You are on page 1of 2

PANUKALANG PROYEKTO SA

WASTONG PAMAMAHALA NG BASURA AT PAGDARAGDAG


NG MGA BASURAHAN SA BATANGAS EASTERN
COLLEGES

Mula kay ----


Batangas Eastern Colleges
1 Javier St.
San Juan, Batangas
Ika-09 ng Hunyo, 2022
Haba ng Panahong Gugulin: 1 buwan at kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang solid waste management ay masasabi ring isang programa sa


isang komunidad upang maturuan ang mga estudyante na pumupunta sa
Batangas Eastern Colleges at mga pagawaan na maging responsible sa
kani-kanilang mga basura. Kung hindi ito gagawin, tatambak ang mga
basura at dito pumapasok ang mga malalaking problema hanggang sa
mahirap na itong kontrolin at ayusin.

Sa mga basurang itinatapon sa kung saan-saan araw-araw, nasisira na


ang kapaligiran natin ng paunti-unti. Maaari pang gawan ng solusyon upang
maaksyunan ang problema sa basura, lalo na ang ating lugar na madalas
gamitin. Kailangang masimulan na ang proyektong ito sa madaling panahon
para sa kalusugan ng mga tao at ang kaayusan ng Batangas Eastern
Colleges.

II. Deskripsyon at Layunin ng Proyekto

Magpagawa at maglagay ng mga color-coded na basurahan para


maisagawa ang wastong pamamahala ng basura, gamit ang 4 R’s, Reduce,
Reuse, Recycle at Restore, upang mabawasan at maiayos ang mga basurang
nakikita sa Batangas Eastern Colleges.

III. Plano ng Dapat Gawin

1. Pag-aaproba ng badyet (1 linggo)

2. Paggawa ng plano para sa mga lokasyon ng mga ilalagay na color-


coded na basurahan (1 linggo)

3. Paggawa ng mga color-coded na basurahan (2 linggo)

This study source was downloaded by 100000818295441 from CourseHero.com on 10-31-2022 10:34:18 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/154296664/Panukalang-Proyektodocx/
4. Paglagay ng mga color-coded na basurahan sa mga piniling pwesto
(2 linggo)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Halaga ng pagpapagawa ng mga Php 50,000.00
color-coded na basurahan
II. Gastusin para sa pagpapalagay Php 25,000.00
ng mga basurahan sa mga
napagplanuhang pwesto
Kabuoang Halaga Php 75,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito

Ang pagpapatupad ng wastong pamamahala ng basura at


pagpapalagay ng color-coded na basurahan sa Batangas Eastern Colleges
ay magiging malaking pagtulong sa kapaligiran at kalusugan ng tao. Dahil
sa maayos na pamamahala ng basura, makikita dito ang mga pagpapabuti
sa kapaligiran at ang mga benepisyo na makukuha natin dito. Tulad ng mas
maayos na kalidad ng hangin o air quality, nakakabawas sa mga bacteria
na maaaring kumalat sa kapaligiran.

This study source was downloaded by 100000818295441 from CourseHero.com on 10-31-2022 10:34:18 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/154296664/Panukalang-Proyektodocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like