng mga mag-aaral ay ang integrasyon ng iba't-ibang disiplina para sa pagkakaroon nila isang
matatag na pag-unawa, pagpapahalaga sa sarili, kultura, kritikal na pag-iisip at pagninilay-nilay.

Tunay ngang, ang matatag na kurikulum ng DepEd ay hindi lamang nangangahulugan ng


pagkakaroon ng makabagong kasanayan at kaalaman sa teknolohiya, sinasama rin nito ang mga
pagpapahalaga sa integridad, pagiging makatao, makabayan at higit sa lahat, binibigyang diin nito ang
kahalagahan ng katatagan at pagiging handa ng ating mga kabataan, kasama ang mga guro at mga
kawani ng edukasyon, na patuloy na nagsusulong ng edukasyon na may kalidad at kaalaman para sa 22.8
milyong mag-aaral sa Pilipinas ngayong panuruang taong 2023-2024.

Sa kabila ng mga paghamon ng panahon,ang kurikulum ng DepEd ay patuloy na bumabangon,


umuunlad at umaangat. Patunay lamang ng determinasyon nitong mapabuti at maihatid ang kalidad ng
edukasyong makakapagpatatag sa ating mga Kabataan. Subalit, ito ba ay magiging posible kung wala ang
tiwala at suporta nating lahat?

Bilang isang Pilipinong mag aaral na umaasang magkaroon ng mas maunlad na sistema ng edukasyon sa
Pilipinas, nais kong itawag ang atensyon ng mga kababayan natin sa kahalagahan ng aktibong
pakikilahok para sa mas matibay, mas matatag, at mas maunlad na edukasyon para sa kinabukasan ng
ating bansa at pagtuunan ng pansin ang mga isyung may kinalaman sa MATATAG na Kurikulum. Mula sa
aking malalim na pagnanais na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa, ako'y nananawagan
na tayo ay magtulungan at magkaisa. Buksan natin ang ating mga isipan, tatagan ang dibdib at harapin
ng may katatagan ang mga paghamon. Sa matatag na kurikulum ng DepEd, tayo'y patuloy na
magtatagumpay. Sa pagkakaisa at pagkakapit-bisig, may MATATAG NA PILIPINO, para sa MATATAG na
BAYAN ko.
Salamat po

You might also like