You are on page 1of 3

"BASURA"

PROBLEMA- Boung mundo ay namumroblema sa plastic na basura. bawat


baybaying dagat ng mga bansa ay may mga inaanod na plastic hindi lamang
Manila Bay ang namumulaklak sa mga basurang plastic kundi marami pa kung
tutuusin, baka mas malala pa ang basura sa ibang bansa.

Basura ang pangunahing dahilan kaya nagbabaha sa Metro Manila. matagal nang
problema ito Ilang dekada na ang nakalilipas subalit baha pa rin ang problema
dahil sa basura. marami pa rin ang hindi natututo at walang disiplinasa
pagtatapon ng basura sa estero, kanal at mga ilog wala pa rin silang kadala-dala at
walang malasakit sa kapaligiran. Ang mga basurang itinambak sa mga ilog ay
iluluwa sa dapat at ibabalik naman ito ng dagat mismo sa mga dalampasigan.
totoo ang kasibang "Kung ano ang itapon mo babalik din sayo"

Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng paglilinis sa Estero de Magdalena ang


Metro Manila Development Authority (MMDA). Nagtulung-tulong para alisin ang
napakaraming basurang plastic. Isinagawa ang paglilinis nakaraang mag viral sa
social media ang estero. dahil sa dami o kapal ng basura, maari nang maglakad sa
ibabaw niyon na hindi malulubog.

Ngayon ay malinis na estero pero maaaring bukas o sa mga susunod na araw,


tambak na naman sa dati sapagkat walang disiplina ang mga nakatira.

Nararapat makaisip ng solusyon ang MMD at ang DENR kong paano madidisiplina
ang mamamayan at mag kakaroon ng takot na huwag magtapon ng basura sa
waterways. dapat kamay na asero ang gamitin para wala nang magtatapon ng
basura na nagdudulot ng pagbaha kung hindi maghihigpit, walang katapusan ang
problema patupad ang pagliligpit o pag-alis sa mga informal settlers. Bakuran ang
mga gilid at pampang ng Estero o ilog para hindi makabalik ang informal settlers
na numero unong nagtatapon ng basura.

SOLUSYON- Ang lipunan natin ay isa sa mga mahalagang kailangan sa ating


pamumuhay pero sobrang daming problema ang hinaharap nito, isa na dito ang
mga taong walang disiplina na nagtatapon nga basura kung saan-saan lang.

Upang maiwasan ang mga problemang sanhi ng basura, dapat tayong gumawa ng
solusyon o paraan upang maalagaan ng mabuti ang ating lipunan o mundo.

Matuto pangalagaan at pahalagahan ang paligiran paghiwalayin ang mga


nabubulok at hindi nabubulok na basura. Mag recyle ng mga bote Gamitin ang
mga bote taniman ng halaman Matutong mag compost ng Food Scraps.

OPINYON- Maraming Pilipino ngayon ang walang disiplina sa pagtatapon ng


kanilang basura. Hindi na nakapagtataka kung dumating ang panahon na pawang
basura ang makikita sa kalsada, simbahan, parke at iba pang lugar. At nakakahiya
na mga dayuhan pa ang nagmamalasakit at nagpapamukha sa mga walang
disiplina na huwag tapon dito,tapon doon ng basura.

Taon-taon sa pista ng Nazareno, lagi nang ipinaaalala sa mga deboto na huwag


iiwan ang kanilang basura. itapon nang maayos ang basura sapagkat may mga
basurahan naman sa paligid. kung walang makitang basurahan, magdala ng
sariling plastic bag na lalagyan ng basura at iuwi sa bahay. Wala pa ring disiplina
ang mga sumama sa Traslacion. kahit na ilang ulit nang pinapaalala na huwag
magtapon ng basura, ginagawa pa rin at marahil sa susunod pang mga Traslacion,
ganito pa rin ang kanilang gagawin.

Sana, magkaroon naman ng Traslacion na walang maiiwang basura ang mga


deboto. kung gaano sana kawagas ang pananampalataya sa Poon, ganun din sana
kadisiplina sa pagtatapon ng basura.

KONKLUSYON- Ang pagtapon ng basura'y iwasan . Sa halip ay gawin natin itong


dahilan upang tayo ay magkaroon ng disiplina hindi man lang sa ating sarili
maging sa ating kapaligiran. Ang wastong pagtapon nito sa tamang lagayan ay isa
ng malaking kalutasan. Maraming paraan ang dapat gawin upang masulosyonan
ang problemang ito. Ang reduce, reuse at recycle ay malaking tulong satin upang
makatulong sa problema sa basura.

You might also like