You are on page 1of 2

Trexie D.

Ernesto Filipino sa Piling Larangan


STEM 12-2 Bb. Sarah Distor

PANUKALANG PROYEKTO

I. Pamagat

PANUKALANG PROYEKTO SA PAGKAKAROON NG TATLONG KLASE NG


BASURAHAN (NABUBULOK, HINDI-NABUBULOK, PLASTIC BOTTLES) SA
LOOB NG BAWAT SILID-ARALAN NG MATAAS NA PAARALAN NG SAN
ISIDRO

II. Proponent ng Proyekto

- San Isidro National High School-Parent-Teacher Association (SINHS-PTA)


- San Isidro National High School-Supreme Student Government (SINHS-SSG)

III. Kategorya

Ang proyektong ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-


aambagan at pagtutulungan ng mga magulang ng mga mag-aaral. Mayroong
porsiyento sa pondo ng Supreme Student Government ang ilalaan sa nasabing
proyekto upang makatulong, nang sa gayon ay sumapat ang pondo para sa
naturang proyekto. Hindi ito maisasakatuparan kung wala ang partisipasyon ng
punong guro, guro, magulang, at estudyante ng paaralan.

IV. Petsa

PETSA HAKBANG/GAWAIN LOKASYON


Oktubre 8, 2020 Pag-papaapbruba sa SINHS
punong guro.
Oktubre 13,2020 Pangangalap ng mga SINHS
kontribusyon mula sa
magulang ng mag-aaral.
Oktubre 20,2020 Pagbili ng mga Department Store
materyales katulad ng
trash bin at garbage bag.
Oktubre 22, 2020 Inaasahang SINHS
pagdidisimina ng mga
trash bin sa bawat silid-
aralan.
V. Rasyonal

Ang kahalagahan ng proyektong ito ay upang maayos na mapaghiwalay


ang mga basura, at nang sa gayon ay maaari pang magamit ang mga basurang
maaaring iresiklo at gamitin muli. Matututo rin ang mga estudyante upang
malaman nila ang iba't ibang uri ng basura at maaari nila itong gawin din sa
kanilang mga tahanan.

VI. Deskripsyon ng Proyekto

Ang proyektong ito ay paglalagay ng tatlong (3) klase ng basurahan


partikular ang nabubulok, di-nabubulok at plastic bottles sa bawat silid at
maaaring maisagawa sa loob ng dalawang (2) linggo.

VII. Badyet

PAGLALAANAN DAMI HALAGA


Garbage Bins 3 x 30 = 90 90 x 150 = PHP 13,500
Garbage Bags 3 x 30 x 20 = 1800 1800 x 5 = PHP 9,000
Kabuuang Halaga PHP 22,500

VIII. Pakinabang

Una sa lahat, para mapanatili ang kalinisan ng paaralan at mailayo sa sakit


ang mga tao na nasa paaralan na dulot ng basura gaya ng dengue at malaria. Ito
ay mag didisiplina rin sa mga estudyante patungkol sa tamang pagtatapon ng
basura sa wastong nitong lalagyan. Pwede rin na makalikom ng pondo ang
paaralan sa pamamagitan ng pangongolekta at pagbebenta nang mga plastic
bottles na itinapon nang mga tao na nasa paaralan, bukod sa kalinisan ay maaari
pa itong mapagkunan ng pondo.

You might also like