You are on page 1of 3

Wala ka bang napapansin, sa iyong mga kapaligiran. Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.


Ang mga linyang ito ay nagmula sa awiting "Handog" ng in at babasahin ito ng mabuti, mapapansin
natin na ito ay may mensaheng hatid sa atin. Nagiging madumi na ang hangin, bakit? Nagiging madumi
na din ang tubig, bakit? Dahil sa atin. Ano ang ginagawa natin? Panay ang pagtatapon ng basura.

Kahit saan tayo magpunta, makikita natin na ang isa sa mga pangunahing problema ng ating pamayanan
ay ang pagdami ng basura sa kapaligiran. Dahil sa pagdami ng basura, marahil ay hindi na natin alam ang
gagawin upang mabawasan ito. Ang iba sa atin, nagtatapon ng basura sa dagat na maaaring maging
sanhi ng pagdumi ng tubig, pagkalason ng mga isda at maging ang pagbaha.

Aminado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na humaharap ang Pilipinas
ngayon sa problema sa mga basura.

Ayon sa datos ng ahensiya, sa isang araw lamang nasa 2,000 trak na may capacity load na 20 tonelada
ang nahahakot sa buong bansa. Ang 450 dito, nahahakot sa Metro Manila.

Sa tantiya nila, humigit kumulang 40,000 tonelada ng basura ang nakokolekta sa bansa sa isang buong
araw lamang.

Madaming maidudulot ang basura. Isa na rito ang pagkakalason ng mga isda at iba pang nabubuhay sa
dagat. Ito rin ay nagiging sanhi ng maduming kapaligiran, maduming hangin na magiging dahilan ng
pagkakasakit ng mga tao at hayop.

. Pagmasdan natin ang ating kapaligiran. Ang dating magandang tanawin at sariwang hangin ay unti-unti
nang naglalaho dahil sa mga basurang kabundok at nakatambak na ating iniiwan at pinababayaan
lamang sa kalsada o sa mga bakanteng lote. Pilipino nga naman, mga Pilipinong gusto ng pagbabago sa
ating minamahal na bansa ngunit simpleng pagtatapon ng balat ng kendi ay hindi magawa- gawa. Kaya
di na rin ako magugulat kung bakit pangatlo ang Pilipinas sa nag-aambag ng basura sa buong mundo
kasunod ng Indonesia at China. Ito na yata ang isa sa mga nakakabahalang isyu dito sa Pilipinas.

Bakit nga ba sobrang dali nalang sa mga Pilipino ang magtapon ng basura sa mga kanal, ilog, dagat, at sa
kung saan pa? Unang sanhi ay ang kakulangan sa edukasyon. Ayon sa mga pagg aaral ang Pilipinas ay
maraming problema sa pagpapaaral sa mga kabataan ngayon bunga na rin ng kakulangan sa mga guro
na siyang tumutulong sa mga kabataan upang maging edukado at syempre ang kakulangan ng mga silid
aralan kung saan nag-aaral ang mga kabataan.

Isang sanhi rin ang kakulangan sa implementasyon ng ng mga batas at alituntunin ukol sa basura.
Walang maayos na tapunan na nakatalaga sa mga kalsada, walang maayos na sistema ng waste
management at unti-unti nang napupuno ang mga imbakan ng basura.

Ayon sa mga eksperto, isa ring sanhi ng pagdami ng basura sa Pilipinas ay ang pag dami ng populasyon,
mas madaming tao mas madaming basura ang mai kakalat. Sa paglipas ng mga taon, kasabay na
lumolobo ng populasyon ang basura. Dahil lumalaki ang populasyon, dumarami ang pangangailangan ng
tao. Isang napakalaking hamon ang iniiwan nito sa ating pamahalaan, partikular na sa mga lokal na
pamahalaan, kung paano mapangangasiwaan ang pamamahala sa solid waste.

Ang basura rin ay isang malaking factor sa pagbabago ng ating klima o climate change. Nang dahil sa
isang balat ng kendi maaari ng mangyari lahat ng nakakakilabot na epekto.

Ngunit hindi pa huli ang lahat sapagkat may mga solusyon pa upang tayo ay makatulong at hindi na
mapalala ang kalagayan ng ating kapaligiran. Isa na dito ang pagamit ng 3R – Reduce, Reuse at Recycle.
Imbes na gumamit ng plastic bags ay reusable bags na lang ang ating gamitin at imbis na gumamut ng
plastiks ay ugaliing gumamamit ng papel o anumang kagamitan maliban sa plastik.

Ang mga nabubulok na basura ay gawin na lamang pampataba sa lupa kaysa itapon na lang. At maari
ring nating pakinabangan ang mga plastik na hindi ginagamit, gaya nalamang ng bote ng coke ito ay
magagamit sa paggawa ng parol at dekorasyon sa ating tahanan.

Mainam rin ang pagtangkilik sa mga recycled items. Sa pamamagitan ng mga simpleng gawaing ito,
nakatipid na tayo, nakapag-ambag na rin tayo sa kabuhayan ng ating mga malilikhaing kababayan,
nakatulong pa tayo sa kapaligiran.

Ang ating kapaligiran ay nangangailangan ng tamang attensyon at pag aalag. Itoy kailangan nating
ingatan sapagkat ang inang kalikasan ang nagbibigay saating ng ating mga pangangailangan at ito'y
regalo ng ati g Diyos na dapat natin alagaan. Ang kalikasan pag pinabayaan ay maaring magsanhi ng
kapahamakan na maari nating ikamatay.

You might also like