You are on page 1of 2

Pangkat Paham

HUMSS 11-1 Mabini

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG WATER DRAINAGE SYSTEM PARA SA


BARANGAY TOBOR

Mula kina Lyle U. Magalong, Ashlee L. Cerezo, Melisa G. Cruz, Jan Mico L. Esma, Aivan M. Mamaril,
Mae Rose M. Soriano, at Laird L. Cerezo.
Purok Malasin 2
Barangay Tobor
Malasiqui, Pangasinan
Ika-11 ng Nobyembre, 2022

Haba ng Panahong Gugugulin: 3 Buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Barangay Tobor ay isang bahagi ng bayan ng Malasiqui kung saan ang pangunahing
hanapbuhay ng mga mamamayan ay ang pagsasaka. Ito rin ay mayroong mauunlad na paaralan ng
elementarya at hayskul na mga kilala pagdating sa kagalingan ng mga estudyanteng nag-aaral dito.
Gayunpaman, isa sa mga suliraning dinadaing ng mga mamamayan lalong-lalo na ng mga estudyante
ay ang madalas na pagbaha tuwing umuulan. Ito ay nagbibigay ng perwisyo sa lahat sapagkat
naapektuhan nito ang pagpasok ng mga mag-aaral at guro sa eskuwelahan pati na sa kanilang
kalusugan at ng ibang mamamayan. Ang pangunahing dahilan ng problemang ito ay kakulangan ng
wastong daluyan ng tubig-ulan.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay Tobor ng Water Drainage System upang maiwasan
ang pagbaha sa lugar. Kung ito ay magtatagumpay, tiyak na hindi na proproblemahin ng mga
estudyante, guro, at ng iba pang mga mamamayan ang kanilang kaligtasan sapagkat maiiwasan na
ang mga sakit na dala ng pagbaha tulad ng leptospirosis. Ang proyektong ito ay kailangang maisagawa
sa lalong madaling panahon para sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.

II. Layunin

Ang barangay ay nakakaranas ng suliranin sa pagbaha na nangangailangan ng agarang


aksyon mula sa kinauukulan. Bilang tugon, layunin ng mga tagapagtaguyod ng proyektong ito ang
pagpapagawa ng water drainage system na makakatulong sa maayos na pagdaloy ng tubig-ulan
upang maging ligtas ang mga mamamayan sa nasabing lugar.

III. Plano na Dapat Gawin

1. Pagkalap at pag-alam ng presyo ng mga dapat gamitin sa pagpapagawa. (2 araw)


2. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet. (7 araw)
3. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor sa pagpapagawa ng drainage system. Ang mga
contractor ay inaasahang magbibigay ng kani-kanilang tawad kasama ang mga plano para sa
pagpapagawa ng drainage system. (2 linggo)
4. Pagpupulong ng mga miyembro ng konseho para sa pagpili ng mga mangongontrata sa paggawa
ng proyekto. (1 araw)
5. Pagpapagawa ng water drainage sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng barangay Tobor. (3
buwan)
6. Pagpapasinaya ng water drainage sa mga mamamayan. (1 araw)

IV. Badyet

Nasa Php 1, 079, 000 ang kabuoang badyet sa pagpapagawa ng drainage system na may habang 600
meters batay sa isinumite ng napiling contractor.

Materyales Presyo Bilang Kabuoang Presyo

Sako ng semento Php 350.00 800 Php 280,000.00


Bakal na poste Php 400.00 150 Php 64,000.00
Buhangin (1 Load) Php 5,000.00 8 Php 40,000.00
Loads of Stones Php 5,000.00 5 Php 25,000.00
Hallow Blocks Php 15.00 12,000 Php 180,000.00
Mga iba pang kagamitan sa Php 20,000.00 1 Php 20,000.00
paggawa nito.
Sweldo ng mga trabahador. Php 300.00 15 Php 405,000.00
(90days)
Php 27,000.00
Gastusin para sa pagkain ng mga Php 500.00 90 days Php 45,000.00
trabahador.
Gastusin sa pagpapasinaya at Php 20,000.00 1 Php 20,000.00
pagbabasbas nito.
Kabuoang Badyet Php 1,079,000.00

V. Benipisyo

Ang pagpapagawa ng water drainage system ay kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan


lalo na sa mga estudyante at guro ng barangay Tobor. Ang pagkakaroon ng pagbaha pagkatapos ng
ulan ay malaking problema sa nasabing lugar. Sa tulong ng proyektong ito, maiiwasan na ang
suliraning dinadaing ng mga mamamayan. Maaari rin itong makatulong sa mga magsasaka, sapagkat
ang mga tubig-ulan ay maaaring gamitin sa pagpapatubig ng mga pananim. Higit sa lahat,
magkakaroon na ng kapanatagan ang mga estudyante at guro sapagkat alam nila na hindi na
maaapektuhan ang pagpasok sa paaralan dahil sa tulong ng water drainage na ipinagawa.
Sa pangkalahatan, ang water drainage system ay napakagandang proyekto para sa kaligtasan
at ikabubuti ng lahat ng mamamayan sa barangay Tobor.

You might also like