You are on page 1of 21

Davao Doctor’s College

Bilang Bahagi ng

Pagtupad sa Asignaturang

Filipino : Sa ibat’t- ibang Disiplina

Ang Pagpapaunlad ng Barangay Katipunan Sitio Barumbado

Ipinasa ni:

Cabanas, Mica

Cabig, Tristan

Digao, Irene Joy

Escalante, Charis Monica

Monleon, Princess Elyz

Omran, Fadi

Tuburan, Aileen

Uy, Kayla

Isang Panukalang Papel

na ipinasa Kay Bb. Rubilyn Dee Arenal Roble


DAY 1

A. PAGPAPAKILALA SA PROYEKTO

I. Pamagat ng proyekto: Ang pagpapaunlad ng Barangay Katipunan Sitio Barumbado


II. Petsa ng Proyekto: Marso 23-27, 2019
III. Pagkukunan ng pondo: Perang fund racing at non goverment organization

B. PAGLALAHAD NG PROYEKTO

I. Layunin:

a. Layunin ng proyektong ito ang matulungan at mapaunlad ang komunidad ng


Barangay Katipunan Sitio Barumbado sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman ukol
sa mga maaring pagkuhanan ng pangkabuhayan.
b. Layunin nitong mapaganda ang nasabing komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay
ng dagdag kaalaman kung paano alagaan ang kalikasan at makabuo ng isang
magandang harden.

II. Kahalagahan ng proyekto:

Ang proyektong ito ay mahalaga hindi lang dahil natutulungan nito ang mga
mamayan magkaroon ng pangkabuhayan at malinis at kaakitakit na kapaligiran, kundi
nakakatulong din ito sa Inang kalikasan.

C. INAASAHANG BUNGA

Matapost ang pagsasagawa ng panukalang pagpapaunlad ng Barangay Katipunan Sitio


Barumbado:
a. Magkaroon ng masaganang pamumuhay dahil sa mga bagong pangkabuhayan na
kanilang natutunan.
b. Maging matiwasay ang kapaligiran dahil sa kaayusan at kalinisan.

D. ITINENARYO AT PROGRAMA

Marso 23, 2019 (Unang Araw)

Pang-umagang aktibidad Araybal


Preperasyon
Rehistrasyon

Pang-hapong aktibidad Pagsimula ng programa


Health Education
Marso 24, 2019 (Pangalawang Araw)

Planong Gawain para sa Baranggay Barumbado Livelihood Center

Marso 25, 2019 (Pangatlo Araw)

Panukala sa pagpapagawa ng drainage system para sa barangay barumbado.

Marso 26, 2019 (Pangapat Araw)


Pagtatag ng Isang Samahan (Study Club) ng mga Mag-aaral na High School ng Mataas
na Paaralan Nasyonal ng Barumbado

Marso 27, 2019 (Panglimang Araw)

PAGTATAYO NG MATH GARDEN SA KAMPUS NG BARUMBADO NATIONAL


HIGH SCHOOL

E. MGA DADALO

1. Nga non-goverment official


2. Mag-aaral
3. Guro
4. Mamayan sa komunidad
DAY 2

Planong Gawain para sa Baranggay Barumbado Livelihood Center

A. Pag-aproba at paglabas ng badyet

B. Subastahan para sa pagpapatayo ng livelihood center


1. Tatlong mangongontrata ang aanyayahan upang magbigay ng kani-kanilang selyadong
tawad para sa pagpapatayo ng gusali
2. Ang mga mangongontrata ay magbibigay ng kanilang mga planong pangestruktura at
pang-arkitektura para sa gusali

C. Pagpili ng mangongontrata at pag-aproba sa planong pang-arkitektura ng


gusali
1. Gagawin ng konsehong pambaranggay na napili sa isang pagpupulong na pambarangay
2. Ang napiling disenyo ng gusali at ang mangongontrata nito ay ipahahayag sa isang
regular na pulong ng barangay at ipapaskil sa bulletin board ng bulwagang pambarangay

D. Pagpapatayo ng gusali sa ilalim ng superbisyon ng konsehong pambarangay

E. Pagtatalaga ng mga kawani ng gusali


1. Pagtatalaga ng 2 kawani ng gusali, isang tagapangalaga ng gusali at isang espesyalista o
livelihood trainor na pinili ng konsehong pambarangay
2. Pagtuturo at pagtatalaga sa mga gawain ng mga kawani

F. Pormulasyon ng pagsasagawa ng proyekto ng pangkabuhayan


1. Pormulasyon ng isang komite na pinangangasiwaan ng espesyalista para sa mga
programa at iminungkahi sa konsehong pambarangay para aprobahan
2. Unang taong implementasyon ng plano na ipriprisinta at aaprobahan sa pagpupulong ng
konseho
G. Pagsasanay sa operasyon ng gusali
1. Pagpapakilala ng mga serbisyo ng livelihood center sa pamayanan sa pamamagitan ng
pagpapatalastas ng mga proyekto nito
2. Pagsasanay na tatagal ng isang araw
3. Ebalwasyon sa sagot ng pamayanan sa pagsasanay

H. Pormal na pagbubukas ng pasilidad at simula ng operasyon ng livelihood center

Panukalang Badyet para sa Barangay Barumbado Livelihood Center

Pagpapatayo ng Gusali Halaga


Base sa subastang isinumite ng XYZ Construction P564567.25
Company (Para sa 1-palapag, 3 silid, konkretong
Gusali na may mga pangunahing bahaging panggusali

Suweldo P156000.00
Espeyalista o livelihood trainor
P5000.00/buwan sa loob ng 2 taon P120000.000
Tagapangalaga ng gusali
P1500.00/buwan sa loob ng 2 taon P36000.00

Gastusin para sa Pagsasanay ng mga Kawani P15500.00


Kagamitan para sa pagsasanay P104913.00
Weaving Loom
P12000.00 × 3 P36485.32
Buri Drying Machine P34050.10
Dyeing Machine P34378.00
Furniture and Fixtures P78000.00
Office Supplies P10000.00
Computer P8000.00
Gastusin para sa operasyon P13000.00
Seremonya para sa pagbubukas P15560.00

Kabuuang Halaga P1,082,540.60

Paano Mapapakinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito

Ang bulwagang pambayan ay mapakikinabangan ng lahat ng kasapi ng


aming pamayanan – mga may-bahay, mga bata, mga kabataan, mga
propesyonal at maging mga mangangalakal. Sa pagtataguyod ng proyektong
ito, makatitiyak na magkakaroon ng isang ligtas na lugar para sa mga bata
upang makapaglaro at matuto rin mula sa ibang pasilidad na alok ng center.
Ang mga may-bahay ay hindi na mag-aalalang gumagala ang kanilang mga
anak dahil sa kaligtasan ng mga ito sa center. Ang mga nanay at tatay ay
maaaring makihalubilo na lamang at makisaya sa iba pang kasapi ng
pamayanan. Maaari ring magamit ng mga magsasaka ng bulwagan para sa
pag-aaral o pagpupulong. Maaaring pumunta dito ang mga tao at
makapagsaya nang libre. Maaari ding idaos nang libre dito ang pag-aaral
para sa mga taong hindi kayang tustusan ang kanilang pag-aaral. Ang mga
mangangalakal naman ay makikinabang din dito sa pamamagitan ng
pagpapatayo ng mga tindahan o kantina sa loob ng bulwagan. Ang
pakinabang na makukuha sa bulwagan ay iba-iba at halos lahat ng mga
kasapi ng pamayanan ay makikinabang.
DAY 3

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG DRAINAGE SYSTEM PARA SA BARANGAY


Barumbado

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Barangay Barumbado ay isang parte ng baybaying bahagi ng Hinigaran kung


saan maraming hanapbuhay ang madaling pagkakitaan. Mabilis ang pag-unlad ng
barangay dahil ito ang sentro ng kalakalan ng bayan subalit unti-unti narin nagsusulputan
ang mga malalaking gusali at imprastraktura sa lugar.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng barangay ay ang pagbaha tuwing panahon


ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan. Isa sa
pangunahing sanhi ng pagbaha ay unti unting pagkaubos ng mga punong kahoy sa lugar.
Dahil dito nangangailangan ng drainage system ang barangay upang maiwasan ang
mataas na pagbaha. Kung ito ay mapapagawa tiyak na di na mahihirapan at di na
kinakailangan na sumulong sa baha ang mga mamamayan. Kailangan ang proyektong ito
ay maisagawa sa lalong madaling panahon para sa kapakanan ng lahat.

II. Layunin

Makapaggawa ng darainage system na makakatulong na maiwasan ang pagbaha


sa barangay na siyang nagiging pinsala sa mga tao at sa kanilang mga hanapbuhay.

III. Plano na Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aaproba, at pagbigay ng badyet.
2. Pagsasagwa ng pagsisiyasat.
 Pagkokolekta ng mga datus na kadalasang intensidad ng ulan at ng libel ng
pagbaha sa barangay.
 Pagkalkula ng resulta ng paglabas ng tubig na dumadaloy sa mga kanal papuntang
drainage.
 Pagsagawa ng bidding mula sa mga contractor at ang kanilang pagsumite ng
kanya-kanyang tawad para sa pagpapagawa ng drainage system.
3. Pagpupulong ng mga konseho ng barangay.
 Sa araw na ito opisyal na ipapahayag ang napiling contractor na gagawa ng
drainage system.
4. Pagpapagawa ng drainage system sa ilalim ng pamamahal ng konseho ng Barangay 1.
(tatlong buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbasbas ng drainage system.

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Halaga sa paggawa ng drainage system batay sa
isinumite ng napiling contractor. (lahat ng mga Php 3,500,000.00
materyales)
II. Suweldo ng mga trabahador Php 1,220,000.00

III. Gastusin para sa papasinaya at pagbasbas nito. Php 30,000.00

Kabuuang Halaga Php 4,750,000


V. Konklusyon

Ang pagpapagawa ng drainage system sa Barangay Barumbado ay magiging


kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan. Ang pinsala na dulot ng baha ay
masosolusyunan na. Di na makakaranas ng pagbaha ang mga mamamayan na tunay na
nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang mga hanapbuhay tuwing tag-ulan. Higit sa
lahat di na nila kailangan sumulong sa baha na siyang minsan nagiging dahilan ng
kanilang sakit. Gayundin, patuloy na magiging maayos ang daloy pang araw araw na
buhay ng mga mamamayan sa barangay.
DAY 4

I. Pamagat: Pagtatag ng Isang Samahan (Study Club) ng mga Mag-aaral na High School
ng Mataas na Paaralan Nasyonal ng Barumbado
II. Lokasyon: Mataas na Paaralang Nasyonal ng Barombado
III. Panahon ng Pagsasagawa: Marso 2019
IV. Bilang ng Benipisyaryo: Tinatayang Isang Libo at Limang Daan
V. Mga Tagapanukala: John Kenneth Lim, Raymark P. Perez, Marlo S. Coching
VI. Taong Kokontakin: John Kenneth Lim - 09498421715
VII. Tinatayang Halaga: Php 5,000.00
VIII. Pagkukunan ng Pondo: Perang fund racing at non goverment organization
IX. Pagpapahayag ng Suliranin

Pangkalahatang Tanong:
Mahalaga nga ba ang pagbuo ng isang samahan sa Paghasa sa Kasanayan ng Mag-aaral
sa Senior High School ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Barumbado.?

Mga Tiyak na Tanong:


1. Ano ang study club?
2. Anong klase ng samahan (study club) ang dapat itatag ng mga mag-aaral?
3. Sino-sino ang mga pwedeng sumali dito?
4. Anu-ano ang mga kailangan para makasali dito?
5. Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagkakaroon ng isang samahan?

X. Mungkahing Solusyon
Iminungkahi n gaming pangkat na bumili ng school service van ang pamunuan ng Mataas
na Paaralang Nasyonal ng Baumbado. Malaking tulong ito sa pag-aaral ng mga estudyante at
sa trabaho ng mga guro. Mababawasan ang gastos sa transportasyon ng mga guro at mag-aaral
sa tuwing pupunta sila sa ibang bayan at paaralan para lumahok sa mga aktibidad, seminar o
patimpalak pang-edukasyon o pampaaralan.
Subalit may mga bagay na dapat isaalang-alang bago bumili ng sasakyan. Ang
pinakaunang dapat alamin sa sandaling magdesisyon na bumili ng sasakyan ay sukatin muna
ang badyet na mayroon ang paaralan na pwedeng ilaan para sa panukalang proyekto at kung
paano makahihingi ng donasyon. Matapos itugma ang badyet, alamin naman ang modelo ng
sasakyan na nararapat na bilhin ng paaralan.

XI. Kaligiran
Bahagi na sa buhay ng pagiging estudyante ang pagkakaroon at pagsali sa iba’t ibang
samahan at organisasyon. Ito ay tinutukoy bilang isang grupo na binubuo ng hindi bababa sa
80% na mga mag-aaral; gayunpaman, ang presidente, chairperson, o punong opisyal ay dapat na
isang full-time na mag-aaral. Kung pagiging miyembro ay bukas para sa mga tao sa labas ng
komunidad na kolehiyo campus, ang lahat ng mga opisyal ay dapat na mga mag-aaral.

Maraming benepisyo ang makukuha ng isang mag-aaral sa pagkakaroon nito.


Nakakatulong ito sa paghubog ng pagkatao ng isang indibidwal. Ang mga mag-aaral ay
natututong maging independent at gumawa ng sariling desisyon na nagpapatibay sa
organisasyon. Hinuhubog din nito ang paraan ng pakikitungo sa kapwa at pinapaunlad din nito
ang ating pakikipagtalastasan sa ibang tao at maibahagi ang opinyon at saloobin ukol sa isyung
kinakaharap ng grupo. Tunay na mahalaga ang organisasyon sa bawat mag-aaral dahil
nakakatulong ito sa karera, kasanayan sa panlipunan at pagunlad ng personalidad ng bawat mag-
aaral. 

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng pagbuo ng isang samahan o


organisasyon (study club) ng mga mag-aaral na High School ng Barumbado National High
School at kung ang mga ito ba ay tunay na nakakapag-ambag sa ikabubuti ng grado ng mga mag-
aaral.

Sa pananaliksik na ito, isang kagandahan na malaman kung ano ang kahalagahan ng


pagtatag nito sa paghasa ng kasanayan ng mga mag-aaral na High School ng Barumbado national
High School. Nais ng mga mananaliksik na magkaroon ng linaw kung sa papaanong paraan
nakatutulong ang mga organisasyon sa bawat indibidwal na kasapi nito. 
XII. Management Organization

Organizational Development and Management

Paano isasagawa ang proyekto?


Sa tulong ng mga donasyon mula sa mga Non-Government Organizations o mga taong
may mabuting puso at ekstrang pondo ng paaralan, makalikom ng sapat ng halaga upang
makabili ng mga school service van. Magsasagawa rin ng canvassing upang malaman kung
ano ang angkop na modelo, laki, at brand ng sasakyan bibilhin. Tinatayang aabot ng limang
araw (marso 2019) ang gugugulin upang makalikom ng sapat na pondo at mabili ang mga
school service van.

Pangalan ng Komite Trabaho o Gampanin


Responsable sila sa pag-canvass sa presyo
Procurement Team/ Canvassing Team ng mga napiling modelo ng sasakyan at
brand
Sila ang mamahala sa pag-usad ng
Project Implementation Team
proyekto
Sila ang mamahala sa perang malilikom
Committee on Finance
upang ipambili ng school service van
Sila ang responsable sa pag-check kung
Audit and Inventory Committee tama ba ang nabiling modelo ng sasakyan
at pati na rin ang halaga ng mga ito
Responsible sa pag-rekord ng Minutes ng
Kalihim
mga pagpupulong

XIII. SUSTAINABILITY PLAN


Ang pamunuan ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Barumbado ay magtatalaga ng
maintenance ng mga mabibiling sasakyan at driver ng mga sasakyan pag-kinakailangan ng
gamitin. Magkakaroon ng kontribusyon ang mga gagamit ng sasakyan para ipambili ng
krudo o gasoline para sa van at kaunting tip sa driver. Magkakaroon din ng request upang
magkaroon ng lisensya ang bawat sasakyan o maparehistro at pati na rin ang mga magiging
driver nito.

XIV. Component for Making Funds


1. Halaga ng mga sasakyang bibilhin upang gawing school service.
1. Badyet na gagamitin sa pag- canvass ng mga presyo.
2. Ekstrang pondo upang ipambili ng ektstrang gamit pang maintenance ng mga sasakyan
tulad ng gulong.

XV. Rekomendasyon
Ang walang sawang suporta ng mga Non-Government Organizations at taong may
busilak na puso, at sa pagkakaisa ng pamunuuan ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng
Barumbado at mga magulang ng mga estudyante, maisasakatuparan ang proyekto na para sa
mga kapakanan ng mga estudyante at mga guro. Ang nasabing proyekto ay naghahangad ng
maayos na transportasyon upang ang mga estudyante na may aktibidad sa labas ng paaralan
ay hindi na mahirapang maghanap ng masasakyan, at masuportahan ang mahihirap nating
kabataan na may napakalaking potensyal at katalinuhan.
DAY 5

PAGTATAYO NG MATH GARDEN SA KAMPUS NG BARUMBADO NATIONAL


HIGH SCHOOL

RASYUNALE NG PROYEKTO
Nakakatulong ang Math Garden sa pagpalawak ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa
Matematika. Mararanasan nila ang kagandahan ng asignaturang ito sa pamamagitan ng mga
ipinapaskil na signages, mga interaktibong kagamitang pampagtuturo, temporary learning sheds,
at maaliwalas na atmospera dala ng mga pananim at mga puno na makikita roon. Dahil rito, hindi
magiging nakababahala ang asignaturang Matematika.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang matematika ay isa sa mga asignaturang nangangailangan ng matinding analisis at
konsentrasyon. Ito ay nagbibigay kulay sa agham at ito rin ang tulay sa mabuting pag-unawa sa
mga problemang hinaharap ng mga tao dahil sa metakognitibong proseso sa pagbuo ng sagot o
solusyon.
Kinakailangan ng mga mag-aaral ng malalim na adaptasyon upang makamit ang layuning
ito. Ngunit, malimit sa mga estudyante ang mainip sa mga paulit-ulit na pagtalakay sa mga
paksang mahirap intindihin tulad ng Algebra, Trigonometry, Geometry, at Calculus. Bukod ditto,
ang atmospera at istruktura ng silid-aralan ay maaaring maging sagabal sa pakikinig sa guro o
sap ag-iisip. Dahil rito, nararapat lamang na masolusyonan ang problemang ito.

LAYUNIN
Ang sumusunod ay ang layunin ng Math Garden:
1. Matutulungan ang mga mag-aaral sa pagpalawak ng kanilang pag-unawa sa matematika
sa pamamagitan ng kakaibang paraan ng pagkatuto sa labas ng silid-aralan
2. Maging sentro ng mga gawain ng Mathematics Club sa kanilang pagtitipon, peer
mentoring, at maging sa pagpapaganda ng Math Garden
MGA ESTRATEHIYA
Mula sa distribusyon ng flowchart na nasa ibaba, nahahati sa tatlong bahagi ang
metodolohiya ng proyektong ito: ang pagpaplano, pagsasagawa, at pagpapanatili. Sa pagpaplano
nakapaloob ang pagtukoy sa lokasyon, paggawa ng blueprint, pagbabadyet, at paggawa ng
iskedyul ng mga aktibidades. Sisimulan ang pagtatayo ng Math Garden sa pamamagitan ng
pagsasaayos at pagpapaganda ng lokasyon. Habang ginagawa ito, sisimulan na rin ang pagtatayo
ng mga Temporary Learning Sheds (TLS), paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo, at
paglalagay ng mga karatula sa iba’t ibang bahagi ng Math Garden. Pagkatapos nito, gagawa ang
YEMA ng iskedyul sa paggamit at pagpapanatili ng Math Garden at ang mga patakaran sa
paggamit nito.
Pagpaplano Pagsasagawa Pagpapanatili
Pagtatakda ng iskedyul sa
Paghahanap ng lokasyon Pagsasaayos ng lokasyon paggamit at paglinis ng
Math Garden

Paggawa ng blueprint Landscaping


Pagtatakda ng mga
patakaran sa paggamit ng
Paglilista ng mga Math Garden
Paglalagay ng mga karatula
materyales at
kasangkapang gagamitin

Pagtukoy sa mga tauhan na Pagtatayo ng mga


tutulong sa gawain Temporary Learning Sheds

Paghingi ng suhestiyon sa
mga eksperto ukol sa
disenyo Paghahanda sa mga
kagamitang pampagtuturo

Paggawa ng pinal na
blueprint at listahan ng
mga materyales,
kasangkapan, at tauhan

Pagbabadyet

Paghahanap ng pondo

DALOY NG PAG-AARAL
 Unang bahagi: Paglalahad ng rationale, suliranin ng panukala, layunin, kahalagahan ng
pag-aaral, metodo, saklaw at delimitasyon, at daloy ng pag-aaral
 Pangalawang bahagi: Pagpaliwanag sa konsepto at tunay na layunin ng pagpapatayo ng
Math Garden sa loob ng Barumbado National Science High School
 Pangatlong bahagi: Pagtatala ng mga datos sa kabuuang bilang ng mga materyales at
kasangkapan sa pagpapatayo ng Math Garden, ang ponding kakailanganin, at ang
blueprint
 Ikaapat na bahagi: Panghihikayat sa mga tao lalung-lalo na sa mga estudyante na
tumulong sa pagpapatayo at pagpapaganda ng Math Garden at paggawa ng pinal na
listahan ng mga taong lalahok sa proyekto
 Ikalimang bahagi: Pagtatakda ng timetable sa pagtatayo ng Math Garden
 Ikaanim na bahagi: Pagtatakda ng iskedyul at oras sa paggamit at paglilinis ng Math
Garden
 Ikapitong bahagi: Pagbabalangkas ng mga patakaran sa pagpapanatili ng kaayusan at
kagandahan ng Math Garden

KAAGAPAY NG PROYEKTO
Ang sumusunod ay ang mga tao/organisasyong posibleng lalahok sa proyekto na ito:
 Ang mga estudyante ng Barumbado National Science High School, lalung-lalo na ang
mga kasapi ng Young Enthusiasts of Mathematics Association
 Mga guro ng Barumbado National Science High School
 Supreme Student Government
 Parents-Teachers Association
 Mga non-government organizations o NGOs

MGA MATERYALES AT KASANGKAPAN

Ang mga sumusunod ay ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng Math Garden:
1. Temporary Learning Sheds at mga bakod
 10 sakong semento
 2 kilong pako (Galvanized Nail 3in)
 3 litrong Pintura ( Peach at Bughaw )
 12 pirasong bakal ( 10m ang haba)
 400 pirasong Hollow blocks
 3 Tabla (10m by 10m)
 3 kawayan (5m ang haba)
2. Landscaping
 Mga ornamental plants tulad ng orchids, copia, eugenia, atbp.
 Garden soil
 Tree seedlings
 Mga makukulay na bato
 Pintura
3. Mga karatula
 2 ft. x 3 ft. tarpaulin with print
 Plywood
 Tree seedlings
 Tabla

Ito ay ang mga materyales na kakailanganin sa pagpapatayo ng Math Garden. Nakapaloob pa


rito ang mga kagamitan sa pagkukumpuni tulad ng martilyo, lagare, iskuwala at marami pang
iba. Maaring gumamit ng pison o buldoser sa pagpapatayo ng proyektong ito upang matiyak at
maisakatuparan ang nakapaloob sa disenyo at estraktura nito.

BLUEPRINT NG MATH GARDEN


Ito ay isang lamang pahapyaw na perspektibo ng Math Garden na itatayo. Inaasahan na
magkakaroon pa ito ng mga pagsasaayos matapos itong isailalim sa mga puna at rekomendasyon
ng mga eksperto sa disenyo.
Larawan 1. Ang Disenyo at Estraktura ng Math Garden sa Alabel National Science High
School

Ang Math Garden ng Barumbado National Science High School ay may kabuuang sukat
na 100m x 200m. Ang meeting place o ang tagpuan ng mga miyembro ay may kabuuang sukat
na 20m x 60m na binubuo ng isang kubo, upuan at lamesang nakalagay sa gitna. Ang nakaitim
na bahagi naman ng tagpuan ay ang bodega ng mga kasangkapan at kagamitang nagamit at
gagamitin ng mga miyembro.
Binubuo rin ito ng Temporary Learning Stations o TLS na nagsisilbing tambayan ng
mag-aaral kapag may mga mahihirap silang takdan-aralin, proyekto, o aktibidad na tungkol sa
Matematika. Ang TLS ay may kabuuang sukat na 9 bawat isa at may dyametrong 6m. Sumatutal,
ang kabuuang bilang na TLS ay tatlo at aabot ito ng 27.
Ang mga puno rin ay pinaglagyan at napapalibutan ng mga “benches” na nagiging
kaaya-ayang tingnan ng mga bisita at miyembro. Apat na mga puno ay pinaglagyan nito upang
may mapagkunan ang mga miyembro ng sariwang hangin at maiwasan ang matinding sikat ng
araw.
Ang mga nakapaloob pa sa Math Garden ay ang waiting shed, naghahalimuyak at
nagbabanguhang mga bulaklak sa mga flower box, mga puno, mga disenyo at palamuting
inilalagay sa dito at ang bakod nito.

Inaasahang Badyet

Mga Gawain at Kasangkapan Halaga

Pagpapatayo ng TLS Php 120, 000.00

Paglalagay ng bakod at harapang pintuan Php 10, 000.00

Landscaping ng mga halaman at anyo ng


Php 46, 000.00
lugar.

Paglalagay mga benches sa mga puno Php 20,000.00

Maintenance ng Mga Halaman at Kagamitan


Php 3, 000.00
( Tubig at Kuryente )

Paglalagay ng mga karatula Php 1, 000.00

KABUUANG BADYET Php 200, 000.00

Talahanayan 1. Kabuuang badyet ng bawat gawain at kasangkapan ng Math Garden.

Mula sa sa talahanayan, mayroong anim na mga gawain at kasangkapan ang nakapaloob


sa kabuuang badyet ng Math Garden. Ang una ay ang pagpapatayo ng Temporary Learning
System o ang TLS na may pinakamalaking porsyento (60%) nakuha kumpara sa ibang gawain.
Ito ay may badyet na Php 120, 000.00. Ang ikalawa naman ay ang paglalagay ng bakod at
harapang pintuan ng Math Garden na may kabuuang badyet na Php 10, 000.00 ng pangatlo ay
ang landscaping ng mga halaman at anyo ng lugar na may badyet na Php 46, 000.00. Panglima
ay ang maintenance ng mga halaman at kagamitan tulad ng konsumo sa tubig at kuryente na may
badyet na Php 3, 000.00. Ang panghuli naman ay ang mga karatulang ipapaskil sa Math Garden
na may pinakamaliit na badyet na aabot lamang sa Php 1, 000.00.

You might also like