You are on page 1of 10

Paksa: Pagbabago ng Klima (Climate Change)

Ang ating kapaligiran ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Ito ay likas


lamang dahil sa pakikipag- ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran. Dito kumukuha
ang tao ng kanyang mga kakainin na pagkain at mga gagamitin sa iba’t ibang
aspekto ng kanilang buhay. Minsan nga lamang ay umaabuso ang tao at nasisira na
niya ang kalikasan. Ang problema kasi dito ay hindi makasabay ang pagrekober ng
kalikasan sa paggamit ng tao sa mga yaman nito. Sa ganitong sitwasyon,maaaring
dumating sa panahon na tuluyan ng masira ang kalikasan sa ginagawa ng mga tao
dito.
Upang makatugon ang mga tao dito,layon ng araling ito na talakayin ang ilang
mga problemang pangkalikasan na kinakaharap ng mga tao ngayon. Ang tatalakayin
dito ay ang sukdulang pagbabago ng klima ( o climate change), mga sanhi ng
pagbabago ng klima,
Epekto ng pagbabago ng klima sa tao,epekto ng pagbabago ng klima sa agrikultura
at kapaligiran,at epekto ng pagbabago ng klima sa ekonomiya. Sa pagtalakay sa
mga isyung ito, ano ang maaaring gawin ng mga simpleng tao upang matugunan
ang mga nasabing isyung pangkalikasan.

Ang klima ay may malaking epekto sa ating pamumuhay at kapaligiran. Nitong mga
nakraang dekada, patuloy ang pagbabago ng klima sa mundo na naging dahilan ng
malaking pagbabago sa maraming aspekto n gating pamumuhay. Alam mo ba kung
ano ang epekto ng climate change sa kalusugan, kapaligiran, at ekonomiya? Bakit
itinuturing na malaking isyu ang climate change?

Ang mga nabanggit na katanungan ay ilan lamang sa mga katanungan na ating


bibigyang linaw sa araling ito.

ANG PAGBABAGO NG KLIMA

Isa sa mga isyung may malaking epekto sa iba’t ibang dako ng mundo ang
climate change. Ang climate change o pagbabago ng klima o panahon ay
nagdudulot ng pagbabago sa lakas at haba ng tag-ulan, at dalang ng pag-ulan.
Nagdudulot ito ng mga kalamidad tulad ng heatwave, tagtuyot, matitinding bagyo, at
baha na nagiging sanhi ng pagkakasakit o pagkawala ng buhay at pagkasira n
gating kapaligiran. May kaakibat na panganib ito sa ating ecosystem. Patuloy na
tumitindi ang pagbabago ng klima sa mundo at nararamdaman na ang mga epekto
nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at sa ating kapaligiran.
Sa patuloy na pagtindi ng init ng panahon sa daigdig, nakikita sa iba’t ibang
panig ng mundo ang mga senyales at epekto nito. ang halimbawa nito ay ang
pagbabago sa dalas at tindi ng pag-ulan, pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat dahil sa
pagkatunaw ng mga yelo, icebergs, at glaciers sa Arctic at Antarctic. Sa patuloy na
pagtaas ng temperatura ng mundo, maraming pagbabago ang nagaganap sa ating
klima at kapaligiran. Nararanasan na natin ang epektong ito.
Ang climate change ay nagdudulot ng tagtuyot o kaunting tubig sa ilang lugar
at matindi namang pagbaha sa ibang bahagi ng mundo. Ang pagtindi ng init ng
panahon ay nagiging sanhi ng pagkatuyo ng lupa at mga pananim, pagkakasakit ng
mga tao at hayop. Ang mga epekto ng climate change ay mapipigilan kung
mababawasan ang pagtaas ng lebel ng mga greenhouse gases na nasa ating
himpapawid. kailangang maunawaan natin ang mga sanhi ng climate change upang
makagawa tayo ng mga paraan na makababawas sa paglala nito.

MGA SANHI NG CIMATE CHANGE

Ayon sa climatologists o mga siyentipiko na nag-aaral ng klima, dalawa ang sanhi ng


climate change. Una ay ang natural na pagbabago ng klima dala ng epekto ng araw
sa mundo at ikalawa ay ang init mula sa ilalim ng lupa o epekto ng mga gawain ng
mga tao. Nakatatanggap ang daigdig ng init mula sa araw. Matindi ang sinag ng
araw sa mundo kaya’t umiinit ito. Kailangan at ginagamit ng mga tao, hayop, at
halaman ang init ng araw upang mabuhay. Ang malaking bahagi nito ay bumabalik
sa atmosepera at kalawakan.
Tinataya ng mga climatologist na nakadaragdag ang mga gawain ng tao sa
pag-init ng daigdig na nagiging sanhi ng climate change. Ito ay dahil sa maraming
gawain ng tao na nakapagpapataas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse
gases. Greenhouse gases ang tawag sa mga gas na nakapagpapainit sa daigdig
tulad ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide, hydroflourocarbons, at iba pa. ang
greenhouse gases ay mga hanging-singaw na ibinubuga ng mga makinarya at mga
pagawaan na napupunta sa ating kapaligiran at atmospera. Nagkakaroon ang mga
ito ng greenhouse effect sa daigdig. Tinatayang nagsimula ang pagtindi ng global
warming noong pagtatapos ng ika-18 na siglo.

Noong panahon ng Industrial Revolution, nagkaroon ng mga makabagong


makinarya at mga pagawaan. Noong 1712, nag-umpisa ang paggamit ng coal at
steam engine. Ang mga ito ay gumagamit ng marami at iba’t ibang greengouse
gases.
Ikalawa ay ang paglaki ng populasyon ng tao sa buong mundo at ang
pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Dahil dito, lumalala ang pollution at
patuloy na tumataas ang konsentrasyon ng mga natural at sintetikong gas sa ating
atmospera. Sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao at pag-unlad ng agham at
teknolohiya, nagiging matindi ang pagsunog ng mga fossil fuel tulad ng coal, langis,
at natural gas. Ito ang mga dahilan ng pagtaas ng konsentrasyon ng greenhouse
gases sa ating kapaligiran at atmospera.
Sa pag-aaral ng mga siyentipiko, nitong nakaraang isang daang taon mula
noong 1906 hanggang 2005, ang pangkalahatang temperatura ng buong daigdig ay
patuloy na umiinit. Tinatayang lalong iinit ang daigdig sa mga susunod na dekada
kung ang mga tao ay hindi gagawa ng mga paraan na magpapabagal ng pagtaas
ng temperatura ng daigdig.

Batay sa mga pananaliksik, ang mga gas na naiipon sa atmospera ay


pumipigil sa pagbabalik ng init sa kalawakan at nagsisilbing makapal na balot na
nagpapainit sa daigdig. Ang mga greenhouse na nagpapainit sa ating daigdig na
sanhi ng climate change ay:
- Water vapor: pinakamarami ito sa ating atmospera na dahilan ng pagkakaroon
ng mga ulap, presipitasyon na nagdadala ng ulan, at nagkokontrol ng lubhang
pag-init ng atmospera. Kapag dumarami ang water vapor sa ating atmospera,
nagiging mas mainit din ang daigdig.
- Carbon Monoxide (CO) at Carbon dioxide (CO 2)- mula ito sa mga natural na
proseso tulad ng paghinga ng mga tao at hayop at pagsabog ng mga bulkan.
Nabubuo rin ito tuwing sinusunog ang mga fossil fuel tulad ng langis, coal, at
natural gas para mapaandar ang mga sasakyan, mga pagawaan, at mga planta
ng kuryente.

Maraming gawain ang mga tao na nakapagpapataas sa konsentrasyon ng


carbon dioxide sa ating kapaligiran at atmospera tulad ng pagputol ng mga
puno, pagkakalbo ng kagubatan, at paggamit ng mga fossil fuel. Mula
noong Industrial Revolution, mahigit tatlong beses na tumaas ang dami ng
carbon dioxide sa ating atmospera.

- Chlorofluorocarbons (CFCs)- kemikal ito na nakakasira ng ozone layer n gating


mundo. Ginagamit ang chlorofluorocarbons bilang refrigerants o pampalamig at
aerosol propellants at iba pa. ginagamit ang refrigerants sa mga air-conditioner,
automotive industry, at food industry dahil nontoxic ito o hindi nakakalason, hindi
nakakasunog, madaling mag-evaporate at mag-condense. Mula nang mapag-
alamang nakakasira ito ng ozone layer n gating mundo, mahigpit nang
ipinagbawal ang produksiyon at paggamit nito. maraming bansa ang nakiisa na
itigil na ang paggawa nito mula noong 1992.
- Methane- mula ito sa natural na proseso sa kapaligiran tulad ng mga nabubulok
na bagay tulad ng mga basura, dumi ng mga hayop, at dayami ng palay.
Tinatayang higit na mas matindi ang greenhouse effect ng gas na ito kaysa sa
carbon dioxide kahit mas kaunti ang konsentrasyon nito sa ating atmospera.
Nakapagpapalala rin ang mga gawain ng mga tao sa pagdami nito sa atmospera.
- Nitrous oxide- nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga komersiyal at
organikong pataba, pagsunog ng biomass, kombustiyon ng fossil fuel, at
paggawa ng nitric acid.

EPEKTO NG CLIMATE CHANGE SA TAO

May masasamang epekto sa mga tao ang pagbabago ng klima n gating


mundo. Ang climate change ay nagdudulot ng pagkakasakit ng mga tao.
Pinakamatinding naapektuhan nito ang mga mahihirap, may kapansanan, bata,
matanda, at nakatira sa mga lugar na may malaking populasyon at baybaying-dagat.
5
Ilan sa mga masasamang epekto ng matinding init ng panahon sa ating
kalusugan ay ang sunburn, blister, skin cancer, at heat stroke na maaaring ikamatay
ng mga tao. Kapag may bagyo o matinding pag-ulan, nagkaroon ng pagbaha o flash
flood. Nasisira rin ang mga panananim na nagiging dahilan ng kakulangan sa
pagkain kaya’t nagkakaroon din ng malnutrisyon o paghina ng resistensiya.
Tumataas din ang bilang ng kaso ng mga sakit tulad ng:
- Pangangati ng balat o allergy dulot ng polusyon;
- Malaria at dengue dahil sa pagdami ng mga lamok;
- Leptospirosis mula sa maruruming tubig baha na may ihi ng daga;
- Mga sakit sa respiratory system dulot ng polusyon at pabago-bagong panahon;
- Pananakit ng tiyan, pagtatae o diarrhea, at cholera dahil sa pag-inom ng
maruming tubig at pagkain.
MGA EPEKTO NG CLIMATE CHANGE SA AGRIKULTURA AT
KAPALIGIRAN

Ang dahilan ng pag-init ng mundo ay nakaaapekto sa pagbabago ng panahon


na nagiging sanhi ng pagkatuyo, pagbabaha, pagkasira ng mga coral reef,
pagkakasakit, at kamatayan ng mga hayop at halaman.
Ang mga pananim o halaman ay may kanya-kanyang pangangailangan
upang tumubo at lumago. May malaking epekto ang climate change sa temperatura
at suplay ng tubig. Kung napakainit na ng panahon, may masamang epekto ito sa
mga pananim. Kapag matindi ang init, nagkakaroon ng tagtuyot at kakulangan sa
tubig na kailangan sa pagtatanim o pagsasaka. Kapag may matinding pag-ulan at
bagyo, maaring magkaroon ng pagbaha, flash flood, o pagguho ng lupa na
nakapipinsala sa mga pananim.
Kapag umiinit ang panahon, dumarami rin ang mga insekto at peste na
nakasisira ng mga pananim. Naiiba rin ang life cycle ng mga halaman at hayop dahil
sa pagbabago ng klima. May mga halamang tumutubo at namumulaklak nang mas
maaga kapag tagsibol o spring. Nagiging mas mahaba rin ang taglagas o autumn
kaysa sa dating panahon ng tagsibol. Sa Kibungan halimbawa, ang dating
magandang kalidad ng sayote ay unti-unting nagbago. Dumami ang mga insektong
sumisira nito na naging sanhi ng madaling pagkasira ng mga dahon at bunga ng
sayote rito.
Kung magpapatuloy ang pagkakaroon ng global warming o pag-init ng buong
mundo, maraming halaman at hayop sa buong daigdig ang maaring maging extinct o
maglaho sa loob lamang ng isang daan taon. Kung mangyayari ito, magkakaroon din
ito ng masamang epekto sa iba pang mga natitirang hayop at halaman. Mapuputol
ang food chain na magiging sanhi ng pagkamatay ng mga hayop at halaman.

MGA EPEKTO NG CLIMATE CHANGE SA EKONOMIYA

Ang ekonomiya ay naapektuhan rin ng climate change. Sa isang agricultural


na bansa katulad ng Pilipinas, ang pagkasira ng mga pananim ng mga magsasaka
dahil sa pag-init ng panahon at pabago-bagong klima ay may malaking epekto sa
kanilang kabuhayan. Dahil sa pagbabago ng klima, dumadalas ang panahon ng
tagtuyot kaya’t ang agrikultura ng mga bansa ay makararanas ng paghina ng
produksiyon dulot ng kakulangan ng tubig. Ang mga bundok ay makararanas ng mas
madalas na tagtuyot dahil maaring magkaroon ng mga sunog sanhi ng labis na init.
Kung magiging mas mainit na ang klima sa malamig at may yelong lugar na
pinupuntahan ng mga tao upang magliwaliw, mag-skiing, at ice skating,
mababawasan na ang pagkakataon ng mga negosyante sa mga lugar na ito na
kumita ng kanilang ikabubuhay.
Sa patuloy na pag-init ng panahon dahil sa pagbabago ng klima, mas lalaki
ang pangangailangan sa produksiyon ng kuryente dahil sa pagtaas ng konsumo nito
para sa mas madalas na paggamit ng mga bentilador at air conditioner. Maaring
magkaroon ng kakulangan sa suplay ng kuryente. Dahil karamihan sa kuryenteng
ating ginagamit ay nagmumula sa pagsunog ng mga fossil fuel, kaya’t nadaragdagan
din ang greenhouse gas sa ating kapaligiran at atmospera.

6
Dahil lumalaki ang pangangailangan ng mga tao sa enerhiya, tumataas din
ang halaga na ibinabayad para sa paggamit nito. Pati na ang mga halaga ng
serbisyo at bilihin ay tumataas din kasabay nito. Sa kabilang banda, hindi naman
lumalaki ang kita ng tao kaya’t nahihirapan silang mabili ang kanilang mga
kailangan. Sa ganitong kalagayan, bumababa ang bilang ng mga namimili ng mga
produkto at naaapektuhan ang negosyo at ekonomiya ng bansa at mundo.
Dahil sa pagbabago ng klima dumadalas din ang El Niño. Tumataas din ang
tubig-dagat sa mga mababang lugar kung kaya ang mga tahanan, gusali, at negosyo
sa baybay-dagat ay maaaring masira lalong-lalo na kapag may mga storm surge at
tsunami.

UNEMPLOYMENT

Ang unemployment ay bunga ng kawalan ng mga oportunidad o


pagkakataong makahanap ng trabahong ayon sa kakayahan ng manggagawa at sa
kailangan ng mga negosyante. Mataas ang suliranin ng unemployment ng Pilipinas
sa kasalukuyan kaya’t masasabing Malaki ang epekto nito sa kalagayan ng
ekonomiya ng bansa.
Upang lubusang maunawaan ang konsepto ng unemployment,dapat ay
maintindihan muna kung sino ba talaga ang bumubuo sa lakas – paggawa o labor
force ng bansa. Sinasabi ng pamahalaan na isa sa lakas ng ekonomiya ay ang
yamang – tao. Ang yamang- tao ay isa sa mga yaman ng bansa na tumutugon sa
pagbuo, paggawa, at pagbibigay ng produkto o serbisyo sa bansa o sa mga
bansang nangangailangan ng empleyo. Ang yamang- tao ng isang bansa ang
pinagkukunan ng lakas- paggawa o labor force. Ang lakas- paggawa o labor force ay
ang bahagi ng populasyon na may edad 15 pataas na may trabaho o empleyong full-
time ( nagtatrabaho ng walong oras o higit pa at nabibigyan ng benepisyo ng
kaniyang pinaglilingkurang kompanya) o part – time (nagtatrabaho ng apat na oras
pababa at hindi nakukuha ng benepisyong natatanggap ng full- time na
manggagawa) o naghahanap ng mapapasukang trabaho. Sa ngayon, tinatayang
halos 70% ng populasyon ng Pilipinas ang sinasabing kabilang sa labor force.
Ang mga taong unemployed ay mga nagnanais na magkaroon pa ng
karagdagang oras sa kanilang kasalukuyang trabaho o magkaroon pa ng
karadagang pagkakakitaan o bagong trabaho na may mahabang oras.
Mayroon ding mga manggagawa na hindi naaayon sa mga kakayahang
kanilang pinag- aralan dahil sa kawalan ng pangangailangan sa natapos na napag-
aralan.

Mga Dahilan ng Unemployment


May mga dahilan kung bakit nagiging suliranin ang kawalan ng trabaho sa ating
bansa. Narito ang ilan:
1. Kakulangan ng oportunidad para makapagtrabaho - Ayon sa pananaliksik na
isinagawa at inilathala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa
kanilang”The Philippine Labor and Emoployment Plan 2011 – 2016,” isa sa apat na
populasyon ng mga nagtatrabaho ay nasa edad na 15 hanggang 24 taong gulang.
Noong taong 2010, ang
3
kabuuang bilang ng mga walang trabaho ay 2.9 milyon, at higit sa kalahati nito ay
nasa edad na 15 hanggang 24 taong gulang. Karamihan sa mga ito ay naghahanap
ng trabaho at ilan naman ay hinihingan ng natapos o credentials.
Batay sa estatistika ng PSA, hindi lamang sa walang natapos o hindi
nakapag- aral ang dahilan ng kawalan ng trabaho kundi pati na rin ang kakulangan
ng oportunidad para sa kanila.ang mga kabataang ito ay nawawalan ng kumpiyansa
sa sarili dahil wala silang mahanap na trabaho, o matagal na paghihintay na
matanggap o matawagan sa inaplayang trabaho.

2. Kakulangan sa Edukasyon - Dahilan din ng kawalan ng trabaho ang


kakulangan sa akademikong paghahanda dulot ng mababang kalidad ng Sistema ng
edukasyon gaya ng
Wala o kulang sa maayos na kapasidad, hindi magandang pagtuturo,at mga
programa o kurikulum na hindi angkop sa kailangan ng industriya ( school industry
mismatch) kaya ang ilang mag- aaral ay tumigil na lang upang maghanap na ng
mababang trabaho na nagbubunga ng tumataas na bilang ng mga kabataang hindi
na nakapagtapos. Batay sa survey na isinagawa ng Bureau of Labor and
Employment Statistics mula 2007 hanggang 2018,sa kabila ng kawalan ng trabaho
na nakaaapekto sa higit sa dalawang milyong Pilipino,ang mga employer ay
nahihirapan sa pagpuno ng kanilang mga bakante dahil sa kakulangan ng mga
aplikante na may angkop na edukasyon at kalipikasyon para sa trabaho.

3. Paglaki ng populasyon - May mga nagsasabi na isa sa mga dahilan ng


kawalan ng trabaho sa ating bansa nitong nakaraang dekada ay ang mabilis na
paglaki ng populasyon. Hindi makatwiran ang ganitong pananaw dahil ipinapasa ang
pananagutan ng kawalan ng trabaho sa mga mamamayan. Ayon sa kanila, ang
pagkakaroon ng maraming anak ng mga mamamayan ay nakababawas sa pagiging
produktibo ng mga ito. Ayon sa pamahalaan, ang isang solusyon sa problema ng
unemployment ay ang pagpaplano ng pamilya. Kung mas kaunti ang
populasyon,mas kaunti ang kailangang trabaho.

4. Kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at pangmatagalang plano na


makalikha ng
Trabaho
Sa kabilang dako, may mga nagsasabi na ang pinakadahilan ng unemployment sa
bansa ay ang kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at pangmatagalang plano
na makalilikha ng trabaho para sa mga mamamayan. Umaasa ang pamahalaan sa
mga dayuhang mamumuhunan sa bansa para magkaroon ng trabaho ang mga
mamamayan nito. Dahil sa maraming tao ang walang mahanap na trabaho,
nagtityaga sila sa anumang ibinibigay na trabaho sa kanila kahit na maliit ang sahod,
kulang sa mga mga benepisyo, at hindi maganda ang kondisyon ng
pinagtatrabahuan.

5. Hindi tugma ang mga pinag- aralan o klasipikasyon ng mgamamamayan sa


maaari nilang pasukang trabaho - Inilalahad sa pag – aaral na ginawa ng PSA na
tila walang kaugnayan ang pagtatapos ng pag- aaral sa pagkakaroon ng trabaho.
Bagkus,ito ay tila nakasasagabal pa sa pagkakaroon ng trabaho dahil hindi tugma
ang kanilang pinag- aralan o kalipikasyon sa dapat nilang pasukang trabaho. Ang
ibang nakapagtapos ng pag- aaral ay namamasukan na lamang sa trabahong mas
mababa kaysa sa kanilang pinag- aralan o kalipikasyon.

6. Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa trabaho - Sa pag- aaral ng


mga dahilan kung bakit nahihirapan ang mga may negosyo na punan ang mga
bakanteng posisyon sa kanilang kompanya,nangunguna sa mga dahilan ang
kawalan ng kinakailangang kasanayan. May malaking proposiyon ng hindi tugma o
“mismatch” sa pagitan ng pagsasanay at aktuwal na trabaho. Ito ang pangunahing
problema sa kolehiyo at ito rin ang dahilan ng paglago ng malaking bilang ng mga
nakapagtapos o edukado na walang pinapasukang trabaho.
4
7. Hindi nagbibigay ng wastong sahod sa manggagawa,kaunting benepisyo,at
hindi maayos na kondisyon ng pinagtatarabahuan - Isa pang dahilan ay ang
pagkakaroon ng mga kapitalistang local at dayuhan na hindi nagbibigay ng wastong
pasahod at kaunting benepisyo sa mga manggagawa at hindi maayos na kondisyon
ng pinagtatrabahuan. Sila ang may malalaking perang pampuhunan sa malalaking
negosyo. Sila ang kumite ng Malaki samantalang ang manggagawa na siyang
nagpatulo ng pawis, nagpapagod,at nagtitiyaga ay binibigyan lamang ng maliit na
sahod at kaunting benepisyo.

8. Pananalasa ng mga kalamidad sa bansa - sinabi rin ng pamahalaan na isa rin


sa dahilan ng kawalan ng trabaho ay ang pananalasa ng mga kalamidad sa bansa.
Lubhang nakapipinsala ang mga ito sa mga manggagawa,lalong- lalo na sa sector
ng agrikultura.

9. Masalimuot naparaan para makapagtatag ng negosyo - Ayon sa mga


namumuhunan,mahirap magnegosyo sa Pilipinas. Isasaayos at ipaaaproba pa ito
sa kinatawan ng pamahalaan. Maraming papeles ang kinakailangan para
makapagtatag ng negosyo. Mahirap ang pagpoproseso ng mga papeles. Iba’t ibang
tanggapan ng pamahalaan ang kailangang puntahan at marami rin ang kailangan
pumirma ng mga papeles. Sa pagtatag ng negosyo saating bansa,kailangang
kumuha ng papeles mula sa Department of Trade and Industry(DTI), barangay
permit,business permit mula sa lungsod o bayan,at iba pang dokumento kung saan
itatatag ang negosyo.

10. Pamumulitika at katiwalian ng mga nanunungkulan sa pamahalaan - May


mga nagsasabing maraming politiko ang sangkot sa iba’t ibang illegal na gawain at
pagpapayaman. Sila ay nagpapabayad ng kanilang serbisyo at nanghihingi ng iba’t
ibang pabor sa mga negosyante.Kailangang masugpo ang katiwalian sa ating
pamahalaan upang maganyak ang mga negosyante na mamuhunan o magtayo ng
negosyo. Sa pag- unlad ng ekonomiya, mababawasan ang kawalan ng trabaho at
uunlad an gating bansa.

Implikasyon ng Unemployment sa Pamumuhay at sa Pag- unlad ng Ekonomiya


ng Bansa

Narito ang ilang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay ng tao:

1. Tumitinding kahirapan
 Walang mapagkukunan ng pera ang mga tao para sa kanilang ikabubuhay at
mga pangangailangan
 May mga gumagawa ng krimen tulad ng pagnanakaw
panghoholdap.Natutukso silang gumawa ng hindi maganda upang
matugunan ang kanilang pangangailangan.
 Nagkakaroon ng malnutrisyon ang mga tao dahil wala silang pambili ng sapat
at masustansiyang pagkain kaya’t madali rin silang magkasakit.
 Hindi makapag – aral ang mga bata dahil hindi matustusan ng kanilang mga
magulang ang kanilang pangangailangan sa paaralan.
 Napipilitang magtrabaho ang mga bata upang matulungan ang mga
magulang na matugunan ang kanilang pang- araw- araw na
pangangailangan.
 Bumababa ang standard of living ng mga tao.
 Dumarami ang mga informal settler o mga taong nag- ookupa ng isang lugar
na pagmamay- ari ng private entity o ng gobyerno.
 Dumarami ang mga taong umaasa sa gobyerno.

2. Naapektuhan ang mental health o kalusugan ng pag- iisip ng mga tao.

 Bumababa ang tiwala at pagtingin nila sa sarili.


 Dumaranas sila ng depresyon at pagkawala ng pag- asa sa buhay.
 Nagkakaroon sila ng negatibong pag- uugali
5
 Tumataas ang bilang ng nagpapakamatay.
 Nagkakaroon ng stigma o masamang tingin o husga sa kapwa.

Implikasyon ng Unemployment sa Pag- unlad ng Ekonomiya ng Bansa

1. Nagpupunta sa ibang bansa ang mga manggagawa upang maghanap- buhay at


iniiwan nila ang kanilang pamilya.

 Nasisira ang pagkakabuklod ng pamilya.


 May mga napapariwarang anak dahil walang gumagabay nang maayos sa
kanila.
 Nagkakaroon ng brain drain dahil nagpupunta ang mga magagaling na
manggagawa sa ibang bansa at kaunti na lamang ang natitira sa ating bansa
na makatulong sa pagpapaunlad nito.

2. Dumami ang mga dayuhan at dambuhalang local na negosyante kaya’t nalugi ang
napakaraming maliit na negosyo na nakapagbibigay ng trabaho sa ating bansa.

 Temporary o contractual employment lamang ang inaalok ng mga dayuhan at


malalaking local na negosyante upang hindi na magbigay ng mga benepisyo
sa mga manggagawa.
 Maliit ang suweldong ibinibigay ng malalaking local na negosyante kaya’t
nananatiling kapos sa salapi ang mga manggagawa upang matustusan ang
kanilang pangangailangan.

3. Humihina ang ekonomiya ng bansa dahil sa mas mahina ang produksiyon ng


bansa at marami ang mahihirap.

4. Mabagal ang pag- unlad ng bansa dahil mahina ang ekonomiya nito.

Mga Programa ng Pamahalaan

Bilang pagtugon sa suliranin, isinusulong ng pamahalaan ang pagpapalago


ng mga industriya sa manufacturing, turismo, agribusiness,at impraestruktura
sapagkat ang mga ito ang maaaring makapagbigay ng matataas na uri ng trabaho.
Isinasaayos din ng pamahalaan ang paglikha ng mga trabaho para sa masa upang
masolusyonan ang problema ng kahirapan.

Narito ang ilan sa mga kagawaran ng pamahalaan at ang kanilang mga tungkulin na
mababawasan ang unemployment at mapaunlad ang ating bansa:

 Kagawaran ng Kalakalan at Industriya o Department of Trade ang Industry


( DTI)
Sangay ng pamahalaan na nagpapaunlad ng mga industriya at kalakalan sa
bansa.
Pinasisigla nito ang panlabas at panloob na kalakalan upang magkaroon ng
trabaho ang mga
Ang mga mamamayan ng ating bansa. Tinutulungan din ng ahensiya ito ang
mga negosyante o mamamayang humanap ng mga bagong pamilihan sa
ibang bansa para sa mga produktong local,at inaakit ang mga dayuhang
mangangalakal na magtatag ng kanilang industriya sa ating bansa.

 Kagawaran ng Paggawa at Empleo o Department of Labor and Employment


(DOLE)
Pinamamahalaan nito ang mga patakaran at suliranin sa paggawa at
empleyeo. Pinangangalagaan nito ang kapakanan ng mga manggagawa
upang hindi sila
6
mapagsamantalahan at maabuso ng kanilang employer. Namamagitan ito sa
mga hidwaan sa pagitan ng mga manggagawa at employer, nangangalaga sa
kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa,at marami pang iba.
 Technical Education and Skills Development Authority ( TESDA) -
tumutulong sa mga mamamayan na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa
pamamagitan ng pag- aaral sa mga paaralang pambokasyonal. Layunin nito
na makapagbigay ng de- kalidad na trabaho sa ating mga Pilipino.
 Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
Narito ang misyon ng ahensiya:
POEA connects to the world and in partnership with all stakeholders,
facilitates the generation and preservation of decent jobs for Filipino migrant
workers, promotes their protection and advocates their smooth reintegration
into Philippine society.

You might also like