You are on page 1of 3

Ville St.

John Academy
Maharlika Ave., Phase V, Marcelo Green Village, P’que City, 1700

FIlIpIno
103
Handang talumpati

Isinumite ni: Ma. Sophia P. Pobocan


Isinumite kay: G. John Peter G. Marcoleta

Ikalabindalawang baitang
Ika-14 ng Oktubre 2019

“Maganda Ako”
Magandang umaga sa iyo Ginoong John Peter at sa aking kapwa mag-aaral.
Ang talumpating inihanda ko ay pinamagatang “Maganda Ako” at sana lahat kayo ay
makinig sa aking sasabihin.

“Buti pa sya makinis at maputi…”

“Sana all matalinong tunay…”

“Hayyy sana kasing galing at yaman nya ako.”

“Sana ganon din ako…”

Ilan lamang to sa mga pumapasok sa isipan ko sa araw-araw. Naiisip ko na sana


meron din ako ng kung anong meron yung iba. May sarisarili tayong mga insekyuridad
sa ating katawan dahil sa konsepto ng kagandahan ng ating mundo. Tinuruan tayo na
ang maganda lang ay iyong mga makikinis, mga mayayaman, mga mapuputi at ang
mga gwapo ay yung batak ang katawan, may matangos na ilong at mapupulang labi.
Ngunit, itong konsepto na ito ay nakakasakal. Ito ang sumisira sa pagibig at kumpyansa
natin sa ating sarili. Tingin niyo ilang tao na kaya ang nawasak at napaiyak ng konsepto
na ito ng mundo? Isa na ako dun. Hindi dapat binabase sa panglabas na anyo ang
kagandahan ng isang tao dahil ang totoo wala naming ginawang panget ang Diyos.
Kung hindi lang idinikta ng lipunan kung sino lang ang maganda siguro ay walang mag-
isa ngayon dahil sakanyang itsura. Sana ngayon ay walang nasasaktan dahil sa
pakiramdam niyang bukod tangi siya dahil pangit siya. Kung maiisip natin ang pagiging
“panget” dahil sa konseptong ganito ay nagsimula din ng maraming hindi patas na
pagtatrato sa lipunan. Madaming kasamaan sa mundo na mula sa ugat na ito. Maitim
ka? Ano naman yung iba nga gusto magpaitim. May tigyawat? Normal lang na tugon ng
katawan yan. Hindi ka makinis? Okay lang. Hindi mapula labi mo? At least may labi.
Pango ka? Mas makakahinga ka. Kung tutuusin bakit kailangan pang maging
“maganda” kung balang araw ay maglalaho din ito. Bakit hindi sa kalinisan ng puso at
kabutihan ng isang tao ibase ang kung gaano ka kaganda kasi ito panigurado
habangbuhay mo itong madadala? Siguro mas sasaya ang mga tao mundo at mas
magtutuon ng pansin ang mga tao sa tamang gawa kaysa sa mga produktong
pampaganda. Kaya kung isa sainyo ang tingin ay hindi kayo pasok sa pamantayan ng
mundong ito, maniwala kayo na maganda at gwapo din kayo kung ang puso niyo ay
totoo at mabuti sa lahat ng tao. Bawat isa sa atin ay ginawa ng Diyos ng dahan dahan
at binuo ng may pagiingat. At para sa mga taong mapanghusga at mapanglait, sana ay
alam niyo na hindi niyo ikinakaganda o ikinakagwapo ang panghuhusga at panglalait sa
ibang tao dahil ang totoo iyong mga naghahanap ng malalait sa isang tao ay iyong may
mas malaking puwang sa puso na kahit anong ganda o gwapo niyo ay hindi mapupuna.
Huli sa lahat, tandaan nating lahat na mahalaga ang pagmamahal natin sa ating sarili
dahil kung paano mo nakikita ang sarili mo ay siyang kung paano ka makikita ng ibang
tao. Yun lamang. Maraming salamat sa pakikinig.

You might also like