You are on page 1of 9

Talumpating nanghihikayat ng tao

Mga kagalang-galang na opisyal, mga giliw kong tagapakinig at ilang taong


naririto, isang magandang araw po sa inyong lahat.

Isang karangalan para sa akin ang pagpaunlakan ninyo ako, bilang Direktor ng
A.T.C, International Association in Tea and Coffee Industry, upang mailunsad at ipakita
sa publiko ang isa sa pinakabago naming produkto.

Ano nga ba ang tsaa?..Ang tsaa ay isang uri ng inuming maaaring


magpaginhawa ng ating pakiramdam. Sa pag-inom ng tsaa nababawasan
ang pangamba natin ng cancer dahil sa anti-oxidant na merong ito. Ang anti-oxidant na
ito ay nakakatulong upang mapabagal ang pagtugbo ng ugat ng cancer. Maaring
makatulong rin ito sa paglaban natin sa nakakapahamak na liwanag na galing sa araw
o ang itinuturing natin na UV rays. Sa panahon ngayon, naoobserbahan natin ang
pagbabago sa bawat araw. Kasabay nun ay ang pagkalat ng maraming sakit dahil sa
mahinang proteksyon ng ating katawan.

Ang tsaa ay isa rin sa mga herbal products na maituturing natin. Sa bawat
ratsada na nagyayari sa bawat oras, marami-rami sa atin ang napapagod o puyat sa
pagtatrabaho. Isa sa mga pinaka-mainam na solusyon dito ay ang pag-inom ng tsaa.
Dagdag pa dito, ito ay may kakayahang mapabilis ang ating pagdumi. Gaya mg fibers
na makukuha natin sa mga gulay, kaya nitong alisin ang ilang kemikal na napaploob sa
ating mga bituka na siyang maaring magdulot ng sakit sa atin.

Sa panahon ngayon, marami nang sakit ang nagkalat, maraming namamatay sa


bawat segundo hindi dahil sa mga kaguluhan kundi dahil sa walang lunas na sakit.
Ayon sa aming pagsasaliksik na nakalap, sa sampung taong aming kinuhanan ng
aming test ay sa apat na taong umiinom ng tsaa ay napag-alaman naming malakas ang
kanyang immune system laban sa mga sakit hindi gaya ng anim na natitira na hindi
umiinom ng tsaa. Ang anim na taong iyon ay hindi nakaligtas sa sakit. At mula dito
napatunayan namin na ang tsaa ay katangi-tangi ngang talaga. Pinapalakas nito ang
ating resistensya laban sa mga microbyo at bakteryang maaaring magdulot ng sakit sa
atin.

Aking hinihikayat ang lahat na sana’y tangkilikin itong produktong ito dahil batid
ko ang kaseguraduhan at proteksyon para sa inyo. Muli ako’y nagpapasalamat sa
inyong pakikinig, at pagdalo.

Maraming salamat po.

http://licoris-speeches.blogspot.com/2010/12/talumpating-nanghihikayat-ng-
tao_7411.html
Talumpati ng Nanalong Sk Chairman:
Magandang umaga po sa ating lahat at Pagbati ng kapayapaan at kagalakan
mula sa kaibuturan ng aking puso kasama ng aking mga kagawad na kapwa ko
kandidato. Una po muna sa lahat nais ko na pasalamatan ang lahat ng mga kabataan
na ngayon ay naririto upang kami’y makilala. Maraming salamat po. Salamat din sa may
kapal sa pag bibigay ng napakahalagang araw na ito sa atin. Pinasasalamatan ko rin
ang aking mga kaibigan at mga magulang at lahat ng mga taong sumusuporta sa akin
maraming maraming salamat. Nais ko ring irecognize ang lahat ng mga kapwa ko
kandidato mula sa Sangguniang barangay at sangguniang kabataan. Ang mga
representante mula sa DILG salamat po sa pag dalo. Nais ko ring pasalamatan ang
lahat ng mga magulang na naririto salamat po sa inyong lahat.
Mga kapatid kong kabataan, ang pagiging kabataan ang simula ng pagkahubog
ng mga taong may pangarap na makapaglingkod sa kapwa. Kaya’t piliin ninyo sana ang
may kakayahan at abilidad na kayo’y pamunuan at maging matalino po sa pagpili ng
mga mamumuno sa ating mga kabataan. Ang namumuno ay dapat makinig sa mga
hinaing ng bawat kabataang kanyang pinangakuangpaglilingkuran.kaya’t Ako ngayon
ay nakatayo sa inyong harapan upang ako’y inyong lalo pang makilala. Ako ay
tumatakbong Sk Chairman upang kayo’y paglingkuran ng taos-puso, bukal sa aking
kalooban. Nais ko lamang na ang lahat ng mga kabataan dito sa ating baranggay ay
mahubog sa tamang landas at malayo sa mga hindi kanais-nais na gawain. Bago ako
pumasok sa pulitika inihanda ko na ang aking sarili, laban sa mga hindi kanais-nais na
mga puna at salita. Nang magsimula na ang aking pagkandidato, nagsimula na rin ang
aking inaasahan ang kabi-kabilang batikos na laban sa akin. Oo normal lang ito sa
pulitika. Ngunit kung akala nila madali akong mapanghinaan ng loob, Yun ang malaking
pagkakamali nila, dahil mas lalo kung hinangad na kayo’y paglingkuran. Nais kong ang
mga kabataan ay mamulat sa iba’t ibang larangan tulad ng SPORTS, LIVELIHOOD
PROGRAMS at iba pa. Sinbi ni gat Jose Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Ibig sabihin dapat mahubog sa tamang landas ang kabataan. Ang pag-asa ng bayan ay
nasasaating mga kamay na ngayon.Iyan ang pangunahin at p inakamahalagang papel
nating mga kabataan. Kaya’t ang mga kabataan ay dapat pakinggan dahil tayo ang mag
aangat ng ating bayan. Aking hinihingi ang inyong buong suporta at ako’y inyong
pagkatiwalaan at sa tiwalang ito, ating babalangkasin ang bagong pag-asa at hinaharap
ng ating minamahal na baranggay. Inyong panghawakan ang aking katapatan upang
kayong kapwa ko kabataan at aking kabaranggay ay aking lubos na mapaglingkuran.
Muli po huwag na huwag ninyong kalilimutan sa darating na pagpili ng mga mamumuno
sa inyong mga kabataan MICHAEL VINCENT “IKING” RONQUILLO para SK chairman.
Maraming salamat po, Mabuhay kayong lahat….
http://batangbagtu.wordpress.com/2007/11/09/t/

Ako
Florante Laceda Perdiz
  Dalawampu’t isang taon ang nakaraan, isang batang lalaki ang isinilang.
Binasbasan ito sa pangalang Florante Laceda Perdiz ng kanyang mga magulang.
Inaruga ng buong sigla at puno ng pagmamahal.

  Noong ako’y bata pa hindi pa alintana ang pagkagat ng dilim o di kaya’y maglinis
ng bahay o anu pa man. Walang tanging nasa isip kundi ang paglalaro lamang sa
bakuran kasama ang mga mumunting kaibigan.

  Hanggang sa ako’y tumuntong ng aking pag-aaral at unti unting nagbago ang


pag-iisip at pananaw sa buhay. Natutu akong magkaroon ng pokus lalo na sa pag-aaral.
Naging mas responsible at nagkakaroon na ng kamulatan sa mundo. Sumidhi bigla sa
aking isipan kung ano nga ba ako at para saan nga ang buhay na ginagawa ko ditto sa
mundo. Nang lumaon ay unti unti namang nagkaroon ng kaliwanagan ang aking mga
katanungan sa isip. Dahil ito sa aking pagbabasa at pagpapalawak ng isip.

  Noong ako’y magtapos ng elementary at tumuntong na ng unang taon sa


sekundarya naisip kng maging isang accountant dahil kinakitaan ko ang aking sarili na
magaling pagdating sa matematika. Ngunit ito’y salungat sa aking minimithing pangarap
noong ako’y musmus pa lamang, ang maging doctor. Ito’y hinayaan ko nalang sapagkat
baka bunga lamang ito ng matinding damdamin ng paghahangad dahil sa biglang
pagkakatuklas na magaling ako sa matematika.

   Ang mag-aral ng masters at ipagpatuloy pa ito sa “doctoral” para maging isang


doctor ng edukasyon ay di malayong marating. Mga inspirasyon ko sa buhay ng
nagbibigay daan para mas lalo kong paidtingin at pagbutihin ang aking mga ginagawa.

 Ang maipamahagi ang aking mga natutunan at mga napulot kong mumunting
aral sa mga estudyante ay sapat na para maisakatuparan ko ang aking kagustuhan sa
pagtuturo. Ang pagbibigay ng pag-asa sa mga batang nawawala ng landas. Ang
pagpapaliwanag at pagtuturo upang mas lalong magkaroon ng malawak at malalim na
pag-iisip ang akaing mga magiging estudyante sa hinaharap.

 Lahat ng bagay ditto sa mundo ay tanaw lamang lalo pa’t kung ito’y
paghuhusayan mo’t papakitaan mo ng galing. Hindi alintana ang hirap o pagod o
kawalan ng pera sapagkat lahat ay nasosolusyunan. Magsikap at magsipag upang
lahat n gating mga pangarap sa buhay ay marating at walang pagsisisi sa huli na
sasabihin sa sarili sana dapat nagsikap ako noong kabataan pa.

 http://twoen.webs.com/talumpatingpansarli.htm

Katangiang pinoy
By: Lovelee M. Maquilang
Ikaw, ako tayo ay mga Pilipino.  Sa ating puso't isipan tayo'y may dugong
Pilipino.  Tayo'y nabubuhay sa bansang arkipelago na puno ng kasaysayan bilang mga
Pilipino.  Ang kasaysayan ng ating bansa ay isang mahalagang ugat ng buhay ng mga
Pilipino.  Sa ating kasaysayan masasalamin ang pagiging palaban, matatag,
pagkakaisa, pananalig at ang hindi pagsuko sa anumang laban ng nakaraan hanggang
sa kasalukuyan.  Likas sa ating mga Pilipino ang ganitong katangian kaya bawat unos
na dumating sa ating mga buhay ay kaya at handa nating harapin.  Ikaw bilang may
dugong Pilipino nanatili ba sayo ang katangiang ito?

 Tayong mga Pilipino’y nagkakaisa pagdating sa mga unos na dumadating sa


ating bansa.  Bawat Pilipino’y handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya para
lang mailigtas ang kapwa Pilipino.  Pagdating sa mga kalamidad, katulad ng bagyo, ang
mga Pilipino ay bukas palad sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng pamamahagi ng
relief goods at bigas.  Sa maliit na bagay na ito ay may malaking tulong na kapalit ng
mga ngiti sa kanilang mga labi.  Ang mga Pilipino’y hindi nawawalan ng pag-asa dahil
tayo’y nanalig sa Poong Maykapal na lagi tayong gagabayan.  Umaasang sa
pagkatapos ng kalamidad ay may maayos na bukas na haharapin.

  Maaaring ang ilan sa katangiang nabanggit ay hindi na makikita sa ilan sa ating


mga Pilipino ngayon dahil narin sa walang pagbabago na nangyayari sa ating bansa at
sa kahirapan na minsan ay tuluyan na nating sinusukuan.  Ngunit may pagkakataon na
nagagamit natin ang katangiang ito kung iisipin nating hindi lang tayo ang nahihirapan. 
Lahat ay nakakadanas nito.  Kung iisipin lang nating mga pagsubok lamang ito na hindi
ibibigay ng Dyos kung hindi natin kakayanin.  Isa ito sa mga nagbibigay ng kulay sa
ating buhay at sa mundong ibabaw.  Kung puro saya nalang ang nararanasan natin ay
hindi magiging pantay ang pagtingin natin sa buhay.  Isipin na lang natin na pagsubok
lamang ito at kaya natin itong lagpasan.

 Kung iyong susuriin, likas sa katangian ng dugong Pilipino ang pagiging


palaban, matatag, pagkakaisa, at pananalig sa Dyos.  Mula sa ating mga bayani na
ating naging inspirasyon sa buhay.  Kaya wag mong isipin na nag-iisa ka at hindi mo
kaya.  Nasa dugong Pilipino ang pagiging palaban, matatag, nagkakaisa, at may
pananalig sa Poong Maykapal.  Ito ay nananalaytay sa ating ugat at sa ating
pinagmulan.  Gamitin natin ito sa buhay bilang tunay na Pilipino.

http://twoen.webs.com/talumpatingpansarli.htm

“AKO BILANG PILIPINO”


Ni: Jerome A. Arquelola
        Masiyahin, mapagbigay, maparaan, at palaban, ilan lamang iyan sa mga
mabubuting katangian ko na nagpapatunay na ako’y isang tunay na Pilipino.  Lagi kong
hinahangad na mapasaya ang mga taong nakakasama ko palagi upang hindi ko
pagsisihan ang bawat araw na lumilipas.  Hindi ako mapalagay kapag may isang tao na
galit sa akin, ang nais ko’y lahat sila ay mahalin.  Bagamat ito’y isang mabuting
katangian kung minsan ito’y nagiging kahinaan.  Sapagkat dahil sa aking pagiging
sobrang masiyahin, hindi ko na iniintindi ang aking ginagawa na nagiging dahilan upang
makasakit ako ng kapwa ko Pilipino.

  Bilang isang normal na Pilipino, mayroon din akong hindi magandang katangian. 
Ilan sa mga ito ay pagkamadaldal, masungit, pala-asa, at higit sa lahat laging
ipinagpapabukas ang mga gawain.  Ang katangiang aking huling nabanggit ay ang
pinaka nag-uugnay sa akin sa mga kapwa ko Pilipino.  Sa katunayan, ginagawa ko ang
aking mga gawain kapag sa oras na ito’y pinaka-kailangan na o bago ang huling araw
ng pasahan.  Marami sa mga Pilipino ay ganito rin ang ginagawa kaya’t hindi
umuunlad.  Dahil kapag minadali ang isang Gawain ay hindi na ito ganoon kaepektibo
gaya ng isang gawain na pinaghandaan.

  Bagamat mayroon akong kahinaan sa kabila ng aking mga magagandang


katangian ang mga ito ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon at lakas ng loob upang
magpatuloy sa laban ng buhay.  Marahil ay wala ako sa sitwasyon ko ngayon kung
hindi ko tinaglay ang mga katangiang iyon.  Dahil ito ang naghubog sa akin para
maging isang tunay na Pilipino na kahit ano pa mang unos, kalamidad, o pagsubok ang
dumating sa buhay ay mananatiling nakatindig at lumalaban upang makamit ang
tagumpay.

  Samakatwid, ang pag-uugali ng isang tao ay malaki ang maitutulong upang


maging ganap ang kanyang pagkatao.  Ano man ang kanyang kahinaan o kalakasan ay
hindi magiging hadlang sa pagkamit ng tagumpay.  At bilang isang Pilipino isa ito sa
ipinagmamalaki ko.

http://twoen.webs.com/talumpatingpansarli.htm

Pilipino ka nga ba?


ni Christian Jacob P. Oldan
 Sa dami ng lahi dito sa mundo, hindi natin namamalayan kung sino nga ba
tayo? Saan ba tayong nabibilang pangkat? At higit sa lahat anu ba tayo dito sa mundo?
Pwede natin malaman ang katayuan natin dito sa mundo sa pamamagitan ng pagkilala
sa sarili ng bawat isa, at pag tanaw natin kung saan ba tayo nanggaling.  Ito lang
naman ang mga mahahalgang bagay na dapat nating tandaaan kung gusto natin
malaman kung sino nga ba tayo?

  Iba’t iba man ang identity natin, malalaman padin kung sinu ang tunay na Pilipino
sa pamamagitan ng pag-aaral sa kanyang buhay, o maari din naman sa obserbasyon
base sa kanyang nakaraan. 

  Subukan natin isipin, anu nga ba ang pinag kaiba ng Pilipino sa ibang mga lahi
dito sa mundo?

  Sa tanung na iyon, mabilis na papasok sa isapan natin ang mga bagay na


ginagawa natin noong mga bata pa tayo, at ang bagay na maalala natin ay ang “po at
opo” o ang salitang ginagamit natin sa paggalang sa matatanda.  Tayo lng ang merong
ganyan salita, na ginagamit natin sa pang araw-araw na pamumuhay natin, miski nga
mga matatanda gumagamit ng salitang yan, sa mga nakakataas sa kanila, para
maipakita ang  respeto sa tao.

  May katangian din tayo na kakaiba.  Isa pa dito ay kung paano tayo tumangap ng
bisita na kahit di inaasan ay tinatangap natin ng buong puso at may halong ngiti sa mga
labi, at ang pagsabi ng salitang “tuloy po kayo”.  Sa ganitong ganap, makikita natin ang
tamang pag tangap sa mga kapwa natin.  

Sadyang matulungin din ang mga Pilipino, sapagkat tayong mga Pilipino ay
tumutulong sa kapwa natin kahit na halos kapos na din tayo, at kung minsan pa nga ‘y
tayo pa mismo ang gumagawa ng paraan para makatulong lng sa kapwa natin.  Siguro
nga tayo nadin ang taong nag didilang anghel sa mga taong nangangailangan ng tulong
natin.  Sabagay sabe nga nila “sino-sinu pa ba ang magtutulungan, kundi tayo-tayo din
mga Pilipino.  Ito ang patunay sa buhay ng Pilipino kahit na may problema ay katulong
parin ang kapwa Pilipino.

  Diyan pa lang ay makikilala muna kung anu kaba sa mundo, kung nagtataglay ka
ng mga katangian ganyan, matuwa ka at magalak, sapagkat alam muna na Pilipino ka. 
Ito lang naman ang katangian ng Pilipino, ito lng din naman ang mga bagay na
maipagmamalaki sa ibang lahi. Ang katangian ng Pilipino ay siguradong angat at iba sa
ibang dayo.

http://twoen.webs.com/talumpatingpansarli.htm

  Ngiti ng Pinoy
ni Kate Osma
  Tayong mga Pinoy ay likas na masasayahin. Kapag masaya, nakangiti. Kapag
may problema, nakangiti. Kahit nawalan at nasira ang bahay dahil sa bagyo, nakangiti
pa rin, at dahil dito, hindi mo masasabi kaagad kung problemado ang isang tao o hindi
dahil sa pag-uugaling ito ng Pinoy.

          Nakakapagod na araw. Pagod dahil sa isang mahabang trabaho, pagod dahil sa
eskwela, at iba pa. Ganito kalala ang ginagawa nating trabaho makaraos lamang sa
hirap. Ngunit kahit ganoon, ito’y nawawala din agad dahil sa ating pag-ngiti.

          Pagkagaling sa trabaho nila ama’t ina’y napapawi ang kanilang pagod dahil sa
kanilang mga anak. Si kuya na nag-aalaga kay bunso at tinutulungan sa gawain sa
eskwela, si ate na naglilinis at nagluluto ng kakainin, at si bunso na siyang
nagpapapawi ng pagod nila ama’t ina dahil sa kanyang walang humpay na kwento.
Dahil sa nakikita nilang ito sa kanilang mga anak, sila’y napapangiti kahit na sobrang
sakit ng kanilang mga katawan.

          Katulad na lamang ng bagyong ‘Pedring’ na sumalanta kalakhang Maynila noong


Setyembre 28, 2011. Isa sa madalas na sinasalanta ng bagyo ay ang Marikina dahil sa
pag-angat ng tubig. Isa sa aking kamag-anak ang nakatira dito at ang dalawang-
palapag na bahay nila ay lumubog dahil sa tubig –baha. Tinanong ko siya kung anong
masasabe niya tungkol dito, ang sabi niya sa akin ay ‘ngiti’ sabay sabing, “Ano pa bang
magagawa ko? Wala naman kaming maaaring ibang lipatan kaya’t magtitiyaga nalang
kaming lumikas kapag malakas ang ulan. Tanggap na namin yon’ Kate..”

          Bakit nila agad mabilis na natatanggap ang mga ganitong bagay? Ang
pagkakalubog sa baha ng kanilang mga tahanan, kagamitan, at kung ano-ano pa?

          Wala nga naman silang magagawa. Ito lang ang namumukod tanging bahay na
kaya nila. Ito lang ang bahay na nais nilang tirhan dahil sa hindi nila kaya pang kumuha
ng isa pang bahay na malayo sa trahedya. Ngiti ang tanging sagot nila sa mga ganitong
problema.

          Samakatwid, kahit pa gaanong kalala ang problema nating mga Pinoy, mas
madalas na ipinag-papasa-Diyos nalang nila ito at nginingitian na lamang. Ngiting
nakaka-alis ng pagod, lungkot, problema, at ngiting gamit upang itago ang hirap, sakit
na kanilang nararanasan. Kaya’t kung ika’y may problema Pinoy, ngitian mo.

http://twoen.webs.com/talumpatingpansarli.htm

Ipinagmamalaki kita!

ni Cherish Jell Gatela


     Nakakita na ba kayo ng Snow?  Sabi nila, maganda raw ang klima sa ibang bansa
kaya maraming balik-bayan ang umuuwing maganda.  Dahil kaya may snow doon sa
kanila?  Di naman!  Sabi nga ng ate ko, “ewan ko lang kung hindi dumugo ilong niyo
dahil sa sobrang lamig kapag umuulan ng yelo.”  Bakit, nakakaganda rin naman
ang pagmamahal diba!  Kung gaano kainit ang klima sa Pilipinas, ganoon din kainit ang
pagmamahalan ng mga tao dito.  Lalo na kung sama-sama ang pamilya.  Kapag naman
bumubuhos ang ulan, ganon din karami ang buhos ng mga kaibigan na tutulong at
dadamay sa’yo kung kinakailangan.  Kaya nga ang ibang dayuhan mula sa mga
bansang malalamig ang klima ay nagbabakasyon na rin sa Pilipinas eh.  Hindi lang ang
klima ng bansa ang pinupunta nila kundi pati narin ang mainit na pagtanggap natin
tuwing may bisita.

     Isa pa sa ipinagmamalaki ko ay ang likas nating paggalang sa nakakatanda.  Dito


lang makikita ang pagmamano o paghalik sa kamay ng mga bata sa matanda.  Sabi ng
iba, baduy daw.  Oo nga! Kaya nga iba na ang version natin ng paggalang diba?  Sa
halip na magmano, kiss nalang, sabay sabi ng “I love you”.  Kung baduy parin,
magtimpla ka na lang ng nescafe.  Lagyan mo ng cinnamon sabay abot kay mama o
papa, “kuha mo!”

     Maging sa pananalita, may pag-galang pa rin.  Ang pagsagot ng “po at ‘opo”.  Sa


ngayon, sa mga bata na lang natin naririnig yan diba?  Kasi marami sa atin ngayon ang
trying hard mag-ingles e wala namang salitang Ingles na “po” at “opo”.   Pero okay
lang.      Ang nakahahawang ngiti ng kapwa ko Pilipino ang ipinagmamalaki ko pa! Kahit
binaha na’t lahat-lahat, makikita mong may mga ngiti parin at nakukuha pang tumawa.  
Napaka-positibo mag-isip.  Kahit kakikitaan na ng kawalan ng pag-asa’y nakukuha pang
ngumiti sa iba.  Kahit anong unos ang pagdaanan’y sa umpisa lang iiyakan.  Makalipas
ang ilang araw ay makikita mo nang nakikipagtawanan sa kapit-bahay.  Back to normal,
kumbaga.  Karaniwang sinasagot nila kapag may nangyaring hindi maganda, “may
magagawa ba ko kung iiyakan ko?”

     Para sa akin, dito na lamang ako mananatili.  Sapagkat dito hinabi ang ating
kaluluwa at pagkatao.  Ito ang bansang ibinigay sa atin ng Diyos.  Dito tayo nakatagpo
ng kaligayahan at kaligtasan.  Ang kakaibang klima, pagiging magalang at
nakakahawang ngiti ng mga Pilipino ang ipinagmamalaki ko sa bansang Pilipinas.  Oo
mahal ko ang sariling atin.  Hindi sa salita kundi sa gawa.  Marami mang nabago sa
ugali at kilos ng mga Pilipino ngayon, ito ay dahil sa hindi mapigilang pagsulong
ngbansa.  Ang pagsunod sa makabagong kaugalian ay hindi masama, ngunit dapat
nating pagyamanin ang isang kaugaliang tatak-Pilipino.  Laging itaas ang noo,
ipagmalaki ang lahi mo!

 http://twoen.webs.com/talumpatingpansarli.htm

Katangiang pinoy
Katrina o. gomez
 

Sa dami ng tao sa mundo hindi maaring wala tayong pagkakaiba


o pagkakakilanlan.  Bawat tao at mamamayan sa mundo ay may kanya kanyang
karakter o aydenti.  Tayong mga Pilipino isa sa pinaka kilala o sikat nating karakter na
maipagmamalaki natin sa ibang bansa at kahit saang panig ng mundo ay ang ating
pagiging palakaibigan, mapagbigay at ang ating magiliw na pagtanggap sa mga bisita.
Kapag may bisita at narinig mo and salitang “tuloy ka” kasabay ng pag- aalok ng
maiinom at mabuting pag intindi sa bisita, Pilipino Ka! Isa lamang ito sa mga pangyayari
na nagpapakita ng pagiging hospitable ng mga Pilipino.  Ang karakter na ito ay tumatak
na sa bawat Pilipino pati na rin sa iba pang mga dayuhan na pumupunta sa ating bansa
at dahil dito kaya maraming turista o dayuhan ang nananatiling pumunta sa ating bansa
dahil ito ay magandang pakikitungo ng mga Pilipino sa kanila. Kahit saang dako ng ka
tumingin madalas mong makikita ang mga taong nag-uusap at nagtatawanan kung
saan-saan, nagpapakita lamang na na palakaibigan ang mga Pilipino at bukod sa
pagiging palakaibigan di rin matatangi ang pagiging masayahin ng mga Pilipino. Sa
pagiging mapagbigay naman di rin maitatanggi na numero uno din and mga Pilipino
dito.  Para sa isang kaibigan kapag ito ay nangangailangan ng tulong hindi maaring
hindi natin ito tulungan lalo na’t kung kayo ay may pinagsamahan bukod dyan kung
tayo din ay may utang na loob sa taong ito.  Ngunit sa ibang pagkakataon dahil sa likas
na mapagbigay ang mga Pilipino meron man o walang naidulot na maganda, ang kung
sino mang taong nangangailangan ay talagang atin itong tutulungan.  Yan ang Pilipino!
Palakaibigan, mapagbigay, at ang magiliw na pagtanggap sa mga bisita ilan lamang sa
mga katangiang Pilipino na tumatak na sa puso at isip ng ibang tao maging kapwa
Pilipino man o dayuhan.  Ang mga katanging ito ay higit na mahalaga dahil sa
pamamagitan nito ating nalalaman ang aydentiti at pagkakakilanlan ng isang tao
particular na sa mga Pilipino.  Nagiging daan din dito para tayo ay makilala ng ibang
tao.  Dapat nating pangalagaan at ipagmalaki, di man kasing yaman at unlad ng iba
nananatili pa ring maipagmamalaki.  Yan ang Pilipino!

 http://twoen.webs.com/talumpatingpansarli.htm

You might also like