You are on page 1of 8

PANUKALA PARA SA

PAGSASAGAWA NG WASTE
SEGREGATION MANAGEMENT SA
CARMUNDO NATIONAL HIGH
SCHOOL
IKA-UNANG PANGKAT
Mula sa Ika-unang Pangkat
Barangay Carmundo
Bongabong, Oriental Mindoro
Ika-19 ng Nobyembre
Haba ng Panahung Gugulin: Isang buwan
I. Pagpapahayag Ng Suliranin

• Ang patuloy na pagdami ng produktong kinokonsumo ng mga estudyante sa


paaralan tulad na lamang ng mga balat ng kendi at biskwit, plastic bottles at
papel maging mga nabubulok na pagkain ay nagdudulot din ng patuloy na
pagdami ng basura sa paaralan. Ito ay maaring magdulot ng malaking
problema sa paaralan, sa kalikasan at sa kalusugan ng mga mag-aaral. Ang
pangunahing sanhi ng pagdami ng basura ay ang di maayos na pag-sesegrate
nito sa tamang basurahan at sa tamang uri ng basura nakinabibilangan nito.
• Dahil dito nangangailangan ang paaralan na maayos na maisagawa ang
Waste Segregation Management kung saan ihihiwalay ang mga basurang
nabubulok sa di nabubulok at sa mga basurang maaring i-recycle. Higit sa
lahat mapapanatili nito ang kalinisan sa ating paaralan.
II. Layunin

• Maisagawa ang Waste Segregation management sa paaralan sa


pamamagitan ng pagkakaroon ng mga basurahan o garbage bag sa loob ng
mga klasrum at paligid ng paaralan upang mapanatili ang kalinisan at
maiwasan ang mga bakteryang makakasama sa kalusugan ng mga mag-
aaral.
III. Plano Na Dapat Gawin

• 1. pagpupulong tungkol sa proyektong dapat gawin.


• 2. Pagpapasa at pag-aaproba.
• 3. Paghahanda ng badyet sa pamamagitan ng pagiipon ng mga bote ng gin at pagbenta
nito.
• 4. Pagbili ng mga garbage bag.
• 5. Paglalagay nito sa paligid ng paaralan at pamamahagi sa mga klasrum.
• 6. Pagmomonitor kung maayus bang naitatapon at nahihiwalay na ang mga basura sa
paaralan.
IV. Badyet

Mga gastusin Halaga


I. Halaga ng Garbage Bag Php 300.00
Kabuuang Halaga Php 300.00
V. Benepisyo Ng Proyekto At Makikinabang Nito

• Ang paglalagay ng garbage pag sa paligid ng paaralan ay makakatulong


upang maiwasan ang patuloy na pagdami ng mga basura at mailagay ito sa
wastong tapunan. Kaya naman ang proyektong ito ay nararapat na
maisagawa sa Carmundo National High School upang mapanatili ang
kalinisan at maiwasan ang masamang epekto ng mga basura sa kalusugan ng
mga magaaral. Gayundin makakatulong ito upang maiwasan ang mga
pagbaha sa ating komunidad. Kaya naman ganun na lamang kahalaga ang
Waste Segregation Management sa ating paaralan.

You might also like