You are on page 1of 6

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay napakahalaga para sating mga tao na naninirahan ditto sa mundo.
Ang global warming, ay himdi mabuti para sating mga tao. Kaya ginawa itong pag-aaral na ito
upang maihayag kung ano ang dahilan at bakit ginawa ang pag-aaral.
Ang dahilan kung bakit nag kakaruon ng pag-aaral tukol sa global warming, dahilan sa
unti-unting pagkasira n gating kalikasan. At dahilan din upang matugunan ang problimang ito.

Dahilan ng Global Warming:

Ang mga climatologists (mga siyentipiko na nag-aaral ng klima) ay naniniwala na ang global
warming ay nagsimula pa sa pagtatapos ng 1800’s. Marami rin sa kanila ang naniniwala na may
kaugnayan ang gawain ng mga tao sa pag-init ng daigdig. Ito ay dahil sa mga aktibidad ng mga
tao na nagbubunsod sa pagpapatindi ng natural na greenhouse effect sa daigdig.

Kabilang sa mga gawain ng tao na nakakaambag sa global warming ay ang pagsusunog ng fossil
fuels (coal, oil, at natural gas) at ang maling paggamit ng lupa. Ang paggamit ng fossil fuels na
karaniwan sa mga sasakyan, mga pagawaan at mga planta ng kuryente, ay nagreresulta sa
pagkakabuo ng carbon dioxide (CO2). AngCO2 ay isa sa mga greenhouse gases na
nagpapabagal ng pag-labas ng init sa daigdig papuntang kalawakan. Ang mga punongkahoy at
mga halaman ay may malaking naitutulong upang maalis o di kaya’y mabawasan ang antas ng
CO2 sa hangin sa proseso ng photosynthesis. Subalit, dahil sa pagtugon sa pangangailangan sa
tirahan ng nakararaming populasyon sa daigdig, ilan sa mga punongkahoy na dati’y mapayapang
namumuhay sa ating mga kagubatan at kakahuyan ay naisasakripisyo kung kayat patuloy na
dumarami ang antas ng CO2 sa hangin. Gayunpaman, may mga iilang siyentipiko, ang
naniniwala na hindi gaanong nakakaapekto sa pagbabago ng klima ang pagtaas ng antas ng
greenhouse gases sa atmospera. Ayon sa kanila, mas nakalalamang pa rin ang mga natural na
proseso (kagaya ng pagtaas ng enerhiyang inilalabas ng araw at ang pagputok ng mga bulkan)
sa pagkakaroon ng global warming.

Ano ang greenhouse effect?

Ang greenhouse effect ay ang pag-iinit ng atmospera o ibabaw ng daigdig dahil sa pagpigil ng
mga greenhouse gases na makalabas ang init na nagmumula sa araw pagkatapos nitong
marating ang daigdig. Sa normal na kondisyon, mahalaga ang greenhouse effect upang
mapanatili ang init sa daigdig at masuportahan ang mga may buhay dito.

May mga hangin o gases sa kalawakan na nagsisilbing greenhouse – ang mga greenhouse
gases. Hinahayaan nilang makapasok sa atmospera ang enerhiyang (init) nagmumula sa araw at
makarating sa daigdig subalit pinipigil nila ang init na makalabas muli patungong kalawakan.
Epekto nito ang pag-init ng ating atmospera.

Ano – ano ang mga greenhouses gases?

Maraming mga chemical compounds sa atmospera ng daigdig ang nagsisilbing greenhouse gases.
Ang mga ito ay ang mga hangin gases na nagpapahintulot na makarating sa daigdig and direktang
liwanag (na may taglay na mababang shortwave energy) ng araw. Habang ang mga liwanag na
may mababang enerhiya ay siyang nagbibigay init sa ibabaw ng daigdig, ang mga liwanag naman
na may longer-wave (infrared) na enerhiya (init) ay muling ibinabalik sa atmospera (tinatawag
itong reradiation). Ang mga enerhiyang ito ay nasasagap ng mga greenhouse gases. Bunsod nito’y
ang kaunting init na nakakalabas ng atmospera ng daigdig pabalik sa kalawakan at ang
pagkakulong (trapping) nito sa mababang bahagi ng atmospera ng daigdig. Maraming mga
greenhouse gases ang natural na matatagpuan sa ating atmospera, kagaya ng carbon dioxide,
methane, water vapor, at nitrous oxide, samantalang ang iilan naman ay gawa ng agham o sentitiko
(synthetic). Kabilang sa gawa ng tao ay ang chlorofluorocarbons (CFCs), hydrofluorocarbons
(HFCs), Perfluorocarbons (PFCs), at sulfur hexafluoride (SF6). Dahil na rin sa patuloy na pag-
unlad ng agham at teknolohiya, ang konsentrasyon ng mga natural at sentitikong greenhouse gases
ay patuloy na tumataas. Kaakibat ng lumulubong populasyon ng daigdig ay ang patuloy na
pagtindi ng pangangailangan natin sa fossil fuels (kagaya ng coal, langis at natural gas). Epekto
nito ay ang patuloy na pag-taas ng bahagdan ng greenhouse gases sa ating kapaligiran. Totoo na
ang iilan sa mga greenhouse gases ay natural na sangkap ng ating atmospera kagaya ng carbon
dioxide na siya ring kasangkapan upang maipagpatuloy ang buhay, subalit may mga pagkakataon
na nababago natin ang ilan sa mga natural na proseso ng daigdig. Isang halimbawa nito ay ang
carbon cycle… Dahil sa pagsusunog natin ng ating mga kagubatan, pagka’kaingin’, o pagmimina
at pagsusunog ng uling (coal), hinahayaan nating maging hangin ang mga carbon na dating
nakaimbak sa mga solido nitong kinalalagyan. Ilan sa mga greenhouse gases ay ang mga
sumusunod:
• WATER VAPOR. Pinakamadaming greenhouse gas. Subalit nagsisilbi rin itong
tagapagkontrol (feedback) ng lubhang pag-init ng atmospera. Habang dumarami ang
water vapor umiinit naman ang atmospera ng daigdig. Subalit lumalaki rin ang posibilidad
na magkaroon ng mga ulap at presipitasyon (precipitation) na nagbubunsod ng pag-ulan.
• Carbon dioxide (CO2). Bumubuo ito ng maliit na bahagi subalit ito’y isang mahalagang
sangkap ng atmospera. Ang carbon dioxide ay inilalabas sa pamamagitan ng mga natural
na proseso kagaya ng paghinga ng mga hayop at tao at pagsabog ng mga bulkan. Ang
iba pang mga gawain ng mga tao kagaya ng deforestation o pagkakalbo ng kagubatan,
paggamit sa mga lupaing pang-agrikultura bilang lupaing pangkomersiyo at panirahan
kagaya ng subdivision, at paggamit ng fossil fuels ay nagdudulot din ng pagtaas ng bilang
ng carbon dioxide sa kalawakan. Mula pa sa pagsisimula ng Industrial Revolution, mahigit
sa tatlong beses na ang antas ng pagdami ng carbon dioxide sa kalawakan.
• Methane. Ito ay isang hydrocarbon na gas na nagmumula sa mga aktibidad ng mga tao at
natural na pinagmulan. Inilalabas ito ng mga nabubulok na basura sa mga landfills at
dump sites, mga duming pang-agrikultura kagaya ng mga nabubulok na dayami ng palay
at mga dumi ng hayop sa mga livestock farms. Ang methane ay higit na mas aktibong
greenhouse gas kaysa sa carbon dioxide, subalit mas kaunti ang bilang ng konsentrasyon
sa atmospera.
• Nitrous oxide. Isang greenhouse gas na nabubuo dahil sa ilang mga pamamaraan sa
paggamit ng lupa, kagaya ng paggamit ng mga komersiyal at organikong pataba,
kombustiyon ng fossil fuel, paggawa ng nitric acid, at biomass burning.
• Chlorofluorocarbons (CFCs). Sentitikong compound na may pangkomersyong halaga.
Unang nilikha noong 1930s, ginagamit ito bilang refrigerants at aerosol propellants at iba
pa dahil hindi ito nakalalason (nontoxic), nonflammable, madaling magevaporate at
magcondense. Gayunpaman, mahigpit nang kontrolado ang produksiyon nito ngayon
matapos mapag-alamang nakapagpapanipis ito ng ating ozone layer. Noong 1992,
maraming mga bansa ang sumang-ayon na itigil na ang paggawa nito sa taong 1996.

May kaugnayan ba ang tao sa pagdami ng greenhouse gases?

Ang pagdaragdag ng init ng klima ng daigdig sa loob ng halos nakaraang limampung (50) taon ay
pinaniniwalaang may malaking kaugnayan sa mga gawain ng tao ayon sa Intergovernmental
Panel on Climate Change, 2001; Arctic Climate Impact Assessment, 2004, pahina.2)
Mga suliran.
Suliran sa lupa
• Land conversion
• Salinization at alkalinization
• Desertification
• Overgrazing

INTRODUCTION

Ang Global Warming ay isang phenomenon kung saan tumataas ang pandaigdig na temperatura
(average global temperature) nang higit pa sa normal nitong antas. Tinatayang mula pa sa
pagtatapos ng taong 1800’s, ang pandaigdigang temperatura ay tumaas na ng may 0.7 hanggang
1.4 degree F (o 0.4 to 0.8 degrees Celsius) at maraming mga eksperto ang naniniwala na ang
average temperature ng daigdig ay maaring umabot pa sa 2.5 hanggang 10.4 degrees F (o 1.4
hanggang 5.8 degrees Celsius) sa taong 2100. Ang antas ng pagtaas na ito ay higit na mas
mataas kaysa sa mga nakaraang antas ng pagtaas na naitala. Ang mga siyentipiko ay
nababahala na maaaring ang mga tao at mga iba’t – ibang uri ng may buhay sa daigdig ay
mahirapan o di kaya’y hindi makasabay sa mabilis na pagbabago ng pandaigdigang klima. Ang
Global Warming ay nagbabanta ng samut-saring mga panganib… Upang mabawasan ang
pagkakaroon nito, ang bawat bansa sa buong mundo ay nagtipon-tipon sa layuning mabigyang
solusyon ito at maiwasan ang mga kaakibat na epekto dulot nito. Patunay nito ang Kyoto Protocol
na nilagdaan sa Japan ng may 160 na bansa, kabilang na ang Pilipinas, noong 1997.
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
Mahalaga ang pag-aaral tungkol sa global warming, BAKIT? Upang maaksyonan ang patuloy na
hindi mabuting nangyayari sa ating mundo. Unti-unti na kasing nawawala ang kagandahan nitong
mundong ating ginagalawan. Kaya mahalaga talaga ang pag-aaral na ito. Ang pagpapahalaga sa
ating mundo ay katulad lang na nagpapahalaga tayo ssa diyos na mag bigay ng lahat ng ito.
Ngunit, sa patuloy na pagtaas ng agham ng tao,hindi maiwasan na nakalimotan na natin an gating
ginawa. Kaya dapat nating idisiplinahin ang ating mga sarili at intindihin ang kung ano ang nasa
ating paligid. Nangangailangan an gating mundo ng ating pagsisilbi sa kaniya. Dahil wala namang
ibang makikinabang nito kundi tayo-tayo lang naman. Hindi nanatin pang hintayenpana walana
tayong magagawa. Kaya hanggag may magagawapa tayo nagyon ay gawin na natin. Walang
masisira kung walang maninira sa kahalagahan ng mundo.

You might also like