You are on page 1of 2

Napiling Paksa: UN SDG 17

Uri ng Talumpati: Talumpating Nagpapaliwanag


Mga Inaasahang Tagapakinig: Mga Kapwa Mamamayang Pilipino

Hamon ng Kalikasan:Climate Change


ni Mayaed Bicol ng G11-STEM 1
Mayo 02,2021

Isang mapagpalang araw sa ating lahat.Hayaan niyo pong ipakilala ko sa inyo ang aking
sarili.Ako nga pala si Mayaed R. Bicol,isang estudyanteng nagnanais ng magbigay linaw sa
inyo tungkol sa isang mahalagang isyung kinakaharap ng ating daigdig.

Sabi nila, pagbabago lamang ang permanenteng bagay dito sa mundo. Sa pagdaan ng
panahon, unti-unting napapalitan ang mga nakasanayan at unti-unting napauunlad ang
pamumuhay gamit ang agham at iba pang tuklas. Ngunit kung may isang pagbabagong dapat
nating pigilan, ito ay ang nagbabagong klima ng daigdig na bunga ng unti-unting pagkawasak
ng kalikasan. Ito ay isa sa mga layunin ng Sustainable Development Goals,isang
makabuluhang konsepto sa larangan ng kaunlaran ng mga tao, bansa at pandaigdigang
pamayanan.

Marahil ay napakinggan niyo na ang kawikaang “Kung ano ang iyong itinanim,iyon ring
ang iyong aanihin”. Halimbawa nito ay ang pagsusunog ng fossil fuels upang makabuo ng
elektrisidad at enerhiya na tiyak na maglalabas ng molekulang carbon dioxide sa
himpapawid.Ang walang habas na pagputol ng puno at halaman na sumisipsip ng karamihan sa
carbon dioxide ay nagpapataas ng ng temperatura.Ang pagkuha natin ng natural gas at langis
ay nagpapakawala ng methane na sanhi ng pag-init ng mundo. Hirap na ring labanan ng
sariwang hangin ang polusyong mula sa sa mga pabrika, sasakyan, at iba pang gawain ng
tao.Kung mapapansin natin sa mga nagdaang araw, buwan at taon, ang mga kalamidad na
nangyayari dito sa bansa at maging sa buong mundo ay patuloy sa pagiging malupit at
mapaminsalang kalikasan sa ngayon.Dahil sa patuloy na pag-abuso sa mga yaman ng mundo,
nagkakaroon ito ng epekto sa panahon.

Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg


greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.  Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng
heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay.  Kapag
tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea,
malnutrisyon at iba pa. Tanging pagbabago lang din ang makapagpapabago sa nagbabagong
klima. Kung kikilos ang bawat isa at bubuhayin ang disiplina, maisasalba pa at maibabalik ang
dating ganda at sigla ng ating nag-iisang daigdig.

Huwag na nating hintayin pang umabot sa puntong ipakikita ng Inang Kalikasan ang kaniyang
galit at singilin tayo sa ating mga pagkakasala sa ating kapaligiran. Kailangan tayo maging
alerto sa kinalalagyan ng ating mundo. Pansinin natin ang kalikasan at pagbabago ng klima ay
labanan.
https://pinasglobal.com/2018/12/sustainable/

https://talumpati.info/talumpati-tungkol-sa-pagbabago-ng-klima/

You might also like