You are on page 1of 3

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang

magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating


bansa bagkus pati na rin sa buong sandaigdig. Ang lumalalang
sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na
tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas
ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang
patuloy na paglala nito.
Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay
ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng
pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere. At dahil unti-
unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o
itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran
kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagnyayari sa
kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing
taga-sala nito o filter upang ang mga mabubuting sinag lamang
ang makapasok sa ating atmosphere.
Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting
pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng mga fossil
fuels. Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global
warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga
pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira ng ating kapaligiran.
Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala
pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan
natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa
pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag na sana tayong
dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran.

You might also like