You are on page 1of 2

Repleksyon

Ang paaralan ay ang lugar kung saan dito hinuhulma ang mga mag-aaral

upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Paaralan ang nagsisilbing

pangalawang tahanan ng bawat mag-aaral at mga guro. Sa paaralan natin

nalalaman ang mga bagay na maari din nating magamit sa hinaharap. Isa rin

sa mga dahilan kung bakit hindi gaanong gustong mag-aaral ng mga mag-

aaral ay and kadahilanang hindi magandang pag-aralan ang silid aralan na

mayroon sila, kulang ang mga pasilidad at mga kagamitan sa pagtuturo.

Ang paaralan ng Plaridel National High School Kung saan ay aking

pinagsasanayan ng pagtuturo ay paaralan na sumasabay sa 21st Century

dahil ang bawat silid-aralan ay may sariling telebasyon na, na kung saan ito

ang ginagamit sa pagtuturo ng mga guro. Magandang paraan ito sapagkat

mas napapadali ang pagtuturo ng mga guro at maging ang mga mag-aaral

ay mas ginagahang mag-aral sapagkat bago ito sa kanila. Ang pasilidad rin

ng paaralang ito ay nakakasabay na sa makabagong henerasyon sapagkat

may mga bago silang tayo na mga gusali dahil ang paaralang ito ay may

Senior High School. Mas dumami ang bilang ng populasyon ng mga mag-

aaral dahil dito. Ngunit kulang parin ang mga kagamitan na mayroon sa

paaralang ito. Gaya ng sa klinik, ang mga gamot ay hindi kompleto at

making ang mga kagamitan para dito. Ang silid aklatan ay kulang sa mga

libro at masyadong masikip ang lugar para sa mga mag-aaral. And


kompyuter room ay kulang din ng mga kompyuter dahilan para hindi

gaanong ka. . . ang mga mag-aaral. Ngunit ganunpaman hindi hadlang ang

mga ito sapagkat ang mga guro dito ay magaling magturo dahilan upang

ang mga mag-aaral ay magaling din. Maraming mga mag-aaral ang may

mga talentong ipinagmamalaki ng paaralang ito.

Kagaya ng mga guro sa paaralang ito, gagawin kong inspirasyon sila upang

sa hinaharap ay magampanan ko ng tama ang propesyong aking napili.

Sisikapin kong walang anumang hadlang ang makapipigil sa aking pagtuturo

sa aking mga magiging mag-aaral sa hinaharap. Dahil alam kong walang

nianumang dahilan ang makapagpipigil sa isang gurong pursigidong magturo

sa kanyang mag-aaral dahil ang tanging nasa isip nya ay ang makapagbigay

aral sa mga mag-aaral. Hindi hadlang ang kakulangan ng pasilidad at

kagamitan ng paaralan upang hindi magturo at hindi magaral. Dahil kahit

saan at anumang oras ikaw ay makakapagturo kung iyong nanaisin, ikaw ay

matututo kung iyo ring gugustuhin.

You might also like