You are on page 1of 19

1.

Sa kaniyang pagpanaw, walang


mukhang namutla, walang labing
nangatal
2. samyong walang malagusan
3. ang buwa’y ibinubulong ang hikbi
4. matalim na pagtaghoy ng mga tindera
5. humihingi nang malalim na paglimot
1. Sa kaniyang pagpanaw, walang
mukhang namutla, walang labing
nangatal
Sagot: Sa pagpanaw ng tauhan sa elehiya,
walang sinumang nagpakita ng
pakikiramay. Walang sinumang
nagambala sa kanyang pagpanaw.
2. samyong walang malagusan

Sagot: samyong hindi naaamoy, hindi


kumakalat ang amoy
3. ang buwa’y ibinubulong ang hikbi

Sagot: Tinig na hindi naririnig


4. matalim na pagtaghoy ng mga tindera

Sagot: mga tinderang walang tigil sa pag-


aalok ng kanilang mga paninda
5. humihingi nang malalim na paglimot

Sagot: nais na makalimutan


 Ang Republika ng Iraq ay isang bansa sa timog-
kanlurang Asya na sinasakop ang sinaunang
rehiyon ng Mesopotamia sa pinagsasaniban ng mga
ilog Tigris at Euphrates pati na rin ang
timog Kurdistan. Hinahanggan ito
ng Kuwait at Saudi Arabia sa timog, Jordan sa
kanluran, Syria sa hilagang-kanluran, Turkey sa
hilaga, at Iran (Lalawigan ng Kurdistan) sa silangan.
May makitid itong seksiyon ng baybayin sa Umm
Qasr sa Golpong Persiko
Elehiya ni Nazik al-Malaikah mula sa Iraq
Salin ni Auggene John D.A. De Vega
Sa kaniyang pagpanaw, walang mukhang namutla,
walang labing nangatal
ang pinto’y di nagsaysay ukol sa kaniyang kamatayan
walang kurtinang nagpatuloy sa hanging may dalang pighati
walang mga matang sumilay sa kabaong hanggang
sa huling hantungan
kung di ang ‘di malirip na alaala’t ‘di maaninag na
nakaraang
bumabagtas sa landasin.
Ang mga tipak ng balitang tila alimuon sa paligid
sampyong walang malagusan
marahang humimpil sa di masilayang panulukan
habang ang buwa’y ibinubulong ang hikbi.
Ang gabi’y walang malay na nakamasid
hanggang sa sumikat ang liwanag at tumanglaw sa tanan
kasabay ang pagkalam ng mga gutom na sikmura
ang matalim na pagtaghoy ng mga tindera sa lansangan
ang nakikipagtunggaling mga batang lalaking nagpupukol ng
bato
marungis na tubig na dumadaloy sa gilid ng daan
langhap mula sa hangin
na buhat sa mga bubungan
humihimig nang malalim na paglimot
humihimig mag-isa.
Ano ang naramdaman mo habang
binabasa akda? Bakit?
TATLONG YUGTO NG KAWALAN
Puno ng pighati at kalungkutan

Papuri sa mga sumakabilang-buhay

May kasiyahan at kawilihan


ELEHIYA
Isa sa mga uri ng tulang liriko na
nagpapahayag ng matinding
damdamin o kaisipan.
Ito ay nagpapahayag ng
kalungkutan dahil sa pagyao ng
isang minamahal.
ELEMENTO NG ELEHIYA
Tema
Mga Tauhan
Tagpuan
Mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon
Wikang ginamit
Pahiwatig o simbolo
Damdamin
 Sumulat ng sariling elehiya para sa isang mahal sa
buhay na namayapa na. Lapatan ito ng himig.
Mga Pamantayan Lubhang- Kahanga-hanga Katanggap- May pagtatangka
kahanga-hanga (7-8 puntos) tanggap (1-4 puntos)
(9-10 puntos) (5-6 puntos)

May lohikal ang


isinulat na elehiya
Taglay ng tula ang
mga element ng
elehiya
Gumamit ng
simbolismo sa
elehiya
Maganda at
nakawiwili ang
himig ng elehiya.

You might also like