You are on page 1of 34

KALIGIRAN NG PAGBASA

ni: Jeffrey T. De Leon

Ang masakit na muka ng katotohanan ay hindi dahil hindi ka nya


kayang mahalin..kundi dahil mahal mo pa rin sya kahit alam
mong hindi nya kayang mahalin ka..
ang masakit na muka ng katotohanan ay hindi dahil sinasaktan
ka nya..
kundi dahil hinahayaan mo syang saktan ka..
ang masakit na muka ng katotohanan ay hindi dahil iniwan ka
nya..
kundi dahil hinihintay mo parin ang pag balik nya..
ang masakit na muka ng katotohanan ay hindi dahil hindi na sya
babalik..
kundi dahil patuloy kang umaasa kahit alam mong hindi na...
ang masakit na muka ng katotohanan ay hindi dahil hindi ka
mahal ng taong mahal mo..
kundi dahil hindi mo mabigyan ng sapat na pag mamahal ang
sarili mo..
ang masakit na katotohanan ay hindi ang katotohanan..
kung hindi ang patuloy mong pagtakbo sa mga bagay na alam
mong TOTOO..

May mga taong napadaan lang sa buhay natin,


tumigil sandali at umalis din agad.
Sa bawat stop over nila sa mga buhay natin may mga ala-ala
silang naiiwan sa puso natin.
Dumating na ba sa punto na nasabi mo sa sarili mo ang mga
katagang:
"sana di ko na lang sya nakilala"
o di kaya
"okay naman ang buhay ko noon bakit kailangang guluhin pa
nya?"
pwede ding
"sana makalimutan ko na agad sya"
Eto ang mga katagang nasasabi ng mga taong labis nasaktan
sa pag-alis ng isang importanteng tao sa mga buhay nila.
Kamakailan lamang ay sinabi ko din ang mga saktong kataga na
nabanggit sa taas..
Umiyak ako, nasaktan ako, nawalan ng amor sa buhay, sa
kadahilanang lumisan ang isa sa pinaka importanteng tao sa
buhay ko.
Sandali ko pa lamang sya nakikilala pero malaki na ang impact
nya sa akin kaya masakit..

Masakit ang wala sya.


Marahil lahat tayo ay dumaan na, dumadaan na o dadaan pa lamang
sa ganitong sitwasyon..
Parte siguro ng buhay na maiwan tayo.
Naisip ako ano bang mas pipiliin natin?
Yung Di na lang sya/sila nakilala, tipong strangers lang sila, wala tayo
pake sa kanila, wala tayong alam sa kanila, walang siya o walang sila
na nag eexist sa buhay natin?
o..
Nakilala natin sila, pinahalagahan natin sila, naging parte sila ng buhay
natin kaso sa huli nawala din sila?
Mahirap mamili lalo na't emotion natin ang nakasalang.
Karamihan siguro mas pipiliin yung nauna, na SANA kung may
pagkakataon lang, SANA di na lang sila nakilala para hindi nasasaktan
sa huli.
AKO? OO yung una din ang pinili ko...NOON.
Pero ngayon pasalamat na lang ako kasi nakilala ko sya,
sa laki ng mundo iilan lang maswerteng nagkakakila-kilala.
Swerte akong napadaan sya at sandaling nag stop over sa buhay ko

Naisip ko kailangan nya umalis kasi nagiging reason na sya ng traffic para sa
mga susunod pang dadaan. (isa syang malaking harang. joke. haha.)
Naniniwala ako sa cross roads.
Lugar kung saan makakasalubong ko ulit ang mga taong nag iba na ng
routine at di na sa dinadaanan ko dumadaan.
Malakas ang paniniwala kong makakasalubong ko ulit ang mga taong nawala
sa buhay ko sa ibang paraan at ibang pagkakataon sa buhay ko.
gusto ko bago dumating ang araw na yun, STRONGER na ako.
BETTER na ako at mas kaya ko na i-handle ang mga ganitong sitwasyon...
Habang ginagawa ko ang blog nato nasasaktan pa rin at kumikirot ang puso
ko kasi namimiss ko ang mga taong dahilan kung bakit ko ginagawa ang blog
na ito.
Pero sa kabilang banda ay nakangiti din ako dahil na-realize kong maaaring
ang dahilan ng kanilang paglisan ay para mag karoon ng space sa mga
darating pa lamang.

Kesa magmukmok sa pag kawala ng mga umalis na susubukan ko namang iprepare ang sarili ko sa mga darating pa lamang.

Ang pagbasa ay proseso ng pag aayos, pagkuha at pag


unawa ano mang uri at anyo ng impormasyon o ideya
na kinakatawan ng mga wika o simbolo na kailangang
tignan at tutukan upang maunawaan.
Ayon naman kay Villamin (1999), ang pagbasa ay susing
nagbubukas sa pinto ng kaalaman sa ibat ibang larangan
bukod sa itoy nagbibigay din ng kasiyahan.
Tinatawag itong psycholinguistic guessing game, ang sabi
naman ni Goodman (mula sa Badayos, 2008). Itoy
bumubuo ng panibagong kaisipan mula sa binasa.
May diin ito sa panghuhula, paghahaka, paghihinuha at
paggawa ng prediksyon sa binasa.

Para naman kina Grabe at Staller (2002 sa Nunan, 1999)


ang pagbasa ay isang kakayahang magbigay ng
kahulugan sa mga nakalimbag na pahina at mabigyan din
ito ng interpretasyon sa maayos na pamamaraan.
Bumuo naman ng elaborasyon si Coady (1979) mula sa
kaisipan ni Goodman sa pagbasa. Ayon sa kanya, para sa
lubusang pag unawa ng isang teksto, kailangan ang
dating kaalaman ng mambabasa ay maiugnay ang
kakayahang bumuo ng mga konsepto/ kaisipan at
kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong
masasalamin sa teksto.

ANG PISYOLOHIKAL AT
SIKOLOHIKAL NA
PROSESO NG
PAGBASA

Isang mental na proseso ng pagbibigay kahulugan at


interpretasyon ang pagbasa. Ang pisyolohikal at
sikolohikal na pagbasa ay tumutukoy sa proseso ng
pagbasa batay sa bilis ng paggalaw ng mga mata.

Pinakamahalagang bahagi ng katawan ang mata.


Nagsisilbi itong kamera na ang imahe o simbolo ay
kinukuhanan, matapos ay baybayin ng utak upang
kilalanin at bigyan ng kahulugan.

Sa proseso ng pagtutok sa simbolo o teksto ay


nagaganap ang saglit na pagtigil upang kilalanin at
unawain ang teksto.

MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBASA


a. Teoryang Bottom-Up
Naniniwala ang teoryang ito na ang pagbasa ay
ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na
simbolo upang maibigay ang katumbas nitong
tunog
Nagsisimula ang pagbasa sa yugto-yugtong
pagkilala ng mga titik sa salita, parirala,
pangungusap ng buong teksto bago pa man ang
pagpapakahulugan sa teksto.

Tinawag ito ni Smith (1983) na text-based, outsidein o data-driven sa dahilang ang impormasyon ay
hindi nagmula sa mambabasa kung hindi sa teksto

B. TEORYANG TOP-DOWN

Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit


ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) na
nakaimbak sa kanyang isipan mula sa kanyang
karanasan at pananaw sa paligid. Ito ay nagsisimula sa
mambabasa patungo sa teksto
Sa teoryang ito, ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan
ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang
magpapasimula ng pagkilala niya sa teksto. Kung wala
ito, hindi niya mabibigyang-kahulugan ang anumang
babasahin.
Tinatawag din itong reader-based, inside-out o
conceptually-driven sa dahilang ang kahulugan o
impormasyon ay nagmula sa mambabasa patungo sa
teksto.

Narito ang mga kasanayan sa pagbasa na ginagawa


sa klase. Tingnan at uriin kung paano ang
pagpoproseso rito ng mga mag-aaral ayon sa
dalawang paraan: Bottom-up o Top-down.
1. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasa
2. Pagsusunud-sunod ng mga pangyay
3. Pagbibigay ng hinuha o palagay
4. Pagtukoy sa sanhi at bunga
5. Pagbibigay ng wakas sa kuwento
6. Paglalarawan ng tauhan
7. Pagbibigay ng buod ng kuwento
8. Pagbibigay ng sanhi at bunga
9. Pagbibigay ng reaksyon sa binasa
10. Paggawa ng direksyon o mapa batay sa binasa

Narito ang mga kasanayan sa pagbasa na ginagawa sa klase.


Tingnan at uriin kung paano ang pagpoproseso rito ng mga
mag-aaral ayon sa dalawang paraan: Bottom-up o Top-down.
1. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasa BOTTOM UP
2. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari BOTTOM UP
3. Pagbibigay ng hinuha o palagay TOP DOWN
4. Pagtukoy sa sanhi at bunga BOTTOM UP
5. Pagbibigay ng wakas sa kuwento TOP DOWN
6. Paglalarawan ng tauhan TOP DOWN
7. Pagbibigay ng buod ng kuwento BOTTOM UP
8. Pagbibigay ng sanhi at bunga TOP DOWN
9. Pagbibigay ng reaksyon sa binasa TOP DOWN
10. Paggawa ng direksyon o mapa batay sa binasa BOTTOM UP

C. TEORYANG INTERAKTIB

Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa


wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang
isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman
sa wika at sariling konsepto. Dito nagaganap ang
interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.
Ayon dito, mas mainam na pagsamahin ang dalawang
teorya sa gawaing pagbasa dahil naniniwala sila na ang
komprehensyon sa pagbasa ay may dalawang
direksyon: ibaba-pataas at itaas-pababa.
Naniniwala ang teoryang ito na ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pagunawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang
kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan.
Gayundin naman, binibigyang-diin sa teoryang ito ang
paniniwalang ang pag-unawa ay isang proseso at hindi
isang produkto

Basahin ang talata. Tungkol saan kaya


ito? Paano mo nalaman?
Ang peryodiko ay mabuti kaysa
magasin. Ang dalampasigan ay mas
mabuting lugar kaysa daan. Sa simula
mabuti ang tumakbo kaysa maglakad.
Kailangan mo itong subukan nang ilang
ulit. Kailangan ang kasanayan pero madali
itong matutuhan.

TEORYANG ISKEMA
Iskema -ang tawag sa dating kaalaman ng
mambabasa.
Iskima Mahalaga ang dating kaalaman
Para maikumpara sa binabasa
Kung makitang mali ang unang alam, papalitan ng
panibago
Kailangan magdesisyon ang mambabasa kung
dapat dagdagan , bawasan o hindi ang kanyang
naunang kaalaman.

IKA NGA NI BOB ONG


Sa mga kabataang nanghihingi ng words of wisdom at laging
nag-aakalang meron ako sa bulsa, meron nga. Ito, hindi ko
ginagamit, inyo na lang:
Kumain ka ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa
bubog na nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs.
Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga
magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier
at hindi ka nila iisahan.
Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang
dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o
absent ang teacher. (Haay, sarap!)
Wag mawawalan ng gana sa buhay, kung ano yung galing mo,
kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban sa UAAP, NCAA,
mga sportsfest, o concert ng paborito mong banda, wag mong
iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang
konggresista na nagrereport sa trabaho para lamang matulog.

Wag magmamadali sa pag-aasawa.


Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap,
mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip
mong di pala tamang pumili ng kapareha
dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson
o magaling magbreak dance. Totoong mas
importante ang kalooban ng tao higit
anuman. Sa paglipas ng panahon, maging
ang mga crush ng bayan sa eskwelahan, e
magmumukha ring pandesal. Maniwala ka.

Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo


yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng
balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guiness
Book of World Records at maipagmamalaki ng
bansa natin, sige lang. Nosi balasi. Wag mong
pansinin ang mga sasabihin ng mga taong
susubok humarang sa iyo. Kung hindi nagsumikap
ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat
nakatira sa Jupiter ngayon. Pero hindi pa rin
naman talaga tayo nakatira sa ngayon sa Jupiter
dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist
noon. Kita mo yung moral lesson?

Kung gusto mo maging musikero, sige lang!


Pintor, ayos! Inihinyero, the best! Kung gusto mong
maging teacher, pilitin mong maging teacher na
hindi makakalimutan ng mga estudyante mo.
Kung gusto mong maging sapatero, maging
pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong
maging karpintero, maging pinakamagaling kang
karpinetro. Kung gusto mong maging tindero ka ng
balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay namin
para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong
masaktan!

Mangarap ka at abutin mo to. Wag mong sisihin ang


sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o
mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa yo mga
magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka,
magpakulay ka ng buhok sa kilikili. Sa bandang huli, ikaw
din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa
sarili.
Hindi ako naniniwalang kailangan ng taong
mangarap dahil gusto niya ng pera, o gusto niyang
sumikat, o gusto niya ng impluwensiya. Side effects na
lang ang mga to, tingin ko. Nangarap ang tao dahil
binigyan siya ng Diyos na kakayanang mangarap at
tumupad nito. At wala na siyang iba pang magagawang
mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang
tungkuling yon at hindi bumili ng libro ko.

Sa panghuli, higit sa lahat, magbasa ka ng libro.


Kung nabasa mo lahat ang mga libro ko, salamat. Pero
kung makakabasa ka pa ng ibang libro bukod sa isinulat
ko o mga ipinabili ng teacher mo, mas magaling. Hikayatin
mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa
man lang paborito mo sa buhay nila. Dahil wala nang
mas nakakaawa pa sa mga taong talentado pero hindi
nagbabasa. Ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad
at tumanda nang walang natutunan kung paano ka!
Pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na
nangangailangan ng sustansya. Maraming pagkakataong
kakailanganin mong sundutin yon. At sa bawat sundot,
tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapakipakinabang kang makukuha.
Sana mabasa ng mga kailangang makabasa.
-Stainless Longaniza ni Bob Ong

Mga Uri at Paraan ng


Pagbasa

MALAKAS/PABIGKAS NA PAGBASA
Ang malakas o pabigkas na pagbasa ay
karaniwang ginagawa sa harap ng mga tapakinig
gamit ang mata at tinig.
Layuning magbigay ng impormasyon, maglibang at
magbigay-aral sa mga tagapakinig.
Nagbibigay ng malinaw na kahulugan at
interpretasyon ang mensaheng ipinahahayag sa
binabasang teksto.
Nakatutulong para matutuhan ang tamang bigkas
at diin sa mga salita, parirala o pangungusap.

MATAHIMIK NA PAGBASA

Ang matahimik na pagbasa ay pansarili lamang.


Pinapagagana lamang ang mga mata habang
nagbabasa. Hangarin nito na magkaroon ng buong
konsentrasyon sa binabasa upang maunawaan ito
nang lubos.

Dalawang uri ng matahimik na pagbasa:


Pahapyaw na pagbasa
-may layuning makuha ang pagkalahatang ideya ng teksto
sa pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng mga mata.
-madaling matutunton ng mambabasa ang mga
pangunahing detalyeng kailangan niya sa maikling panahon.
-matutulungang makapili ng mga aklat at iba pang
sanggunian na magagamit.
Masusing pagbasa
-nangagailangan ng maraming kasanayan, matututuhan
ang mabilis ngunit mapanuring pagbasa at maingat na pagbasa
ng mga talata at pagtuklas ng mga kaugnayan ng bawat isang
talata sa kabuuan ng teksto.
-mahalaga sa lubos na pag-unawa sa nilalaman ng teksto.

IBAT IBANG PATERN NG PAGBASA


Iskaning
Iskiming
Previewing
Kaswal
Pagbasang Pang-impormasyon
Matiim na Pagbasa
Re-reading o Muling pagbasa
Pagtatala

ISKANING
Pagbasa nang mabilisan nang di gaanong binibigyangpansin ang mahahalagang salita.
Karaniwang ginagalugad lamang ang mga key words at
mga sub-titles.
Halimbawa: paghahanap sa classified ads ng
pahayagan ng trabaho, nakapasa sa Board Exam at
ang mga headliners.

ISKIMING
Ito ay pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha
ang pangkalahatang ideya o impresyon.
Maaari ring gamitin ito sa pagpili ng mga materyal na
babasahin.
Ito rin ay pagtingin o paghahanap sa mahahalagang
impormasyon na maaaring magamit sa term papers o
mga pananaliksik.

PREVIEWING

Hindi agad nakatuon ang pansin sa nilalaman ng


akdang babasahin. Bagkus sinusuri muna sa uring ito
ang kalahatang kaanyuan ng akda. May ibat ibang lebel
ang previewing:
a. Pagtingin sa pamagat, heading at subheading na
karaniwang naka-italicized.
b. Pagbasa ng heading na nakasulat sa blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Kung may kasamang introduksyon o buod,
larawan, grap at tsart, ito ayy sinusuri.
e. Pagbasa sa table of contents/talaan ng nilalaman.

KASWAL

Ito ay pagbasa nang pansamantala. Magaan ang


pagbabasang ito tulad halimbawa habang may
hinihintay o pampalipas-oras.

PAGBASANG PANG-IMPORMASYON

Ang layunin ng pagbasang ito ay upang kumalap ng


mahahalagang impormasyon na magagamit sa pangaraw-araw na pangangailan tulad ng pag-alam sa
kalagayan ng ekonomiya, panahon o upang masagot
ang takdang-aralin.

RE-READING o MULING PAGBASA

Pag-uulit sa pagbasa kung ang binabasa ay mahirap


unawain bunga ng mg di pamilyar na talasalitaan o
nakalilitong pagkakabuo ng pahayag. Isinasagaw ang
muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa sa
kabuuang diwa ng materyal na binasa.

PAGTATALA

Ito ay pagbasang may kasamang pagtatala ng mga


mahahalagang kaisipang kailangan. Kasama rito ang
paggamit ng marker o highlighter upang mabigyang
pansin ang mga bahaging mahalaga sa binabasa.
Tandaan lamang na maaari lamang itong gawin kapag
sariling pag-aari ang aklat na mamarkahan.

You might also like