You are on page 1of 2

Pilipinas: Batikan sa pag-pollute ng karagatan

(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 30, 2017 - 12:00am

ISA ang Pilipinas sa worst polluter ng mga karagatan. Kakahiya naman ang taguring ito. Lagi na lamang
masama ang nababansag sa bansang tinaguriang “Pearl of the Orient’’. Pero ito ang katotohanan at hindi
maitatanggi na talaga namang totoo na ang Pilipinas ay isa sa nagpaparumi o nagpo-pollute ng mga
karagatan.
Sabi ng environmental group Greenpeace, ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansa na worst polluter ng mga
karagatan. Nangunguna ang China at sinundan ng Indonesia.
May katotohanan ang paratang ng Greenpeace sapagkat nakikita ang ebidensiya tuwing may pagsama ng
panahon kung saan nagngangalit ang Manila Bay at isinusuka lahat ang mga basurang itinapon ng mga
walang disiplina. Noong nakaraang linggo, marami na namang basura ang iniluwa ng dagat sa Roxas
Blvd. Sari-saring basura ang binuhat ng alon at tinambak sa baybayin ng Manila Bay. Iba’t ibang basura
ang nakita at karamihan doon ay mga plastic --- plastic shopping bags, sachet ng kape, shampoo, noodles,
candies, plastic bottle at marami pang basura na hindi natutunaw.
Worst polluter talaga ang Pilipinas sapagkat walang political will ang mga pinuno para suwetuhin ang
mamamayan sa pagtatapon ng basura. May batas laban sa pagkakalat ng basura pero hindi naipatutupad.
Ningas kugon ang mga local officials sa pagpapatupad na huwag magtapon ng basura. Maski ang mga
nakasakay sa dyipni o maski sa pribadong sasakyan ay walang patumangga kung magtapon ng kanilang
basura sa kalsada --- balot ng hamburger, upos ng sigarilyo, balat ng chewing gum at iba pa. Ginawang
basurahan ang mga kalsada ng Metro Manila.
Nararapat magkaroon ng “kamay na bakal” sa mga nagtatapon ng basura. Kung hindi magiging matigas,
hindi kailanman matatapos ang problema sa basura. Kailangang dumapo ang “kamay na bakal” sa mga
taong walang disiplina sa pagtatapon ng basura at maging ang mga polluter.
Pagkritik sa Artikulong Editoryal

Ayon sa artikulong editoryal, ang Pilipinas ay isang hinahangan at isa sa mga kilalang bansa
dahil sa aking ganda ng mga karagatan nito, ngunit isa din ang Pilipinas sa binansagang worst polluter
ng karagatan. Patunay dito ang tambak-tambak na basurang makikita sa mga dalampasigan sa ilog
man o dagat. Isa ang Manila Bay na sa unang tingin ay di mo aakalaing isang anyong tubig kundi
tambakan ng basura. May mga batas na nag hihigpit sa mga tao sa pagtatapon ng basura, ngunit hindi
ito nabibigyang pansin at atensyon ng mga mambabatas. Ayon sa may akda nararapat na gumamit ng
kamay na bakal ang mga opisyal upang magtanda ang mga taong nagtatapon ng basura.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon na nag labas ng artikulo tinatalakay dito ang walang displinang
pagtatapon ng basura ng Pilipino kung saan-saan lalo’t higit sa mga karagatan. Sumasang-ayon ako sa
mga turan ng may akda, sapagkat ang walang bahalang pagtatapon ng basura ay pag walang respeto sa
ating kalikasan kaya’t ang mga nararanasan nating mga kalamidad ay hindi dapat isisi sa pagkakataon
kundi sa mga taong hindi kayang kontrolin ang sarili. Marami ngang batas na nagpoprotekta sa ating
kalikasan ngunit hindi ito nabibigayang halaga dahil mas pinagtutuunan ng pansin ay ibang bagay na
sa tingin nila ay mas mahalaga, hindi ako sumasang-ayon sa pahayag na ito dahil may mga ahensya na
nakatalaga upang pangalagaan ang ating kalikasan kaya’t hindi na ito kasalanan ng mga opisyal ang
dapat sisishin dito ay ang mga mamamayan mismo sapagkat hindi nila kayang disiplinahin ang
kanilang sarili na magtapon ng basura sa tamang lalagyan. Maraming nagkalat na basurahan sa paligid
ngunit tila mas marami ang nakakalat na basurang hindi nakalagay sa basurahan. Hindi rin ako sang-
ayon sa “Kamay na Bakal” pamumuno sa mga tao, dahil sa kasalukuyang administrasyon itinuturing
na may kamay na bakal ang pangulo ngunit anong nangyayari? Walang pagbabago hinggil sa isyu ng
basura o pagkakalat ng basura. Ang kinakailangan na solusyon ay mula sa sarili o simulan sa bahay
ang pagdidisiplina.

Ang Pilipinas ay ang ating tahanan at lugar na ating sinilangan huwag sana nating pabayaan
ang regalong ito ng Maykapal. Inihanda Niya ito para sa atin, sa ating kaligtasan at hindi kasamaan
kaya’t ating ingatan dahil nagiisa lamang ito.

You might also like