You are on page 1of 5

KABANATA II

Ang kabanata na ito ay kung saan matatagpuan ang mga kaugnay na panitikan at

pagsusuri ng mga kaugnay na pag-aaral ng mga mananaliksik upang mabigyang kaliwanagan

ang mga paksa sa ilalim ng pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Sa Pagtatapon sa Basura

Ang tamang pagtatapon ng basura o tamang pag dispose nito ay isa sa malawakang

problema na kinakaharap ng maraming bansa. Kadalasan ang mga bansang ito ay ang mga

pausbong pa lamang o hindi pa kaganoon ang ang pag-usbong pagdating sa teknolohiya at

ekonomiya. Isa din sa nagpapadagdag sa problema sa basura ay ang patuloy at mabilis na

pagtaas ng populasyon (Z. Minghua et. al., 2009) sapagkat kasabay ng pagdami ng tao ay ang

pagdami din basura sa ating kapiligiran.

Resulta ng mabilis na paglobo ng populasyon at ng basura ay ang dagdag suliranin

naman sa gobyerno ng bawat bansa lalo ng mga bansang kabilang sa “Third World” (M.

Sujuaddin et. al. 2008), Halimbawa nito ay ang bansang India, isa sa pinakamaraming bilang ng

populasyon sa buong mundo. Ayon sa census na ginawa noong 2001, tinatayang 160,000

tonelada ng basura ang kanilang nililikha kada araw (Vinod & Venugopal, 2010).

Ang municipal solid waste ay ang mga basura na mula sa mga residensyal, industriyal,

komersyal at institusyonal na mga establishimento (Tchobanoglous & Kreith, 2002), kasama

dito ang mga paaralan at mga unibersidad hindi lamang sa ating bansa, pati din sa buong

mundo. Sa murang edad ay hindi pa ganoon kasensitibo ang kanilang kaisipan pagdating sa

kung gaano nakakasama ang pagtatapon ng basura kung saan saan. Kahit ang mga

estudyante sa kolehiyo ay ganoon din, marami parin sa kanila ang walang pakaialam at hindi
lamang nagbibigay halaga sa ating kalikasan. Ang pagtatapon pa lamang ng balat ng candy ay

mayroon ng malaking epekto sa ating kalikasan kahit na gaano man ito kaliit.

Sa kadahilanang mahirap kontrolin ang problema ng basura kahit sa mga paaralan at

unibersidad, ay binigyan na ng mandato ng Department of Education (DepEd) at Commission

on Higher Education (CHED) na italaga ang buong pagsasagawa ng SWM o Solid Waste

Management Part 6, Rule 21, Section 2 of RA 9003 sa lahat ng ekwelahan sa bansa at pati na

din sa mga komunidad na malapit sa mga ito (Gequinto, 2016). Malaking tulong ang

pagtatalaga nito sa pagbabawas sa probelema sa basura sapagkat ang batas na ito ay

tumutukoy sa tamang pagbubukod-bukod ng basura. Nais nitong maging responsable ang mga

mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan ng bawat isa (Tejada, 2019). Bukod

rito ay maiiiwasan din ang mga sakit na maaaring makuha sa maruming kapiligiran tulad ng

dengue na maaari ding makuha ng mga estudyante sa kanilang paraalan (Estacio, 2018)

Ang hindi pagsunod sa RA 9003 ay may karampatang parusa. Umaabot ito ng mula

300 hanggang 1,000 piso at serbisyong pangkomunidad ng 1 hanggang 15 arawsa kung saan

ginawa ang paglabag. Ang maling paghihiwalay naman ng basura ang may pinaka-mabigat na

kaparusahan sapagkat ito ay umaabot sa 6 na buwang pagkakakulong (nswmc.gov.ph).

Kaugnay na Literatura

Isang napaka-laking problema sa buong Pilipinas ay ang pamamahala ng basura.

Ngunit hindi lang ang Pilipinas ang nakakaranas nito, pati na rin ang ibang mga bansa. Ito ay

karaniwan ng napapag -usapan tulad ng mga problema sa ekonomiya at politika. Tone-

toneladang basura ang itinatapon sa isang tahanan lamang gaano pa kaya karami ang sa

buong bansa Nagiging problema ang pagtataponng basura dahil sa kawalan ng ispasiyo kung

saan ito itatambak. Libo-libong tahanan ang nasasalanta dahil lamang sa maling Pagtatapon ng

basura. Ang mga kanal na dapat ay malinis upang patuloy ang pagdaloy ng tubig, hindi
nagmimistulang imbakan ng basura. Ang pamamahala ng basura ay hindi lamang

responsibilidad ng gobyerno, ang bawat indibiduwal ay kasali rin ditto maging ang mga

estudyante. Ang mga basura ay nagsisimula sasari-sarili nating mga tahanan, kaya ang dito rin

dapat nagsisimula ang wastong pagtatapon ng basura. Ang pag-recycle ay parte rin ng ating

responsibilidad upang mabawasan ang mga basura na ating tinatapon. Dapat nating bawasan

ang ating basurang itinatapon, malaki ang natutulong ng paggamit muli ng mga bagay na may

maari pang gamit. Ang pag gamit tayo ng eco-friendly na mga bagay ay makakatulong rin sa

pag bawas at baka maaring maka resulba sa problema natin sa basura.

Ang pagtatapon ng basura kahit saan ay isang maling kagawian ng mga estudyante at

ng pamayanan. Kahit na sa paaralan marumi din ang paligid dahil na rin sa kawalan ng disiplina

ng mga mag-aaral. Itnatapon nila ang mga basura kahit saan at iniwang nakakalat ang mga

papel at plastiks. Isa rin sa mga sanhi ng maruming kaligiran ay ang mga pabrika. Ang mga

dumi ng kanilang mga produkto ay napupunta sa mga ilog at dagat na nagiging dahilan ng

pagkamatay ng mga yamang dagat tulad ng mga isda. Ito ay kadalasang nagdudulot ng mga

sakuna tulad na lamang ng pagbaha, at pati na rin ng ibat ibang sakit na duot ng mga mikrobyo

na maaaring magdulot ng kamatayan. Ang wasto at tamang pagtatapon ng mga basura ay

isang solusyon upang maiwasan ang mga sakunang ating haharapin. Ang simpleng

paghihiwalay ng nabubulok sa di-nabubulok ay malaki na tulong. Makakaiwas na tayo sa mga

sakuna, maaari pa nating pagkakitaan kung ibebenta ang mga narerecycle. Magagawa lamang

natin ito kung ipaiiral natin ang disiplina sa ating sarili at magtulungan sa pananatili ng kalinisan

ng kapaligiran.

Sa tuluyang pag-unlad ng mundo at paggawa ng mga bagon g bagay na higit na

nakakatulong sa mga tao ay hindi namamalayang nakakas ira na pala ito sa kalikasan, kalinisan

at sa kapaligiran. Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalili kha ng tao:

mga produktong nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng pagt atanim ng pa lay at iba


pang pinagkukunan ng pagkain; mga produktong nakakapagpadali sa pagdadala ng mga

produktong agrikultural; mga produktong nakakapagpaginhawa sa pamumuhay at sa mga

gawain sa loob ng tahanan; mga produktong nagbibigay saya o mga produktong pang-sining;

mga produktong nagluluwal ng iba pang produkto; at marami pan g klase ng produkto na nali

likha sa sangkatauhan (Gargar,2014). Hal imbawa nito ang mga plastik, botelya, at plastik bag

na palaging gin agamit sa pangaraw-araw ay nagiging pangaraw-araw na rin na basura na

palaging nakikita at nakakalat sa kung saan-saan. Ayon sa DENR, nasa higit 40,000 toneladang

basura ang itinatapon sa buong bansa kada araw, katumbas ng higit 4,000 malalaking garbage

truck. At ang 9,000 tonelada rito ay galing sa Metro Manila. Patunay nga nito ang mga

namumutiktik na basura sa Pilipinas na hindi na naitapon at naisayos ng kalalagyan, makikita

ang mga ito sa estero at sa baybayin ng Manila Bay. Pawang mga plastik na basura tulad ng

botelya na softdrink at tubig, sachet ng kape, shampoo, supot, karton o styro ng pagkain mula

sa mga rest aurant at kainan. klagdag pa ang mga imported na basura mula sa Korea at

Canada, ang mga basurang plastik na nakatambak sa Tagoloan,misamis Oriental ay mula sa

South Korea na inangkat ng Verde Soko Phil. IndustrialCorporation sa pag-aakalang "plastic

synthe tic flakes" noong hulyo. Ganoon din ang 50 frieght containers na nangangamoy na

basura ng Canada na limang taon na sa bansa.

Marami ang mga karapat-dapat na gagawin upang mababawasan ang pag dami ng

basura. Una na rito ang tinatawag na "segregation'" o paghiwa-hiwalay ng mga nabubulok sa

hindi nabubulok. Ang mga nabubulok ay kadalasan balat ng prutas, balat ng gulay at marami

pang iba. Pwede rin itong mapakinabangan sa pamamagitan ng pagkain ng mga hayop o

kaning baboy. Ang mga hindi nabubulok ay malaki ang pakinabang. Ito ay pwedeng ipnin at

ibenta, tulad ng mga bote,, mga plastic mga gamit na sira na, mga cellophane na pwedeng

"irecycle" at iba pa. Sa pananagitan ng ganitong panamaraan, malaki ang tulong at mabawasan

dahil kung nakakalat lang ang mga ito, magiging sanhi ito ng pagbaha at maruming kapaligiran.
Ang mga basurang pinapabayaa sa paligıd ay malaking punsala sa ating mga buhay. Marami

ang maapektuhan Ialo na sa pamumhay dahil kung halimbawa ay babaha ng dalul sa basurang

nakakal at, hindi makakapaghauapbuhay ng tama. Hindi natin kailangan pang dumanas ng

trahedya o sakıma bago tayo kumilos para malutas ang malaking problema ng basura dito sa

ating bansa. Kailangan ay ngayon pa lang ugalin na ang pagsegregate "recycle at re-use dahıl

dito malaking magiging tanong natin sa paglutas ng suliranin ng basura sa bansa.

You might also like