You are on page 1of 1

AKO

Ako pala ang inyong bagong kaibigan


Na kung saan ay ngayon nyo lamang Nakita
Sa kadahilanang ako’y liban
Dahil sa kabagalan ng aking sinakyan

Pero! Ako’y nasa inyong harapan


Ako’y pumasok ng alas nyube ng umaga, kanina
Upang iparating sa inyo na
Ang good morning ni idol ang solusyon sa aking katamaran

Ako pala yung tipo ng tao


Na tahimik at walang kibo.
Ako man ay mataray kung iyong tingnan
Totoo yan at tingnan niyo ako at kayo’y mahuhusgahan

Ako ay tahimik na makulit,


Mabait at mapagmahal.
Pero ako ay iyakin at sensitibo sa aking mga minamahal
Datapwat sila ang kayamanan at hinding hindi ko ipagpapalit

Kahinaan ko ang walang good morning ni idolo uwu


Biro lang at ako’y talo basta ang paksa ay si idolo
Ako ay walang tiwala sa aking sarili, mahiyain
At nagpupuna sa ganang akin

Ang kalakasan ay ang aking pagiging organisado,


Mabait, at pagiging matiyaga
Ako po si (name), at (surname) ang aking apelyido
Naniniwala sa kasabihan na
Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga

You might also like