You are on page 1of 7

I.

Panukalang proyekto:
PALIHAN AT CLEAN-UP DRIVE UKOL SA PAGSULONG NG KALINISAN SA
KATUBIGAN NG LAWA NG LAGUNA SA PARTE NG C-6, HAGONOY,
TAGUIG CITY

II. Mga nagmumungkahi:


Arumpac, Allyyahh; Escosar, Christian RV; Taclibon, Lyr; Tang, Marc

III. Panimula:

Ang lugar ng C-6 o Circumferential Road 6 ay matatagpuan sa tabi ng baybayin ng


Laguna de Bay. Natapos ang pagsasagawa nito noong taong 2009 at may lawak itong
34.24.km(21.28mi) na simula sa Napindan Bridge sa Pasig at at nagtatapos sa dulo ng M.L
Quezon Street sa Taguig. Ang daan na ito ay nag durugtong sa Bulacan, Rizal, Cavite, Pasig,
Taguig at Muntinlupa. Mayroon din ditong mga lugar tulad ng Mercado De Lago na pwedeng
puntahan ng mga tao para magsama-sama.

May mga suliranin na dinaranas ang lugar na ito. Una dito ay ang hindi kaaya-ayang
amoy na dulot ng tambak ng basura sa gilid ng kalsada na ito. Sunod naman ay ang pagdami
ng bilang ng “water lily” sa katubigan.

Ang mabilis na pagdami ng mga “water lily” ay mapanganib sapagkat tatakip ang mga ito
sa ibabaw ng katubigan na nagiging sanhi ng pagkagambala ng palitan ng oxygen ng mga
may buhay sa ilalim ng katubigan kagaya ng mga isda. Isa sa mga pinakamasamang kaso na
maaaring mangyari ay maaari itong maging sanhi ng pagbaha.

Ang mga pangangailangan ay una, malinis na katubigan at kaaya-ayang amoy sa


kapaligiran. Layunin nito ay magkaroon ng malinis na katubigan, mabawasan ang pagdami
ng mga “water lily” na nagsasanhi ng mga nasabing problema at paglilinis at pagtatanggal ng
mga basura sa tabi ng kalsada. Ang paraan naming dito ay ang pagsasagawa ng cleaning
operation para at pag natanggal o na alis ang water lily isusunod ang pagsasagawa ng palihan
para sa “livelihood project” na makatutulong para sa mga mamayan sa lugar na ito.

IV. Mga dapat gawin / Action Plan:


 Paglalaan ng materyales at kagamitang panglinis (isang araw)
 Pagkalap ng mga “volunteer” o mga taong maglilinis; mga mag-aaral at mamamayan
na malapit sa napiling lugar (dalawang araw)
 Paghahanap ng tatlong tao partikular mga “Environmental Advocates” upang maging
tagapagpahayag sa gaganaping palihan (limang araw)
 Paggawa ng “poster” na may kaugnayan sa clean-up drive upang mas makahikayat ng
mga “volunteers” (isang araw)
 Paghihikayat sa mga mamamayan na naninirahan malapit sa katubigan at mga
“Environmental Advocates” sa pakikiisa sa clean-up drive na isasagawa (isang
linggo)
 Pagsasagawa ng maikling palihan ukol sa kalinisan (isang araw)
 Pagsasagawa ng “clean-up drive” (tatlong araw)
Iskedyul para sa “clean-up drive” na gaganapin sa loob ng tatlong araw.

Oras ng Simula Oras ng Tapos Gawain

7:00 am 9:00 am Pagtatanggal ng basura sa


katubigan
4:00 pm 5:30 pm Pagkukuha ng mga
“water lily”

 Pagbibigay ng demonstrasyon kung paano maaaring gawing pangkabuhayan ang


“water lily” (isang araw)
 Pagsasagawa ng produktong pangkabuhayan partikular isang “bag” na yari sa “water
lily” (tatlong araw)
 Pagtalaga ng mga tauhan upang masagawa ulit ang cleaning program at mga palihan.
 Pagsusulong ng batas para sa pagtatapon ng basura sa tabi ng kalsada at sa katubigan.
 Paglalagay ng kaukulang parusa para sa kung sino mang susuway sa batas ukol sa
pagtatapon ng basura sa sa tabi ng kalsada at sa katubigan.

Ang mahuhuling magtatapon ng basura sa ilog ay:

1st violation o Paunang paglabag Magmumulta ng 500 piso


2nd violation o Pangalawang paglabag Magmumulta ng 1500 piso at isang araw na
community service
3rd and 4th violation o Pangatlo at Pang-apat Magmumulta ng 3000 piso at isang linggo
na paglabag na community service
Ebalwasyon
 Magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan ang mga nagboluntaryo sa palihang
isinagawa
 Mapalinis at maalis ang masangsang na amoy sa lawa
 Madisiplina ang mga nagtatapon ng basura rito

ISKEDYUL NG PROGRAMA NG PALIHAN: (GAGANAPIN NG TATLONG ARAW)

ORAS NG SIMULA ORAS NG TAPOS GAWAIN


8:00 AM 9:00 AM REGISTRATION
9:00 AM 10:00 AM FIRST SPEAKER
10:00 AM 11:00 AM DISKUSYON /
DEMONSTRASYON
11:00 AM 12:00 PM TANGHALIAN AT
PAGTATAPOS

POSTER: (4ft x 5 ft, PORTRAIT)

PROSESO SA PAGGAWA NG “BAG” MULA SA “WATER LILY”

 Pagkuha ng mga “water lily”


 Pagbibilad at pagpapatuyo ng mga nakuhang “water lily”
 Pagputol ng mga “wire”
 Ibenda ang naputol na “wire” sa pormang “bag”
 Habiin ang napatuyong “water lily”
 Tabasin ang mga sobrang sukat
 Idikit ang naghabing “water lily” sa nabendang “wire”
 Ilagay sa isang tabi at patuyuin

Pinal na produkto

V. Badyet

KAGAMITAN PRESYO

SAKO (₱14.00 x 100 pcs) ₱1400.00


BOTA (₱269.00 x 100 na tao) ₱26,900.00
MASK (₱25.00 x 100 na tao) ₱2500.00
LAMBAT (₱150.00 x 10 pcs) ₱1500.00
WALIS TINGTING (₱30.00 x 75 pcs) ₱2250.00
KARAYOM AT SINULID (₱15.00 x 200 ₱3000.00
pcs)
TARPAULIN (₱550.00 x 5 pcs) ₱2750.00
KABUUANG HALAGA NG ₱40,300.00
KAGAMITAN
REKADOS PRESYO

MALAGKIT ₱60.00
COCOA ₱80.00
EVAPORATED MILK ₱40.00
MINERAL WATER ₱25.00
KABUUANG HALAGA NG ₱205.00 good for 5 persons x 30 grupo x 3
PAMERYENDA araw = ₱18,450.00

VI. Kahalagahan ng proyekto

Ang proyektong ito ay matutulong hindi lamang katubigan at kalsada ng C-6, Hagonoy,
Taguig, kung hindi sa mga dumaraan rin dito. Makatutulong ang clean-up drive upang
mapanatili ang kalinisan sa parehas na tabi at mismong katubigan. Makakatulong rin ang
pagtatanggal ng mga “water lily” sa katubigan upang maging mapanatiling malusog ang mga
yamang dagat kagaya ng isda at iba pa.

Bukod rito makatutulong rin ito sa pangkabuhayan sapagkat ang nagawang bag na yari sa
“water lily” ay maaaring ibenta. Maiiwasan ang mga sakit na nakukuha dahil sa maruming
tubig at hindi kaaya-ayang amoy ng mga basura na nasa tabi ng kalsada. Napakahalaga ang
proyektong ito upang mapanatili ang kalinisan ng tubig at mapangalagaan ang ating mga
yamang dagat.
MGA SANGUNIAN:

ABS-CBN News. (2010, October 2). Export-quality handicrafts can be made from water
lilies. Retrieved November 18, 2019, from https://news.abs-
cbn.com/lifestyle/10/02/10/export-quality-handicrafts-can-be-made-water-lilies.

De Guzman, M. (2013, February 11). Process. Retrieved from


https://marodeguzman.wordpress.com/home/process/.

Seek The Uniq. (n.d.). Waterlily Half Moon Bag. Retrieved from
https://www.seektheuniq.com/products/waterlily-half-moon-bag.

The City of Las Piñas: Home. (n.d.). Retrieved from


https://laspinascity.gov.ph/services/4/water-lily-festival.
Wikipedia contributors. (2019, September 24). Laguna Lakeshore Expressway Dike. In Wikipedia,
The Free Encyclopedia. Retrieved 13:14, November 18, 2019, from
https://en.wikipedia.org/w/index.php?title=Laguna_Lakeshore_Expressway_Dike&oldid=917637367

Wikipedia contributors. (2019, April 8). Circumferential Road 6. In Wikipedia, The Free
Encyclopedia. Retrieved 13:15, November 18, 2019, from https://en.wikipedia.org/w/index.php?
title=Circumferential_Road_6&oldid=891542806

You might also like