You are on page 1of 18

Portfolio ng mga

Akademikong Sulatin sa
Filipino
Mula sa pangkat nina:
Aileen Galang
Shiela Pardilla
Jerald Tayag
Jared Mark Fruelda
Khen Eiron Miranda
Panimula
Nilalaman ng portfolio na ito ang
koleksyon ng mga pang-akademikong sulatin
na aming nilikha mula sa asignaturang
Filipino. Ito ay nagsisilbing patunay na kami
ay gumagawa ng mga gawain at nagpakita ng
pagtitiyaga at pagkakaisa sa mga nagdaang
panahon maging na rin sa hinaharap.
Pagkilala
Ako, na si Jared Mark Fruelda, ang tagalikha ng
portfolio na ito, ay lubos na pinasasalamatan si
Jerald Tayag na nagbigay ng partisipasyon sa
paggawa ng portfolio na ito sa pamamagitan ng
pag-type sa aming mga nilikhang sulatin sa
dokumentong ito pati na rin sa aking mga ka-
pangkat na nagbigay ng pagsisikap na aming
likhain ang aming mga sulatin nang sama-sama.
Kung hindi dahil sa kanila ay hindi magiging
posible ang paglikha ng portfolio na ito.

Talaan ng Nilalaman
Kabanata 1: Ilang Sulating Naglalahad ng Nilalaman
Katitikan ng Pulong
Panukalang Proyekto
Posisyong Papel
-TBD-
Kabanata 2: Ilang Akademikong Sulatin na Naglalahad at Nangangatuwiran
Talumpati
Buod
Abstrak
Kabanata 3: Ilang Sulating Naglalahad at Nagsasalaysay
Lakbay sanaysay
Replektibong sanaysay
Piktoryal na sanaysay
Dokumentasyon
Bibliography
Unang Kabanata: Ilang Sulating
Naglalahad ng Nilalaman

Katitikan ng Pulong
Photo Version
Typewritten Version
Katitikang Pagpupulong ng Supreme Student Government ng Far
East College
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Pampanga
Bayan ng Magalang
KATITIKANG PAGPUPULONG NG SUPREME STUDENT GOVERNMENT NG FAR EAST
COLLEGE NA GINANAP SA SS OFFICE, FEC BUILDING, MAGALANG, PAMPANGA
NOONG IKA-13 NG HULYO, 2017
Mga dumalo:
Ngalan Posisyon
Jared Mark Fruelda -Presidente ng SSG
Jerald Tayag -Bise Presidente ng SSG
Aileen Galang -Secretary ng SSG
Sheila Pardilla -Treasurer ng SSG
Sir Khen Eiron Miranda -SSG Adviser
Mga hindi dumalo:
Wala

Ang pagpupulong ay itinatag ni Sir Khen Eiron Miranda sa ganap na


12:05 ng tanghali, at ito ay kanyang inumpisahan sap ag-uulat hinggil sa
kinakaharap na suliranin ng paaralan. Batay sa kanyang pahayag, maaaring hindi
matuloy ang gaganapin na Acquaintance party ng mga estudyante ng Far East
College sa Shanghai Palace sapagkat hindi pa sapat ang salaping nalikom ng
treasurer ng Supreme Student Government na si Sheila Pardilla.
Nagbigay ng pahayag ang treasurer ukol sa ginawang paglilikom.
Ayon sa kanya, lima nalang ang hindi pa nakakapgbayad ng bayarin sa mga
estudyanteng nasa ika-11 na baiting ngunit halos kalahati pa lang hindi
nakakapagbayad sa mga ika-12 baitang. Nagbigay muli ng pahayag si Sir Khen Eiron
Miranda na sa dami na iyon ng hindi pa nakakapagbayad ay malabong makapag-
down payment pa sila sa loob ng isang araw samantalang gaganapin na ang
nasabing kaganapan sa susunod na araw at marapat na kanselahin na lamang.
Matinding hindi sumang-ayon ang president ng Supreme Student
Government na si Jared Mark Fruelda ay naglahad ng opinyon base sa sinabi ni Sir
Khen Eiron Miranda. Batay sa kanya, ito ay malaking kabiguan at pagkadismaya
para sa mga estduyante ng paaralan dahil maaaring nakapagrenta na sila ng
kanilang susuutin at masasayang lamang ang mga perat oras na inilaan para dito.
Sumang-ayon ang bise presidente na si Jerald Tayag sa binigay na pahayag ng
president. Dagdag pa niya, hindi pa nakakapagbayad ng bayarin ang iilan sa mga
estudyante ayon sa kanyang ginawang pananaliksik ay dahil wala pang
maipapambayad ang mga ito o kaya namay hindi pinayang ng kani-kanilang
magulang at marapat nay bigyan ng panahaon ang mga hindi pa nakakapagbayad.
Matapos magbigay ng pahayag ang presidente at bise presidente
ng SSG ay muling iniulat ni Sir Miranda ang napagpasiyahan niyang desisyon na
bibigyan pa ng panahon ang mga hindi pa nakakapagbayad at ipagpapaliban na
lamang ang Acquaintance party sa susunod na lamang na lingo sa ika-21 ng Hulyo,
2017.
Napagsang-ayunan ng SSG ang nasabing desisyon at muling
nagtapos ang pulong sa ganap na 1:45 ng hapon sa mungkahi ng SSG Adviser.
Inihanda ni:
Aileen Galang
SSG Secretary

Nagpatotoo:
Sir Khen Eiron Miranda
SSG Adviser
Panukalang Proyekto
Photo Version
Typewritten Version
Diskwentong Alok ng FEC para sa Unang Limampung
Estudyanteng Mag-eenroll sa Paaralan
1. Proponent ng Proyekto: Upang maraming estudyante ang mag-enroll sa FEC
2. Deskripsyon ng Proyekto:
Upang maging abot kaya para sa mga mag-aaral ang binabayaran
na miscellaneous fee sa FEC. Nagbigay ang FEC ng mga diskwento sa mga mag-
aaral at promo tulad ng uniporme at tablet upang makahikayat lalo ng
maraming estduyante na mag-aaral sa FEC.
3.Rasyonal ng Proyekto:
Kayat binigay ang promo na ito dahil ang iila sa mga estudyante
na nag-aaral sa mga publiko at pribadong paaralan ay hind bila alam ang
kaibahan ng tuition fee sa miscellaneous fee sa pamamagitan nito,
mauunawaan nila kung ano ang kanilang binabayaran ng may pinababang
halaga.
4. Layuning ng Proyekto:
Ang layuning ng proyekto ng FEC ay upang mabawasan ang kanilang
binabayaran.
Para dumami ang mag-enroll sa FEC
5. Estratehiya:
Pagdalaw sa mga pampubliko at pribadong paaralan at ibahagi ng
FEC ang kanila discount at promo para sa mga estudyante. Una, ihahanda ang
mga budget na kakailanganin para sa transportasyon sa ibat-ibang paaralan na
pupuntahan ng FEC. Pangalawa, ihahanda ang mga budget na kakailanganin
para sa transportasyon sa ibat-ibang paaralan na pupuntahan ng FEC. Ikatlo,
dahil inisa-isa na ng FEC sa mga ibat-ibang paaralan at ipinaliwanag ang
kanilang mga inaalok sa mga estudyante na promo na tungkol sa mga mag-
eenroll.
6. Implementasyon at Iskedyul:
Gawain Inaasahang Output Iskedyul
Paghanda sa budget na Sapat na ang kakailanganing Marso 2018
ilalaan sa proyekto budget para sa proyekto
Pagbisita sa mga Mapupuntahan ang lahat ng Abril at Mayo
pampubliko at pribado na paaralan sa lungsod 2018
paaralan
Pagtaguyod sa diskwento at Mabibigyang kaalaman ang
promo na inaalok ng FEC sa mga mag-aaral ukol sa
mga estudyanteng mag- inaalok ng diskwento at
eenroll sa paaralan promo ng paaralan

7. Halimbawang Pormat

TBD

8. Mga kasangkot sa proyekto:


Pangalan Posisyon/Kinaaaniban Tungkulin sa Proyekto
Sir Khen Eiron Miranda SSG Adviser Tagataguyod ng Proyekto
Jared Mark Fruelda SSG President Tagapamahala ng
Proyekto
Jerald Tayag SSG Vice President Pinuno sa gagawing pag-
alok
Aileen Galang SSG Secretary Taga-organisa ng proyekto
Sheila Pardilla SSG Treasurer Tagakwenta sa salapi
9. Badyet:
Gastusin Halaga bawat yunit Tungkulin sa proyekto
Printout ng iaalok na P3,000 x 3 P9,000
diskwento
Tablet P4,000 x 10 P40,000
Uniporme P900 x 10 P9,000
Iba pang gastusin P1,000 P1,000
Kabuuan P59,000
Posisyong Papel
-TBD-

You might also like